"Lou! Lou! Lou! LOUUUU!!! Nas!s!r44n ka na ba nang vlo mo o tuluyan ka na talagang nilamon ng pagmamahal mo sa babaerong yun? Lou naman..." napaiyak na ko dahil hindi ko na talaga kayang i-handle yung ugali ng kaibigan kong to.
"Tanggapin mo nalang kasi Elle na gan'to talaga ang buhay! Wag na wag ka nang makikielam sa buhay ko! Aalisin na kita sa buhay ko! Simula ngayon, pinuputol ko na ang ugnayan nating dalawa. Simula ngayon, hahayaan mo na ako sa buhay ko. Simula ngayon, hindi na tayo magkaibigan!" Matapos nyang sabihin ang mga salitang yun, biglang nanghina ang mga tuhod ko at nanginig ang buo kong katawan.
Nagbabadya nang bumagsak ang mga luha ko sa pisngi pero pinipigilan ko lang dahil ayokong ipahalata sa kanya na nasaktan ako sa sinabi nya.
Medjo nalungkot ako dahil sa sinabi nya pero naisip ko rin na baka nga kailangan na naming maghiwalay. Kailangan na naming magpalamig ng mga ulo.
"S-sige! Choice mo yan, hindi ko pinili. S-sige! Kung yan ang magpapasaya sayo, e-edi sige. Simula ngayon din, Lou. Pinuputol ko na ang koneksyon ko sayo. Sana maging masaya ka sa pinili mong landas at sana tumagal kayo ni Lorvin. Pero ito sana ang tatandaan mo, ang taong manloloko, hindi nagbabago. Tandaan mo nalang ang lahat nang mga sinabi ko sayo kapag dumating ang araw na wala nang dadamay sayo kapag niloko ka pa ulit nya. Tandaan mo ang lahat ng mga sinabi ko, dahil jan mo malalaman na tama ako. Pinuputol ko na lahat-lahat!" Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya, tumalikod na ako at lihim na umiyak.
BINABASA MO ANG
BESTFRIEND
Short StoryCOMPLETE | A THREAD STORY ______________ "Lou! Ilang beses ko bang dapat na ipaintindi sayo na LOLOKOHIN KA LANG ULIT NI LORVIN! Hindi mo ba nage-gets? Niloloko ka lang nya!" Sigaw ko sa tanga kong kaibigang si Lou na paulit ulit na pinapatawad ang...