Dalawa: Grey
“Good morning class! Okay, I’m going to announce some important matter. So magkakaroon tayo ng educational tour, sa lahat ng interesado makinig lang. Alam nyo naman na it’s a year on year event na natin ang mga tour. This year ay sa Pampanga tayo, all the way narin sa Subic Olangapo.”
“ma’am! Kailan po?” tanong ng isa kong kaklase
“2 weeks from now. And prepare P1100 andoon na ang lahat pwera yung pocket money nyo. Alright, any questions?”
“None ma’am” sabi namin sabay-sabay
Pagkatapos ng announcement ay nagklase na sya.
Tanghalian na namin. Napagpasyahan ng barkada na sa canteen kumain ngayon.
Habang kumakain kami ay may maramdaman akong tao na papalapit sa’min.
“hi!” napairap na lang ako sa isip ko.
“Grey, bakit?” kalmado kong tanong sa kanya. Umupo sya sa tabi ko, as in dumikit talaga sya. Ang totoo ay naiinis ako sa lalakeng to, medyo matagal na nya kong kinukulit manligaw sa’kin.
“oh ano na Lili, may isasagot ka na ba sa tanong ko?” nakangiti sya habang sinasabi yan at halata mo na sabik na sabik syang malaman ang sagot ko. Ayoko naman syang paasahin, kaya siguro dapat sabihin ko na rin sa kanya. Playboy kasi si Grey. Grey Dazzle Cruz, typical bad boy, mayaman at may laban naman ang muka at katawan. Kung praktikal akong babae ay pumayag na ako sa kanya.
“Lilac Hyacinth ang pangalan ko Grey, hindi Lili.” Sabi ko sa kanya ng seryoso. “Grey, simula pa lang dapat sinabi ko na sayo to. Pasensya na talaga. Hindi kita kasi gusto,marami naming mas maganda at matalino dyan.” Diretso akong tao kayasiguro may lakas akong sabihin sa kanya yan ng harapan.
“sige, pupunta na kami. May klase pa eh.” Sinenyasan ko ang mga kaibigan ko na umalis na kami at nakuha naman nila.
Pero bago pa man ako makatalikod kay Grey ay nahatak na nya ang kamay ko.
“teka nga Lilac, antagal-tagal kong naghintay ng sagot mo tapos ganyan lang sasabihin mo?!” halatang galit sya base sa kanyang boses. Halata din na nagpipigil lang sya.
“sorry talaga, alam kong mali na patagalin pa ung sagot ko pero wala talaga Grey, sana maintindihan mo” oo mali ako, mali na paasahin sya sa sagot ko pero natatakot lang naman akong mapahiya sya.
“HINDI—HINDI KO MAINTINDIHAN! ANO BANG MALI SA’KIN? ANO PA BANG HINAHANAP MO SA LALAKE?” medyo natatakot na ko sa sigaw nya. Medyo nakakapukaw na rin kami ng atensyon dito sa canteen. Sumenyas ulit ako sa mga kaibigan ko na umalis na at iwan ako, ayaw talaga nila pero napilit ko rin. Ayokong masangkot pa sila dito.
“GREY—“ sasagot sana ako kaso may biglang pumagitna sa’ming dalawa
Si kuya.
Si kuyang nagvovolleyball.
BINABASA MO ANG
Love and its Colour (Tagalog)
Teen FictionA typical love story. High school life, high school drama, high school problem and high school love. It’s all started when Lilac met Neon in an ordinary situation. They are acquaintance to each other. Until another people appeared on the picture. Wh...