Lima: Preparation

42 1 0
                                    

Lima: Preparation

Bukas na nag tour. Ang bilis pero hindi naman ako excited siguro ay dahil ilang beses na rin akong napunta sa Pampanga. Dalawang o talong oras lang naman kasi ang byahe buhat dito sa Nueva Ecija, kaya ilang beses sa isang taon ay naglilibot kami ng pamilya ko doon.

Maganda dito sa Nueva Ecija, hindi naman ito totally probinsyang probinsya, may matataas ding building ditto, may mall, may tourist spots din.

Napagpasyahan kong pumunta muna sa supermarket dito sa mall sa’min. 45 mins din ang byahe mula bahay hanggang dito. Wala ng stock ng pagkain sa bahay kaya kailangan ko na ring bumili para na rin sa gagamitin ko sa tour bukas.

Nagpunta muna ako sa aisle ng mga in-cans, kumuha lang ako ng coke sapat na para baunin bukas at stock rin sa bahay. Kumuha na rin ako ng pine apple juice, nagulat na lang ako ng paghawak ko sa isang can ay may humawak din.

Paglingon ko ay isang bulto ng tao ang nakangiti sa’kin.

Oo, si Neon nga.

“hi!” bati nya bago pa man ako makapagsalita.

“a-ah eh hello!” alanganin kong bati saka ako ngumiti.

“namimili ka rin?” gusto kong sabihin sa kanya na ‘obvious ba?’, napairap na lang ako sa isip ko

“oo, kailangan eh!” iba talaga ang pakiramdam kapag katabi ko ang lalake na ‘to. Parang lagi akong kinakabahan, magkakaroon ata ako ng atake sa puso pakiramdam ko parang pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko tuwing makikita  ko sya.

“para bukas?”

“oo eh” saka ko na lang dinampot kung ano Makita ko. Ang lapit-lapit nya kasi, parang hindi ako makahinga.

“tara, sabay na tayo?” hindi ko alam kung bakit napatango na lang ako.

Kung anu-ano lang pinagkukuha ko, Pringles, pik-nik, marsh mallows, chocolates. Halata bang matakaw ako? Medyo nagulat si Neon dahil sa sobrang dami ng laman ng cart ko. Ang cute nya pala kasi medyo lumaki yung mata nya.

Palabas na kami ng mall, nakakahiya nga kasi buhat-buhat nya yung dapat dala ko.

Napagpasyahan namin na magjeep na lang, wala naman kasing taxi dito, napag-alaman kong hindi pa sya nagdidrive. Wala pa daw syang license pero marunong na syang magdrive.

Nasa tapat na kami ng bahay ko. Oo hinatid nya ko, ang kulit-kulit kasi nya, dapat ay hindi na ko magpapahatid kaso mapilit sya.

“tara muna sa loob, mag-meryenda ka muna” sabi ko sa kanya habang nakangiti. Tinuruan naman ako ng tamang manners ng magulang ko noh.

“mauna na rin ako, gabi na rin. Baka hanapin na ako sa amin,” sabi nya na nakangiti pa rin. Hindi talaga sya nauubusan ng ngiti inabot na kami ng dilim dahil nag-aya pa syang kumain at magikot-ikot.

“hala, ang daya mo naman!” sabi ko sa kanya.

Biglang nagring ang phone nya, tiningnan nya lang ito pero hindi sinagot bagkus ay tumingin sa akin

“paano bay an, kailangan ko na talagang umalis” saka nya kinamot yung ulo nya. May kuto nga siguro sya?

“ah sige.” Saka ako ngumiti.

Tumalikod na sya at nag-umpisang lumakad papalayo pero bago pa man sya tuluyang makalabas ay tinatawag ko.

“Neon, salamat nga pala!” sigaw ko sa kanya, ngumiti sya at sumigaw din

“walang anuman. Sige, next time ulit ah?”

Next time? Ibig sabihin may susunod pa?

Hindi ko na talaga napigilang mapangiti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 17, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love and its Colour (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon