CHAPTER 1

92 4 1
                                    

! WARNING !
My story may contain graphic depictions of violence, sexuality, strong language, and/or mature themes.

! NOTES !
This is work of fiction, all names, characters, business, places, events and incidents, are product of writer's imagination or have been us fictiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, local or events is entirely coincidental.
Grammatical errors, types and incorrect usage of punctuation marks ahead. Hoping for your kind consideration and understanding.

'Quilly Estioco's POV'

RINIG NA RINIG ko ang sigawan ng mga estudyante sa Gymnasium dahil may event at naiwan akong mag-isa sa classroom kaya lalo akong nabuburyo rito. Ayaw ko namang manood doon kasi hindi naman ako mahilig sa mga ganoong bagay, kaya nilibot-libot ko na lang ang buong classroom kahit kabisado ko na talaga ito, hanggang sa naisipan ko na ngang umupo sa inuupuan ng aming professor.

May mga ilang gamit na naiwan dito, binuklat ko ang isang folder at nakita kong kay Professor Jarlic ang mga gamit dito sa mesa. Paano ko nalaman? Simple lang may nakasulat kasing pangalan na 'Jarlic Esguerra Filimon.' Kinuha ko ang eyeglasses ni Prof na katabi lang ng folder at isinuot ko ito, tumingin ako sa screen ng phone ko saka bahagya akong natawa sa aking sarili.

Para akong strikta kapag suot ko itong bilugang eyeglasses ni Prof, dagdag mo pa na nakapusod ang tali ng buhok ko. May kapayatan din ako at matangkad, singkitin ang mga mata ko na lalong hindi bumagay ang salamin ni Prof sa akin.

Nang magsawa ako sa itsura ko ay nilapag ko na ang eyeglasses ni Prof at nakita ko naman ang isang cellphone na katabi lang nitong mga folders. Kay Prof Jarlic din ata ito kaya kinuha ko iyon at nang buksan ko ito ay nagulat akong wala itong password. Bakit kaya hindi naglalagay ng password si Prof? Nagkibit balikat na lamang ako at tinuon ang pansin sa cellphone ni Prof.

Wallpaper nito ay siya at may kasama siyang babae na sa tingin ko girlfriend niya, nakayakap kasi si Prof sa babae habang hinalikan niya ito sa noo. Aww, how sweet. Edi sana all. Napairap na lamang ako sa nakita ko at pinindot ko ang gallery ni Prof at nag scroll, puro pictures nila ng girlfriend niya ang nakikita ko.

Sexy, chinita at sobrang ganda ng girlfriend niya, parang model or artista kaya hindi na makakapagtaka pa kung nagustuhan ni Prof ang babaeng ito. Sa pagscroll ko ay halos wala rin akong masyadong makitang picture ni Prof puro kasi mukha ng girlfriend niya, at hanggang sa naabot ko na ang dulo pero puro mukha ng girlfriend niya talaga ang nakikita ko. Pero sa dulo rin na nando'n ay may nakita akong isang picture, dalawang Prof Jarlic ang nakikita ko. Magka-akbayan silang dalawa at tinitigan ko pa itong mabuti.

"May kakambal si Prof?" Sambit ko sa sarili ko.

Astig naman! Matagal ko ng gustong magkaroon ng kakambal or magkaroon ng kambal na anak pero mukhang hindi na papalarin pa. Paano ba naman kasi, sa itsura at estado ng buhay ko sino na nga ba ang magkakagusto sa akin? Diba wala.

Pareho silang gwapo, sa tangos at laki ng ilong, sa makakapal nilang kilay, sa ganda ng jawline nila at tamang-tama lang din ang haba ng baba nila na ikinabagay sa kulay na balat at pustura nilang pareho pero ang pinagkaibahan lang nilang dalawa ay ang mga kilay nila.

Si Prof kasi straight ang mga kilay niya kaya naging masyadong seryoso ang mukha nito, 'yong isa naman ay mukhang kwela naman kasi soft angled shape ang mga kilay nito. Sa picture nilang ito mukhang hindi sila magkasundo, at mukhang napilitan lang si Prof dito. Base rin sa itsura nila ay nakuhanan ito noong mga kabataan nila, and as always hindi nakangiti si Prof at never kong nakitang nakangiti ito.

My Crazy StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon