CHAPTER 4

63 3 2
                                    

“Okay, enough. Mag-uusap na lang tayo mamaya kasi maya-maya ay bababa na rin si Quilly,” mahinahong sambit ni ma'am at ikinahinga ko ng maluwag.

Dahil sa narinig ko ngayon ngayon lang ay hindi ko na alam kung ano ang iisipin o gagawin ko, mukhang dito na mapapatunayan na laging mali ang mga babae ha?

Hindi, hindi ako papayag. Kailangang may patunayan din ako at kung sakaling ngang totoo ang sinasabi ni Prof tungkol sa daddy ni Ma'am Ellaine ay pagtitiisan ko na lang, ilang buwan na lang din naman makakapagtapos na ako ng kolehiyo. Kaya hindi panghabang buhay ay magiging kasambahay lang ako.

Huminga ako nang malalim bago magpakita sa kanila, nang pumasok na ako ng kusina ay pareho silang napatingin sa akin. Pareho silang nakaupo at mukhang ako na lang talaga ang hinihintay nila.

“Hehe pasensiya na po ma'am, prof kung natagalan ako. Inaayos ko pa kasi ang mga gamit ko,” nahihiyang sambit ko at umupo sa pinakadulong upuan.

Mahaba kasi ang table nila, kasya ng sampung tao at dahil sa sobrang hiya ko ay umupo ako sa pinakadulo ng upuan. Sila naman ay naka upo sa unahan at magkaharap.

“Quilly ano ka ba, dito ka na umupo sa tabi ko. Huwag ka ng mahiya lalo na magkasama tayo sa iisang bubong ng matagal.” Magiliw nitong sambit sa akin.

“Naku ma'am, okay lang po kung kahit nandito po ako hehe. Okay lang po talaga ma'am hehe.” Nahihiyang sambit ko na ikinanuot-noo ni Prof.

“Don't force her if she don't like,” iritableng sabat naman ni Prof pero hindi siya pinansin ni ma'am.

“Sige na, huwag ka ng mahiya dito ka na umupo,” sambit ni ma'am at sumunod na lamang ako ng tahimik.

Baka kasi kung ano pa sabihin ni Prof at mag-away na naman sila ni ma'am Ellaine. Kinakabahan tuloy ako sa atmosphere na mayroon dito, hindi ko alam kung dapat ba akong mahiya o matakot.

Kumain lang kami ng tahimik at sobra akong naiilang dahil sa sobrang tahimik na tipong mga kutsara, tinidor at ang pagnguya na lamang ang maririnig mo. Ganoon lang kami hanggang sa matapos.

Ako na ang nagligpit ng mga pinagkainan at hinugasan ang mga ito. Pagkatapos ko sa mga gawain ay pumunta agad ako sa kuwarto ko upang maghilamos at makapagpalit.

Jarlic Filimon's POV’

We are in room and I confronted Ellaine about Quilly. I do not really understand why the hell she hire Quilly as maid, is she even thinking that she would put her in danger.

“Okay sorry! Hindi ako nakapag-isip ng maayos, gusto ko lang kasing mapalapit sa kaniya.” She apologized that irritates me more.

“Mapalapit? Why Ella? You just met at her yesterday and you want to be close to her now? Alam mo bang sa desisyon mo masisira ang plano natin? At may mapapahamak na namang ibang tao!” Napayuko na lamang siya sa mga sermon ko.

I sighed and hug her tight 'cause I know she don't want to be here in our situation. Our life is hell at hand of her father, hindi namin ginusto ang sitwasyon na ito pero dahil sa kasakiman ni Ronaldo ay wala kaming magawa kun'di ang sumunod.

Nagkakilala kami ni Ella noong college kami sa Taiwan. Our family is known at the Taiwan as a wealthy family, we became friends and her father find out about it. So he force Ellaine to make me fall inlove at her but she disobey her father.

Kaya ang ginawa ng ama nito ay nilayo niya ang ina ni Ellaine sa kaniya, kaya naki-usap no'n sa akin si Ellaine na kung maaaring magpanggap ako bilang boyfriend niya. Pumayag naman ako kasi naaawa ako sa kaniya, but something happened that make me trap at this situation.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Crazy StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon