ESYT 03

136 8 1
                                    

Muli kong narinig ang malakas na tilian ng mga babae na sinabayan pa ng hiyawan. But my eyes were fixed on Reyster. Ito ang unang beses na natingnan ko nang maayos ang mukha nito. I would be lying if I didn't admit that he’s really handsome. His well-formed pointed jawline made him look more attractive and manly. Thus, sealing his strong presence even if he’s just standing and doing nothing. And I think it is the reason behind all this attention given to him by my fellow students, especially girls.

Napangiwi ako nang mapansin ko na hindi pa rin nagbabago ang pag-akto ni Reyster. Pinapakita pa rin niya na nahihiya ito sa nangyayari. Pero hindi naman siya bumabalik sa tabi ni Jom. Nakatayo lang siya sa baba, malapit sa stage nang nahihiyang nakangiti. Bahagya rin niyang binababa ang kanyang mukha at napapakamot sa batok.

“Mukhang gusto talaga makakita ng showdown ang ating mga kapwa estudyante. So, anong masasabi mo, Prez? Challenge accepted ba?”

Nabawi ko lang ang tingin ko kay Reyster nang makuha ni Onie ang atensyon ko. I looked at Onie. He’s waiting for my answer. Kasabay nito ay ang paglakas pa lalo ng hiyawan ng showdown. I couldn’t help but nod to Onie. Magiging kill joy ako kapag humindi ako.

I know and I could feel the anticipation coming from the old students. Pati mga kasama ko nga sa SSG ay nakikisigaw na rin. Just like Onie said, ito ang first time na may nag-dare na mag-challenge sa ‘kin for the whole stay ko rito sa school lalong-lalo na sa ganitong bagay.

“Ayon! Challenge accepted ni Prez.” Hinarap ni Onie si Reyster. “Hali ka na rito sa stage, challenger. And introduce yourself first. Mukhang bago ka kasi rito sa school. In fact, ngayon lang din kita nakita rito.”

Nanatili lang ako na tahimik sa isang tabi habang ang buong atensyon sa loob ng gym ay nakatuon kay Onie at Reyster. Nakita ko naman na umakyat na rin ng stage si Reyster at lumapit ito kay Onie.

“So, introduce yourself muna.” Nilapit ni Onie ang microphone kay Reyster.

Tila pilit na tumawa pa si Reyster at hindi agad na nakapagsalita. “Ah. . .” Ngumiti ito at tumingin kay Jom na parang humihingi ng tulong. “Ah. . .”

“Don’t tell me nakalimutan mo ang pangalan mo?” tanong ni Onie na ikinatawa ng lahat. Well, maliban sa ‘kin.

Tumingin naman si Reyster kay Onie. “Ah. . . Hindi kasi ako sanay na magsalita sa marami.” Ngumiti si Reyster pero halatang pilit ito.

I just don’t get him. He’s totally different from our first encounter. I could remember it well that he was too confident of himself at that time. Pabalang at mayabang pa nga niya akong pinatabi. Tapos ngayon, ganito ang ipapakita niya sa lahat as if wala kayabangan na nananalaytay sa kanya. He’s hiding that side of him.

“Iyon naman pala. But you still need to introduce yourself. Lalo na you are challenging our ever talented SSG President. Did you know na ikaw pa lang ang natatangi na nagtangka na i-challenge siya? No one dared to do that from the past,” sabi ni Onie. As usual, nagiging madaldal ulit ito. Kaya no wonder kung bakit naging PIO ito kasi kinakausap nito ang lahat.

“Ganoon po ba?” hindi siguradong patanong na sagot ni Reyster. “Hindi ko naman talaga ako ang may gusto ng showdown. Bigla na lang ako tinulak ng kaibigan ko.”

“Well, hindi ka naman siguro itutulak ng kaibigan mo kung hindi ka magaling sumayaw. Tama ba?”

Hindi sumagot si Reyster. Ngumiti lang ito at naghihintay ng kung ano ang susunod na gagawin.

“Anyway. . . Ano nga ang pangalan mo? Kanina pa tayo nag-uusap rito pero hindi mo pa rin pinapakilala ang sarili mo,” natatawang sabi ni Onie. Ikinatawa rin ito ng lahat.

“Reyster po.”

“Reyster who?”

“Reyster Yton po,” nahihiya pa ring sagot nito.

My eye voluntarily rolled. Masyado nang pakitang tao ang isang ‘to. As if hindi ko alam ang totoo niyang ugali.

“What year ka na? Baka pinopo mo ako tapos mas matanda ka pa pala sa ‘kin ah.”

“Ahm. . . Grade 12.”

“I see. Huwag ka na mag-po sa ‘kin. We’re in the same grade lang naman pala. At isa ka sa iha-handle ni Prez mamaya after ng orientation.” Makahulugan naman na tumingin si Onie sa ‘kin.

I know that look from him. But hindi ko na lang ito binigyan ng pansin. I just want to end this fast. Masyado nang maraming oras ang nasasayang.

“Chill ka lang, Pez.” Bumalik ang atensyon nito kay Reyster. “So, Reyster, ready ka na ba sa showdown ninyo ni Prez?”

And again, ngumiti lang si Reyster. Napaikot ulit ako ng mga mata.

“Then, let’s start the showdown!” malakas na anunsyo ni Onie. At naghiyawan nga ang mga manunuod. “Marcus, music please!”

Agad ko naman narinig ang pinatugtog na kanta ni Marcus. Isa ito sa kasalukuyang sikat na upbeat pop song ng tanyag na kpop group.

I stepped aside. And gestured that I’m giving Reyster the cue to be the first one to dance. Gusto ko munang makita kung magaling nga ba talaga siyang sumayaw. Sa dinami-rami kasing dancers na kilala ko rito sa school namin, wala niisa ang nagtangka na makipag-showdown sa ‘kin. And I don't know why. Basta naging ganoon na lang ang situation.

Natigilan naman ako nang magsimula nang sumayaw si Reyster. Like literal na natigilan ako sa nakita ko. Reyster danced so well that you won’t expect seeing from someone na nahihiya kuno sa harap ng maraming tao. He seemed like a different person as he danced compared to the one we saw a little while ago.

Hindi ko maalis ang mga mata ko kay Reyster. On point ang bawat galaw na ginagawa niya. And he got the swag and snap. Hindi ko na nga namalayan na natapos na niya ang first verse at chorus ng kanta at turn ko na to show off.

Of course, I did my best. I will not let this arrogant bastard beat me. I will put him where he belongs.

Sumabay naman na si Reyster sa ‘kin pagdating ng climax hanggang matapos ang kanta. It really became a one on one dance battle between us until the song ended. And I just found myself staring at him directly in the eyes. He’s also doing the same, but I saw the same Reyster from the school supply shop again. Madali lang ito’t nawala agad nang lumingon na siya sa harapan. Pero I know and sure ako sa nakita ko.

Tama ang hinala ko. He’s hiding his real personality to everyone. Nagpapa-good shot lang ito sa lahat dahil bago pa lang siya rito sa school.

Pinagtabi kami ni Onie. At ngayon ko lang nalaman na mas matangkad si Reyster nang bahagya sa ‘kin. Parang hanggang tenga niya lang ako. I secretly watched his face. Bumalik na nga ito sa pagiging mahiyain kuno.

“Nakatitig ka na naman sa ‘kin, colored pens and markers.” Bigla kong narinig na bulong niya.

He knew it was me. He remembered the incident. And I don’t know what he is up to. Mukhang intentional nga ang ginawa niyang mag-challenge sa ‘kin when he saw me dancing.

Sasagot pa sana ako nang tumayo si Onie sa likuran namin sa pagitan namin ni Reyster. Pagkatapos ay dinaan ni Onie sa palakasan ng hiyawan kung sino ang nanalo. Halos magkasing lakas ang hiyawan na natanggap namin. Kaya Onie decided na tie ang naging laban namin ni Reyster. Hindi niya raw kasi marinig kung sino ang may mas malakas na sigawan kahit na ilang ulit niya itong inulit.

Every Step You Take [Vinster AU FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon