"So what are your plans? Last year mo na sa highschool, Vinci. Are you going to follow our footsteps?"
Naalis ang tingin ko sa labas ng sasakyan at nalipat ang pansin ko sa front seat. "You made it sound like I have a choice, dad," ang simpleng sagot ko.
As if naman kasi talaga na may iba akong choice. I'm their only son and only child. Ever since na nagkaisip ako at nagsimulang mag-aral ay sa mga mamahalin at prestigious schools na ako pinapapasok. They wanted the best education for me to prepare me to take medicine. My parents are both doctors and we own a hospital. Given these all, my future was already decided since the day I was born.
Narinig ko naman na natawa si dad dahil sa sagot ko.
"May choice ka naman, anak. Kaya nga tinatanong ka ng dad mo," sagot ni mom na nasa passengser seat. "Pero matutuwa kami kung magiging doctor ka rin kagaya namin. Para hindi ka na rin mahirapan kapag ikaw na ang mamamahala ng hospital natin."
See? Mas gusto pa rin nila na sumunod ako sa kanila. But I also thought that there's nothing wrong about it. Wala rin naman akong naiisip at gusto talaga na tahakin na career. Kung susunod ako sa kanila, secured na kaagad ang future ko. All I need to do is to become a doctor.
"I still don't have any plans, mom. Kailangan ko pang ipasa ang senior year and eventually graduate. May isang taon pa naman ako before mag-college," sagot ko nang hindi nakatingin sa kanila.
Wala naman silang sinabi pagkatapos. Wala rin akong narinig na pagtutol nila. This is one of things I like about them. Although they already set some plans for my future, they still ask for my thoughts.
Itinuon ko na lang pabalik sa bintana ang paningin ko. Agad rin naman na nakuha ng tanawin ang pansin ko. I quickly opened the window and lifted my digital camera. I took some shots sa nadaanan namin na overlooking view ng mountainside at ng dagat. Pagkatapos ay tiningnan ko rin kaagad ang picture nang nakangiti. And I repeated the same routine for the rest of the time we're travelling hanggang sa makarating na kami sa bahay.
Kagagaling lang namin mula sa 3-day summer vacation naming tatlo. Ito lang din kasi ang araw na bakante ang schedules ni dad at mom. They really pushed the 3-day vacation kahit pa na busy sila sa trabaho nila sa hospital kasi wala rin ajong ibang ginagawa kung hindi ang tumambay lang sa bahay. At kung lalabas man ako, sa tahimik na lugar lang din ang nagpupunta like museums. Nauubos ang oras ko kakakuha ng picture sa kung ano-anong bagay na nakikita. So they decided to go to a countryside.
It's a win-win situation for us after all. I can take photos as much as I like, and they can have some break and relax.
Kapapasok ko pa lang sa room ko at ilalapag ko pa sana ang bag ko sa kama nang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito sa loob ng bulsa ko. And I saw who's calling me. Si Marcus, ang SSG secretary namin. He reminded me need to be in the school this afternoon.
Mabuti na lang at tumawag si Marcus. Nawala na talaga ito sa isipan ko na may meeting pa kaming mga officers before the classes officially starts on Monday.
After the call, I checked the time. May dalawang oras pa ako bago ang napagkasunduang oras ng officers. I unpacked my things, and I slammed my body on the bed right after.Napatitig ako sa kisame.
Another boring school year will start two days from now. Everyone in school, especially my schoolmates, looked up at me because I excel in everything that I do. But, they didn't know and see that this life of mine is boring. Halos paulit-ulit lang ang lahat nang nangyayari sa 'kin kahit ibang bagay na ang ginagawa ko. It's like I can do anything easily without dropping a sweat. Hindi naman sa pagmamayabang, it's just that. . . I feel like I am living a life that is perfect, too perfect. Hindi rin sa nagrereklamo ako. Parang wala na rin kasing nakakapagpa-excite sa 'kin dahil sa rito. Binibigay rin lahat ng parents ko ang mga gusto ko in return of being always on top.
BINABASA MO ANG
Every Step You Take [Vinster AU FanFic]
FanficBoring. That word summarizes my whole life as Vinci Malizon. From academics to extra-curricular activities, palaging ako ang nangunguna at wala man lang tumatapat sa 'kin. Walang challenge. Kaya nga minsan ay naiisip ko na sobrang galing ko na at pe...