Kabanata 5

330 4 0
                                    

Kabanata 5

MUNTIK ng mabitiwan ni Sabrina ang hawak na plato na naglalaman ng sinangag nang dahil sa pagmamadali na mailapag ito sa ibabaw ng mesa. Pumasok na kasi si Tyler sa loob ng dining room.

“Hubby, kaen ka—”

“I’m not hungry.” Pagputol nito sa anumang sasabihin niya bago bumaba ang tingin nito sa suot na relo. “Kailangan ko ng umalis. May meeting pa ako ng alas-otso ng umaga.”

Ngunit bago pa man siya makapagsalita ulit ay dali-dali na siya nitong tinalikuran. Laglag ang balikat na bumaba na lang ang tingin ni Sabrina sa mga pagkain na nakahain ngayon sa mesa.

It’s been a week since Tyler discovered about her taking pills. Ganoon katagal na rin siyang tinitiis ng asawa. Magmula kasi ng araw na ‘yon ay naging malamig na ang pakikitungo nito sa kanya. Kahit magkatabi pa rin silang natutulog sa iisang kama ay ni hindi man lang siya nito magawang hawakan o tapunan man lang ng pansin.

And it’s making her heartache each single day.

“Wag ka ng malungkot. Kung gusto mo ay sasabayan na lang kita kumain. Paniguradong masarap ang lahat ng ‘yan.”

Nilingon niya si Manang Salome na mayroong malawak na ngiti sa mga labi. Napatango naman siya kaya nagsimula na silang kumain. Maging ang ibang mga katulong ay niyaya na rin niya. Dahil wala naman siyang photoshoot at iba pa na schedule ngayong araw ay balak niyang maghapon lang na manatili sa mansyon.

Pagkatapos nilang kumain ay naisipan naman niyang labhan ang damit nilang mag-asawa. Noong una ay ayaw pa siyang payagan ni Manang Salome. Maging ang iba pa na mga katulong ay niloloko rin siya na baka mapaalis ang mga ito dahil inako na niya ang trabaho ng mga ito.

“Nagkataon lang din po kasi na wala naman akong trabaho ngayong araw. Somehow, I just like to feel how it is to become a full-time housewife. Kahit paminsan-minsan lang po,” paliwanag niya sa mayordoma.

Ginawaran naman siya nito ng mapang-unawa na tingin. “Sige na nga. Ikaw talagang bata ka. Basta wag mong pipilitin kung hindi mo na kaya, hah.” Mahihimigan ng pag-aalala ang boses nito.

“Opo.” Napangiti na siya at inabala na ang sarili sa nakapila niyang labahan.

PASIPOL-SIPOL si Sabrina habang isa-isang inilalagay ang mga tupperware na naglalaman ng inihanda niyang pagkain sa dadalhin na lunch bag. Dahil hindi kumain ng agahan ang kanyang asawa ay nasisiguro niya na gutom na ito. Kaya naman ay naisipan niya na ipagluto ito ng tanghalian kahit halos wala pa siyang pahinga nang dahil sa mga ginawa niya kanina. Madalas din kasi kung magpalipas ito ng tanghalian. Ayon na rin sa secretary nito na si Rodel nang minsan na matanong niya.

Sa loob ng ilang taon nilang relasyon at isang taon na pagiging mag-asawa ay ngayon lamang niya ito gagawin. Kaya naman ay tahimik niyang ipinapanalangin na sana ay mapatawad na siya ni Tyler.

“Nasisiguro ko na hindi na ‘yan magagawa pa na tanggihan ni Sir Tyler. Bukod sa niluto mo ‘yan ng may pagmamahal ay ikaw pa ang personal na magdadala niyan sa kanya sa opisina. Ewan ko na lang kung hindi pa siya bumigay,” nakangiting komento ni Manang Salome habang sinusundan siya ng tingin.

Kinagat niya ang ibabang labi. “Sana nga po, Manang.” Nilingon niya ito at binitbit na ang lunch bag. “Aalis na po ako.”

“Sige mag-iingat ka. Talagang masosorpresa ‘yon sa pagpunta mo sa opisina at baka sabayan ka pa nga uwuwi,” buong kumpiyansa na wika ng mayordoma.

Hindi na siya umimik pa at hinayaan na lamang ito na ihatid siya hanggang sa labas ng pinto.

Sa pagsakay ni Sabrina ng sasakyan ay malalim siyang napahugot ng hininga bago tuluyang pinaandar ang kotse paalis. Marunong naman siyang magmaneho. Pero sa totoo lang ay hindi pa siya ganoon kasanay dahil mayroon naman silang family driver at madalas na hinahatid at sinusundo naman siya ng asawa magmula ng maging sila.

Against All Odds ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon