Simula

662 6 0
                                    

Simula

WALANG pagsidlan ang nararamdamang kasiyahan ni Sabrina, habang nagsasayaw sila sa gitna ng kanyang asawa na si Tyler. Katatapos lang ng kanilang kasal at kasalukuyan silang nasa reception area.

Pribado ang nasabing pagtitipon, at nirespeto naman ito ng mga dumalo na media na nanatili lamang sa labas. Kaya naman ay hindi na nagawa pang idokumento ng mga ito ang mga pangyayari sa loob. Iilan lang din ang kanilang mga inimbitahan na bisita na pawang malalapit na kamag-anak at kaibigan lang nila.

Isa kasi si Sabrina sa kilala at sikat na modelo ng bansa. Kaya naman ay hindi maiwasan na palaging may nakasunod sa kanya na camera. Habang si Tyler naman ay kilala sa mundo ng negosyo. Sa murang edad kasi ay nagawa na nitong makapagpatayo ng sariling kumpanya.

“Hindi pa ba tayo aalis? Kanina pa kita gustong-gusto na masolo, eh.” Ipinagdikit ni Tyler ang noo nilang dalawa.

Mahina naman siyang natawa nang dahil sa sinabi ng asawa. Sa totoo lang ay kanina pa ito nagmamadali na umuwi sila.

“Malapit naman ng matapos ang event. Bakit ba hindi ka makapaghintay riyan?”

Napangisi ito. “Excited na kasi akong bumuo ng basketball team.” Itinaas baba pa nito ang kilay.

Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Napayuko na lang siya at marahan na inihilig ang kanyang ulo sa balikat ni Tyler. Hindi niya gustong makita ng asawa ang naging reaksyon niya sa sinabi nito.

Siyempre ay gusto rin niyang magkaroon sila ng anak. Pero hindi pa sa ngayon. Hindi pa kasi siya handa, lalo pa at maganda rin ang takbo ng kanyang karera.

Ilang saglit pa ay natapos na ang pagtitipon. Agad na nilapitan naman sila ng kanilang mga magulang.

“Ikaw na ang bahala sa prinsesa namin, Tyler. Ipinagkakatiwala na namin sa ‘yo ang aming anak,” mangiyak-ngiyak na wika ng ina ni Sabrina. Masuyo naman itong inalo ng asawa.

“Wag po kayong mag-alala. Ako na po ang bahala kay Sab,” paniniguro naman ng asawa sa kanyang mga magulang.

Napangiti naman si Sabrina sa itinuran ni Tyler. Maging siya ay kampante sa magiging buhay niya sa piling ng asawa at sa magiging trato nito sa kanya.

“Masaya kami para sa inyong dalawa. Pero pasensya na kung mas nasasabik kaming makita at mahawakan ang magiging apo namin balang araw,” umaasang sambit naman ng ina ni Tyler na sinang-ayunan ng ama nito.

Pinigilan ni Sabrina na mauwi sa ngiwi ang kanyang pagngiti. Hindi na lang siya umimik pa, hanggang sa magpaalam na sila sa mga ito.

Humilera naman sa labas ang iba pa nilang mga bisita upang muli silang batiin, bago sila tuluyang umalis.

But the moment they stepped outside the five-star hotel where the reception takes place, they have been welcomed by flashes of camera. The two of them just smiled and waved their hands, before they went straight ahead on the limousine that’s waiting for them.

“Sa wakas ay natahimik din ang paligid,” aniya ni Tyler pagkapasok nila sa loob ng sasakyan, na agad rin namang pinaandar paalis ng family driver ng mga Fortalejo.

“I’m sorry. I know that you are not used to such things,” hinging paumanhin niya sa asawa at kumapit sa braso nito.

Marahan naman nitong hinaplos ang kanyang pisngi. “It’s alright. Magmula ng mahalin kita ay tinanggap at minahal ko na rin naman ang mundo na ginagalawan mo. It’s just that today is a special day. That’s why I want it to be just the two of us,” buong sinseridad nitong wika.

Tila may kung ano namang kumiliti sa kanyang puso nang dahil sa sinabi ni Tyler.

Pero napataas na lang siya ng kilay nang gumuhit ang pilyong ngiti sa mga labi nito.

Against All Odds ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon