Kabanata 14

452 6 0
                                    

Kabanata 14

ABALA si Tyler sa pagbabasa ng report na sinend ni Rodel sa kanya nang biglang huminto ang sinasakyan niyang kotse. Hangga’t maaari ay ayaw pa sana niyang pabalikin ang kaibigan sa trabaho. Pero mapilit ito.

Napapikit siya at bahagyang minasahe ang mga mata bago ibinaba ang hawak na tablet at lumabas sa sasakyan. Agad na sinalubong ng malakas na alon ang kanyang pandinig mula sa tabing dagat na nasa kanyang harapan ngayon. Dahil tirik na tirik pa rin ang araw ay tinanggap niya ang inabot na shades ng assistant at kaibigan na si David.

“Ayos rin ang napiling location ng ex mo, ah. Seaside restaurant lang ang peg.” David chuckled humorlessly.

Tyler looked on his friend with blank expression. Kung anong tahimik ni Rodel kapag oras ng trabaho ay siya namang ingay at kulit nitong assistant niya.

“Shut up. Bakit kasi hindi ka pa maghanap ng babaeng mamahalin mo? Para hindi lovelife ko ang ginugulo at pinagdidiskitahan mo,” asik niya rito.

Bigla naman itong napangiwi. “Man, sapat na ang nakita kong dinanas n’yo ni Rodel nang dahil sa pag-ibig na ‘yan. Kaya sa tingin mo ba ay may balak akong sundan ang yapak n’yong dalawa?” Mariin itong napailing. “Thanks. But no, thanks. Kuntento at masaya na ako sa buhay ko. No strings attached, no problem.”

Tuluyan na siyang napaharap dito bago malakas na tinapik ito sa balikat. “My friend, wag kang magsasalita ng tapos. Baka mabilaukan ka niyan kapag nilunok mo ang mga salitang binitiwan mo at hindi umubra ang ilang baso ng tubig bago ka maka-recover,” paalala niya rito.

Magmula pa lang noong kolehiyo sila ay wala na itong naging steady na relationship. Kaya naman ay maghahanda talaga siya ng party sa oras na tamaan ni kupido ang puso ng kaibigan niya.

Magsasalita pa sana ito nang bigla itong mapatingin sa kanyang likod dahilan para biglang malukot ang mukha nito.

“Speaking of the evil witch,” bulong nito.

Tyler gave his friend a weird look. Hindi niya kasi naintindihan ang sinabi nito. Mamaya ay minura na pala siya ng loko.

“What is it?”

Ngumuso naman ito sa bandang likuran niya dahilan para mapalingon siya roon. Nahagip ng paningin niya si Tanya na abala sa pagmamando sa mga trabahador nito. Bakas ang iritasyon sa mukha ng nito habang nakapameywang. Tila aligaga naman ang assistant nito na nagpapayong sa babae dahil panay ang lakad nito.

Ngunit nang sa wakas ay mabaling sa direksyon niya ang atensyon nito ay awtomatiko itong napangiti at patakbong lumapit sa kanya. Sa isang iglap ay tila naging maamong tupa ito.

“Hey! You didn’t tell me that you will come today!” salubong nito sa kanya. Bakas ang magkahalong gulat at excitement sa mukha nito.

“Feeling important para sabihan yern?” muling bulong ni David sa tabi niya.

Mahina naman niya itong siniko para tumigil na ito sa pang-aasar. Wala talagang preno ang bibig nito.

“Pupuntahan ko rin kasi ang isa sa mga branch namin. Pero dahil madaraanan naman namin itong sa ‘yo ay naisipan ko na rin na sumilip.” Inilibot niya ang tingin sa paligid. “How’s the construction going so far?”

Nagsimula na silang maglakad. David followed them and make faces behind their back while looking at Tanya.

Napahinga na lang siya nang malalim nang mahuli niya ito. Kumpirmado nga na tumatanda ito ng paurong.

“It’s actually good! Thankfully, wala namang naging problema. Sa mga susunod na buwan sana ay makapagsimula na rin kami ng operation,” magiliw na sagot ni Tanya.

Against All Odds ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon