02

9 0 0
                                    

Chapter 2

Natapos ang unang klase namin at tulog pa rin ang katabi ko pero hindi ko na pinansin ito.

Sunod na klase ay lumipat na kami sa ibang room kung saan nandoon ang isa pa naming prof sa isang subject.

Nang nakarating kami doon ay papalabas pa lamang ang mga nauna samin sa klaseng iyon.

Habang naglalakad ako ay nanlaki ang mata ko ng makitang may lalaking mabilis na tumatakbo papalapit sa direksyon ko. Malapit na siya sakin ng mapansin niyang mababangga niya ako kaya naman kahit sinubukan siyang tumigil ay nabangga niya parin ako na siyang ikinatumba ko.

Agad na lumapit sakin si Shii at tinanong kung ayos lang ako. Nilingon ko ang nakabangga sakin, a tall guy with that small grin on his face while he is scratching his head at ni hindi man lang tumayo.

Nang nakita niyang nakatingin ako ay dali dali siyang tumayo at nagpagpag bago ako nilapitan at nginitian.

Inilahad niya ang kamay niya para tulungan akong tumayo habang nagkakamot sa ulo.

"Uh pasensya na miss, eto kasing kaklase ko e hinabol ako. Sinabi ko lang naman na nakita ko yung gf niya na may kayakapan na ibang lalaki tapos hinalikan pa sa pisngi. Ayun nagalit tapos hinabol ako. Nasaktan kaba miss?" Mahabang saad niya.

God! He's too noisy!

"I'm ok, thank you" saad ko bago inabot ang kamay niya at inalalayan niya naman akong tumayo.

"Ah ako nga pala si Vincent Joseff Cortez, taga kabilang section ako at kakatapos lang ng klase namin dito. Actually papunta nako sa susunod na subject kaso nabangga kita kaya ayon medyo hindi ako nakapunta na don kaya hindi nalang muna siguro ako papasok, siguradong papagalitan nanaman ako ni kuya Max pag nalaman niya pero bahala na. Ano nga palang pangalan mo miss?" Mahabang saad niyang muli.

Hindi na ba siya mauubusan ng sasabihin? God kalalaking tao ka daldal daldal, is he a gay or something?

"Samantha Vivian Nova Valdez" maikling pakilala ko.

"Wow nice name, alam mo ikaw palang ang nakilala kong hindi suplada at may maganda pang pangalan. Siguradong mabait ka at sana maging magkaibigan tayo. Sama ka samin minsan sa lunch kasi mga pinsan ko naman ang kasama ko dun e tsaka mababait naman sila" sagot niya naman.

"Uh sorry but I have to go, mag sstart na kasi ang klase ko. See you around" saad ko.

"Uh sige have a great day ahead! See you around and sana hindi ka mahirapang sa lessons mo kasi ako hirap na.... "

Madami pa sana siyang sasabihin pero umalis na ako at hindi ko na narinig ang sinasabi niya.

He's so annoying! God! Ilang klaseng weird pa ba ang makikita ko? First was the sleeping guy then this noisy guy! What a very great day for a newby like me. I feel really welcomed!

After that ay pumasok na ako sa class room at nag uumpisa na ang klase. Nakita ko ang bakanteng upuan sa likod at bahagyang nanlaki pa ang mata ko ng makitang nauna pa sakin yung tulog kaninang si Giovin ba yon?

At sa kasamaang palad ay  katabi niya nalang ang bakanteng upuan kaya no choice ako kundi tumabi nanaman sa kanya.

He's no harm naman eh. Hindi na siya tulog ngayon at nag uumpisa na siyang maging pasaway.

Una ay binato niya ng binilog na papel ang lalaki sa unahan namin kaya lumingon ito at tinuro naman ako ni Giovin na siyang ikinagulat ko.

Damn him!

The guy opened the paper and I saw some notes in there then he faced us again and winked at me.

Ano kayang nakasulat don? Why did he winked at me? Crazy people.

Nang natapos ang klase ay hinintay ako ng lalaki kanina. "Hi" bati niya at kinorner ako sa pader ng room at ng nakita ko si Giovin ay dinaanan lang ako nito.

"So ano? Sabay tayong lunch?" saad ng lalaki, "Oh by the way ako nga pala si Rick and you are Vivian right? Nakita ko sa notes mong gusto mong sumabay sakin ng lunch, so ano?" Mahabang saad niya.

Damn that Cortez! Humanda siya sakin mamaya.

"Uh sorry but the note wasn't from me, actually Giovin was the one who wrote it." Sagot ko bago siya iwan.

Dumiretso ako sa cafeteria dahil break time naman at hinanap ko si Shii pero hindi ko nakita, nasan kaya siya? Wala pa naman akong ka close dito.

Lumapit ako at bumili ng pagkain at napansin ko na maraming nakatingin sakin. Naiilang man ako pero hindi ako  nagpahalata.

Palabas na ako ng cafeteria ng may nakabangga saking babae atnatapon ang juice nito sa damit ko.

Iniangat ako ang tingin ko at nakitang babae ang nakabangga ko. She is pretty pero sa paraan ng tingin niya sakin ay masasabi kong hindi pakikipagkaibigan ang gusto niya.

Bahagyang nakataas ang kilay niya sakin bago siya magsalita. "Oopsss, sorry. Ikaw kasi  kung saan saan ka nakatingin." Maarteng saad niya at bahagyang natawa ang dalawang kasama niya.

Magsasalita na sana ako ng marinig ko ang boses ng isang lalaki.

"Girls ano nanaman ito? Stop messing around with this girl and will you please go away" anito sa malamig na tono at nang tingnan ko ito ay sinalubong ako nito ng ngiti na nagpapakita ng dimples niya.

"Did they hurt you miss?" Tanong nito at iniabot sakin ang jacket. "I'm good, thanks" saad ko at aalis na sana ng hagipin niya ang braso ko at pinilit ibigay sakin ang jacket.

"Miss take this, ipangdoble nalang muna. Basa ang damit mo" anitong namumula at hindi makatingin sakin. Nang tingnan ko ang damit ko napamura nalang ako.

Shit! Bakat ang bra ko!

Kinuha ko na ang jacket at dali dali itong isinuot ba pumunta sa cubicle at hinubad ang blouse ko bago isinuot ulit ang jacket. Wala kasi akong dalang pamalit.

Paglabas ko ay pumunta na ako ulit sa room at ramdam ko ang tingin ng mga ilan sa kababaihan sa likuran ko bago bumulong.

Nagtaka ako kaya naman nagsalamin ako para tingnan kung anong nakasulat sa likuran nito.

"Joash Christian Cortez" ang nakaprint sa likuran ng jacket. Oh my what a very lucky day for me!

Mapagkakamalan pa ata akong shota ng Joash na yon!

I Tamed The ColdestWhere stories live. Discover now