After Many Years

160 2 5
                                    

--Derrick's POV--

Nakapag-graduate na ako ng high school na hindi ko man lang nabati at nayakap ang bestie at my love ko. Masaya pero masakit din dahil iiwan mo na ang buhay high school at iiwan mo na rin ang mga nagpasaya sayo ng todo! 

Tita Tina: Nak! Congrats! I'm so proud of you!!

Janna: Oo nga pala kuya, uuwi si ate Hazel! Balak niya tayo isama sa Cebu for her vacation with her friends.

Tita Tina: Diba sabi ko, surprise yun?!

Janna: Ayy!! Oo nga pala!! Sorry mader!!

Rick: That's great! At least bonding ulit tayong family with Sef! Hahahaha atsaka mas maganda na rin 'to para naman mawala na ang stress!

Sef: That's right my bestie!

Rick: Hoy!!! Si Lexi lang tumatawag sa...kin...nun...

Janna: Ayan na naman kuya! You should let her go already, she's not coming back! Sinasaktan mo lang sarili mo eh.

Rick: Ang OA mo naman! Naalala ko lang bestest ko eh!! Hahahaha

Pero deep inside, durog na durog na puso ko, parang gusto ko nang magka-amnesia para lang makalimutan ko na si Lexi. 

==

Dumating na si ate Hazel from abroad. 'Tas aalis nanaman siya kinakabukasan, pero this time kasama kami. Kasama nga pala yung best friend niya, si Sam. Hahaha naalala ko nanaman si Lexi! Ayoko na!! Kailangan ba lagi siya?! Nakakaasar na! -- nakakamiss din kasi yung bonding namin, yung biruan namin at yung heart-to-heart talk namin. Saklap naman ng buhay ko. OA ko no?! 

--CEBU--

Sobrang ganda pala dito sa Cebu! This place deserve more fame! Ang sarap puntahan lahat ng magagandang tanawin dito, ang ganda din ng rest house ni kuya Sam! Over looking sa beach. Yes, nasa Resort Residential kami. Masyado na yatang mayaman ang best friend niya para mag-trabaho 'to. Sobrang amaze ako sa mga kagamitan dito. Sabi niya, most of them ay limited edition from Europe and North America. -- Hindi kami ganun kayaman no! -- It was rainy afternoon, my mom decided na we should stay at home. Si kuya Sam umuwi na sa ibang bansa, pero pumayag siya mag-stay muna kami dun. Pero sa sobrang bored na ako, sinubukan kong tumakas -- bait ko no?! -- then napadpad ako sa isang simbahan, sobrang ganda. -- ang ginawa ko siyempre umupo then prayed. Then I noticed something. My girl na umiiyak while praying, kaya lumapit ako sa kanya. 

Rick: Miss? Okay lang po ba? 

Nakita kong nagulat siya, pero humarap siya sakin at ngumiti. Pero, mas nagulat ako.. 

Rick: Lexi?!

??: Ano po?! Hindi po ako si Lexi, ako po si Isadora. May kailangan po kayo? Teka lang, tatawagin ko lang yung pari. 

Rick: Lexi, wag mo naman gawin 'to sakin! Alam kong ikaw yan! Please... 

Isadora: Kuya, okay ka lang?! Ang kulit mo naman eh, hindi nga ako si Lexi niyan! Kung sino man yan, wala siya dito sa simbahan! Hanapin mo sa ibang simbahan, baka sakaling makita mo siya dun! 

Rick: Wait lang, stay there. *kinuha ang wallet at pinakita ang picture* Diba...diba ikaw yan?! Imposible naman may kakambal siya!

Isadora: Ba't ang kulit kulit mo? Sabi nga hindi ako yan eh! Alis nga *tinulak*

*hinila ang braso ni Isadora*

Rick: Alam kong ikaw si Lexi, dahil nararandaman ng puso ko. Sinisigaw ng puso ang pangalan mo mula nang makita kita. 

Isadora: Kuya, may taping ba? Scripted ba 'to? 

Rick: Hindi Lexi, totoo lahat ng ito. Lex, listen 'to me. Ako si Rick! Ang best friend mo na soon-to-be-boyfriend. 

Isadora: Kuya Rick, sumosobra ka na! 

??: Isadora! Bakit mo sinisigawan ang isang bisita? Diba sinabihan ka ni Father tungkol diyan?

Sister: Sorry po, ito po kasi si kuya, akala niya ako yung best friend niya na si Lexi. Pero hindi naman po talaga. 

*mukhang gulat na gulat ang madre, lumapit kina Isadora at Rick*

Sister: Isadora, pumunta ka na sa kwarto at alagaan mo ang mga bata doon. *umalis na si Isadora* Ano po ang kailangan ninyo? Bakit mo pinipilit na siya ang Lexi ng sinasabi mo. Alam mong hindi sila pwede mag-sinungaling sapagkat andito sila sa loob ng bahay ng panginoon. Kung ako sa iyo ijo. Baka naman nagpakalayo-layo na talaga siya. Iyan bata na yan, sadyang madaming kamukha. Hindi lang ikaw ang unang lumapit at akala siya ay si Stephanie, Chloe, Queenie at ngayon naman ay Lexi. Sorry iho, pero wala ang Lexi ang hinahanap mo dito. Magandang hapon at mag ingat ka na lang.

Rick: Sige po. Maraming salamat. Pasensya po ah! Hindi ko sinasadya. Sa inyo din po. 

*umalis*

S1: Alam mo sister, malapit na mawala satin si Isadora. Hindi maari yun. 

Sister: Ako ang bahala. 

=

Alam ko si Lexi talaga yun. Randam ko talaga. Feeling ko may tinatago ang madre na yun. Araw-araw na ako bibisita. 

----------------------------------------------------------------------------------------------

Sorry kung sobraaaaaang lame and sobraaaaaaaaaaaaang boring! 

Follow niyo si Lexi, @OfficialLexiF at si Derrick naman, @derrickleander! 

Forbidden Love [DerLex]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon