After namin mag-shopping ni Yassi.. nag-sleepover kami sa rest house nila. Sobrang bait ng mommy niya at parang bagets na bagets! Somehow nag-eenjoy ako, kasi yung napapanood ko lang dati nangyayari na! Simula naging kaibigan ko si Rick, nagbago buhay ko. Nagbago yung pakikitungo sakin ni sister. Na parang dati bawal ako sa ganto ngayon LAHAT pwede ko nang gawin. Ang daming nagbago sakin. Ewan ko pero, sabi ni Yassi, "This is where you belong Isa", kahit na hindi man ako pasok sa looks nila as mayaman, mga mamabait sila sobra.. Ngayon nga puro Instagram lang ginagawa niya, pinagmamalaki niya ako! Nakakatuwa nga kasi iba siya..
Yaz: Ang lalim naman ng iniisip mo --- post ka naman diyan! *sabay picture*
Isa: Hindi ka naman adik sa Instagram thingy..
Pasalamat din kay Yassi at hindi na ako mukhang ignorante, dahil medyo may alam na ako sa English at dahil sa kanya yun..
Yaz: Nope, nevahh! And besides, ito lang ang hobby ko, taking pictures and post it online!
Isa: Alam mo, malapit ko na mapuno yung balde ng dugo ko..
Yaz: Don't say that! Kailangan masanay ka or else kawawa ka talaga sa Victoria Cruise... *lumapit at pabulong* My mom really likes you! Kaya approve! Ikaw na kasama ko!
Isa: Alam mo kahit pabulong masakit pa rin sa tenga... Ilang araw ba tayo dun *sabay ininom yung gatas*
Yaz: Err, 30 days lang naman.. kasi hello iikotin nung ang buong Southeast Asia!
*natapon yung gatas*
Yaz: My golly! Yaya, linisin mo nga 'to! Please?
Yaya: Yes, ma'am!
Yaz: What's wrong Isa?! Ano problema mo?
Isa: Sorry, 30 days ba kamo?! Hoy! Isang linggo pa nga lang hindi na ako pwede, isang buwan pa kaya?!
Yaz: Don't worry my friend. I told you, pumayag na si sister. Sabi ko nga sa kanya 2 months eh..
Isa: Ano?! Ano pinakain mo dun?!
Yaz: Ano ba problema mo?! Okay na lahat, na set na okay?
Isa: Alam mo, hindi matatahimik ang kaluluwa ko hangga't hindi mo sinasabi kung paano mo napapayag si sister?
Yaz: Fine, nagbigay ako ng donation 'tas nag-plano din ako ng feeding program sa kanila pero humingi ako ng favor and then pumayag sila. End of story. End of problem.
Isa: *napa crossed arms* Talaga?
Yaz: Oo nga! Matulog ka na nga lang diyan!
I trust Yassi pero kinakabahan pa rin ako kasi ano na lang isipin ni sister, na parang mas importante na ang mga kaibigan ko sa Manila kaysa sa kanila. Ayoko ko isipin nila na hindi sila ganun kahalaga sakin. Hayy, matutulog na.
--Kinabukasan--
Ito na daw araw na hinihintay namin, well, si Yassi lang. Dahil hindi ako masyadong excited diyan sa Victoria Cruise na yan. Ito yung first time ko sumakay sa barko.. actually, never pa ako nakasakay ng bangka. Kawawa naman ako. Hahaha! Andito na kami, hinihintay si Derrick.. ang tagal naman nun!
Yaz: Thank god, andito na rin siya..
Isa: Oo nga no! Rick! *habang nagwa-wave*
BINABASA MO ANG
Forbidden Love [DerLex]
FanficAbangan natin ang kwento ni Lexi at Derrick sa pagiging magkaibigan nila. Lalalim kaya ang relasyon nito o mananatiling magkaibigan lamang.