Chapter 3

9 0 0
                                    


Maagang gumising si Eliana para pumunta sa hospital para dalawin niya ang tao kung bakit siya nagstay sa bansa



Pagkadating niya sa hospital dumeretso siya sa kwarto nito, bago siya pumasok sa loob huminga muna siya ng malalim at pumasok na. Nakita niyang may nurse kaya pinakausapan nitong lumabas muna sandali at sinundan naman siya nito.




Lumapit siya sa babaeng nakahiga sa kama at umupo sa kanyang tabi. 



"Hi ate bumalik na ko para sayo kamusta ka na? miss na miss na kita 'di ka pa ba gigising jan 'di ba sumasakit likod mo niyan?" hindi na niya mapigilan maiyak at matawa sa mga pinagsasabi niya. 



"Gumising ka naman na ohh alam mo bang hindi na ko aalis sa tabi mo. It's been 4 years wala ka pa ring pinagbago, kung 'di sana ako makulit noon sana 'di ka magkakaganito, s-sana kasama kita ngayon edi s-sana sumasagot ka sakin, k-kasalanan ko lahat toh!! dapat ako na lang sana nasa pusisyon mo ngayon sana ako na lang nakahiga jan. I'm sorry I-I'm so sorry" sabi niya habang humahagulgol sa iyak. Palagi niyang sinisisi ang sarili niya sa nangyari sakanila dati..



*Flashback*



Pagkatapos niya ibigay ang regalo nito sumakay na sila ng kotse. Pagdating nila sa US nagstay muna si Eli at ang mama niya doon samantalang bumalik na ng pilipinas ang kanyang ate at ang kanyang ama. Tumagal ang pag stay nila doon ng 2 taon dahil sa kalagayan ng kanyang lola na may sakit kaya doon na niya pinagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Nagkaroon siya ng 2 kaibigan doon at matagal na rin silang hindi nagkikita ng kanyang kapatid.



Habang ang kanyang ate ay maagang nagtapos ng pag-aaral dahil sa angking talino nito at tinitrain na siya ng kanilang ama sa kompanya. Habang nasa sasakyan siya pauwi ng gabi galing sa trabaho may tumawag sakanya at sinagot ito.




"Yes? hello who's this?" sabi niya sa tumawag



"AATEE!! miss na kita!!!" sigaw nito sa kabilang linya 



"Eliana?! kamusta ka na?! miss na rin kita kamusta sila lola?" sabi niya habang nagdadrive 



"ok lang ako ate, gumaling na si lola. Ate bat' 'di ka na tumatawag nagtatampo na ko" tumawa siya ng mahina dahil alam niyang nakanguso ito. Sasagot na sana siya nang bilang siyang nalowbat kaya kinuha niya yung charger sa bag niya kaya nga lang nahulog yung phone niya kaya pili niya itong kinukuha ngunit 'di niya namalayan na may paparating na truck kaya agad siyang umiwas dun. 



"AAHHH!!" sigaw niya at tuluyan na siyang bumangga sa poste at nawalan na siya ng malay.

My Snow White Girl (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon