Espesyal Ka Ba?!
Tanong na bumasag sa aking saya.
Tanong na nagpamulat sa aking mga mata.
Na sa lahat kabutihan na sa iyo ay ipinakita.
Sukli mo'y ganyang tanong.Di na nakakapagtaka, kung bakit hanggang ngayon uhaw ka pa din sa atensyon ng iba.
Hanap ka ng hanap nang pagmamahal sa iba.
Hindi mo makita yung nandito kase nasaan ba yung atensyon mo?
Ngayon, siya ay ibinibida, nakakatiyak ako, sa kawalan mo ng pagpapahalaga, iyang ibinibida mo sa iyong mundo
Bukas ay isa na ding malamig na abo.