Johnford
Pagdating ko ng school dumiretso na ako kaagad sa canteen. Kakain na ako at kanina pa nagwawala yung mga alaga ko sa tyan.
"JOHNFORD!" Narinig kong may tumawag sa pangalan ko at pagkalingon ko si Jhay. Kaibigan ko.
"Oh? Bakit bro?" Tanong ko.
"Inuman tayo! Ang dami kong nakitang chicks kanina dun sa isang restobar dun. Tara!" Sabi nya. Patay tayo dito. Inuman na naman.
"Sorry bro. Pero past muna ako. Babawi muna ako sa kapatid ko. Nagtatampo sakin kagabi eh." Sagot ko. Eh kasi nga hindi nga pwede? Babawi ako kay Chloe ngayon. Kaya NO!
"Ano ba yan Bro! Under ka ng kapatid mo?" Tanong nya. Aba gago to ah? Ako under? No way!
"Gago! Hindi noh? Syempre sya na nga lang ang pamilya ko dito eh. Hindi ko pa ba sya aalagaan?" Sabi ko naman. Aalagaan ko yang kapatid ko. Kaya kung sino man ang umaway sa kapatid ko malalagot sakin.
"Para kayong may relasyon ng kapatid mo bro!" Sabi nya. Relasyon? Ang weird naman nito ni Jhay.
"HAHAHAHAHAHA! Relasyon ang puta! Bahala ka na nga dyan. May pasok pa ako." Naalala ko. May pasok pa pala ako. Baka malate ako nito.
"Hahahaha! Osige na nga bro. Sige!" Sibi nya at umalis na.
Habang nagkklase nararamdaman kong may nagvvibrate sa hita ko.
Teka! May tumatawag sakin.
Hindi ko na lang pinansin. Baka kasi mga katropa ko lang. Mga nagaaya ng inuman!
Pero nung nakailang ulit na nagvibrate tinignan ko.
"Chloe is calling..."
Tumatawag si Chloe.
Nako patay na! Pano ko to sasagutin? Eh nasa klase ako? Ang tagal naman kasi magturo nito ni prof.
Hindi pa din sya tumitigil sa pagtawag.
Maya-maya nagbell na at natapos din magturo ang prof ko. Kaya sinagot ko na si Chloe.
"Hello?" -Ako
"KUYA! Bakit ba ang tagal mo sagutin?" Sigaw nya! Grabe nagulat ako sa sigaw nya.
"Nasa klase pa kasi ako eh. Bakit nga ba napatawag ka?" Explain ko at nagtanong na din ako.
"Ikaw ha? May kasalanan ka na naman sakin." Sabi nya. Patay! Sermon na naman ang abot ko nitto kay Chloe.
"Ok! Sorry na sis. Promise! It won't happen again. SORRY!" Pagpaumanhin ko.
"Sus! Pang ilang Promise, it won't happen again mo? Paulit-ulit na lang yan." Kontra nya. Oo nga. Pang ilan na nga ba?
"Hahahahaha! Sorry na. Sige na. May klase pa ako. Mamaya na lang ule. Bye sis! Take care!" Sabi ko. Baka mamaya malate pa ako sa last subject ko eh.
"Osige kuya. Basta umuwi ka ng maaga ah? Bye kuya!" Sabi nya na nakangiti. Siguro?
Pagkababa ko ng phone diretso na ako sa susunod na subject ko.
After 1hr and 30 minutes, natapos din ang klase.
Hindi muna ako umuwi. Pupunta muna ako ng mall. Bibili ako ng pang-peace offering ko sa kapatid ko.
Nang nasa mall na ako. Nagiisip na ako kung ano ang ibibigay ko sa kanya.
YUN! Nakaisip na ako.
Dahil mahilig sa pabango si Chloe alam ko na ang ibibili ko sa kanya.
Pumunta na ako kaagad sa isang botique ng pabango at hinanap ang favorite perfume nya.
30 minutes na akong naghahanap hindi ko pa rin makita yung perfume.
Hanggang sa palipat-lipat na ako ng botique.
After 30 minutes ule... At last nakakita rin ako.
Victoria's secret Blossoming Romance. Nakita rin kita!
Pagkabayad ko sa pabango, naglakad na ako papuntang sakayan at ako'y uuwi na.
Habang nasa jeep, May tumatawag sakin.
Pagkatingin ko sa phone ko, hindi ko na lang pinansin.
Nang makarating na ako sa bahay si Chloe ang agad kong hinanap kay ate Jen.
"Ate Jen, si Chloe?"
"Nandun sa garden, nagaaral." Ang sipag talaga ng kapatid ko. Aba! Masipag din naman ako magaral. Yun lang, nabarkada. ^_^
Pumunta ako kaagad ng garden at nilapitan sya.
Nginitian ko muna sya pero galit yung mukha nya. Nako! Galit pa sya sakin.
"Baby sis oh.." Sabi ko sabay abot ng perfume sa kanya.
"Ano 'to? Peace offering?" Tanong nya.
"Hindi ba halata?" Pilosopo kong sagot.
"Hay nako kuya! Hindi tayo magbabati nyan kung lagi mo kong pipilosopohin." Mapanakot nyang sabi.
"Sorry na sis. Alam mo naman si kuya teenager na. It's part of my life. Dadating ka rin sa stage na ganito. Mararanasan mo din yung ginagawa ko. Sorry na sis." Explain ko.
PagkaExplain ko, tumingin sya sakin at sabay ngtiti. Ang bipolar lang ng kapatid ko.
"Apology accepted." Sabi nya na may ngiti sa mukha nya.
"Salamat baby sis." Sabay binigyan ko sya ng hug. "Open your gift sis." Sabi ko ng may sabik.
"WOW Kuya! Thank You!" Hinug nya ako. "Favorite ko 'to. Thank You Talaga." Sabi nya ng napakasaya.
"You're welcome sis. Basta ikaw." Sabi ko naman.
Maya-maya pa nagaral na ulit si Chloe ng biglang tumunog ang phone ko.
"Daddy is calling...."
Tumatawag na naman 'tong kupal na 'to.
___________*___________*___________*___________*
Stop muna guys :)
Abangan sa next chapter kung bakit "kupal" ang tawag ni JF sa daddy nya.
Like and comment guys. :)
Follow my accounts:
https://www.facebook.com/rhinadrew
https://twitter.com/Rhinareffic
http://rhinareffic.tumblr.com/