Chapter 1

566 1 0
                                    

Chloe

♫...I've been all around the world

I've been a new sensation

But it doesn't really matter

In this generation

The sophomore slump is an uphill battle

And someone said that ain't my scene...♫

Nagalarm na yung phone ko. It means 4:30am na. May pasok ako at kailangan ko nang pumasok.

Pagkababa ko sa sala, nakita ko na agad si Ate Jen. Sya ang katulong namin dito.

"Oh? Chloe, kumain ka na muna bago ka maligo. Tara na!" -Ate Jen

Sa sobrang bait ni ate Jen kala mo kapatid ko lang sya. She's only 26 years old.Parang barkada ko lang yan.

"Anong oras ba ang pasok ni kuya?" Tanong ko.

"Alam ko mamaya pang 11pm ang pasok nun eh." Sagot naman nya.

"Ano nga pala oras umuwi yun kagabi? 12am na ako natulog wala pa sya? Naabutan mo ba? Tanong ko ulit. Grabe kasi. Natatakot na ako kay kuya. Mamaya mapaaway pa yun ng alanganing oras. Nako! Lagot na!

"Hay nako! Alas Dos na ng madaling araw umuwi." Sagot nya na nakabusangot ang mukha.

"Ha? San daw sya galing?" 

"Walang sinabi. Pero amoy alak sya nung pagkauwi nya."

Hindi na ako umimik. Sanay na naman na ako na ganyan ang marinig ko tungkol kay kuya. Simula nung nawala si Mommy lagi na syang ganyan.

"Osya Chloe, pupunta muna ako sa tindahan. At tutulungan ko si Kuya Mark mo dun at maraming bumibili" Sabi nya.

Si Kuya Mark naman yung boyfriend ni ate Jen. Actually, mas nauna si kuya Mark dito kesa kay ate Jen. Kinuha na rin namin si ate Jen para may kasama kami ni kuya kapag wala si Daddy.

May mini store nga pala kami. Sa tapat lang ng bahay namin yun nakaLocate. Hindi na nilayuan ni Mommy yung tindahan para madali daw makuha ng kung ano man ang kailangan.

Pagkatapos kong kumain naligo na ako. Nagtoothbrush, nagbihis at nagayos.

Bago ako umalis ng bahay, pinuntahan ko muna si kuya sa kwarto nya.

"Kuya?" Tinatawag ko sya habang kumakatok sa pinto nya.

Hindi sya sumagot kaya pumasok na ako. Bukas naman yung pinto kaya Gora na lang!

Nakita ko sya, natutulog pa.

Nung nilapitan ko sya, aba! Amoy alak nga sya!

Hindi ko na sya ginising at nagiwan na lang ako ng note.

NOTE:

"Kuya! Madaling araw ka na naman umuwi.

But anyway, paggising mo kain ka na ah?

Pasok na ako! Bye! Love you kuya! :* "

Diba? Ang sweet kong kapatid? Hahahahaha

Pagkagaling ko sa kwarto ni kuya, pumunta na ako ng kwarto ko at kinuha ang mga gamit ko.

Kailangan ko ng pumasok at baka maLate pa ako. Nako! Ayokong mamarkahan ng absent sa first subject ko.

Johnford

"Ahhhhh! Ang sakit ng ulo ko!" Sigaw ko.

Pagkadilat at pagkadilat ng mata ko, nakita ko agad ang isang note.

Ngumiti na lang ako. Alam ko naman kung kanino galing 'to eh.

Kanino pa ba? Sa sweet at pinakamamahal kong kapatid na si Chloe.

NOTE:

"Kuya! Madaling araw ka na naman umuwi.

But anyway, paggising mo kain ka na ah?

Pasok na ako! Bye! Love you kuya! :* "

Ang sweet talaga ng kapatid ko.

Sya na lang talaga ang nagpapangiti sakin. Nakakawala sya ng stressed.

Pagkababa ko sa sala, ang laki agad ng ngiti sa mukha ko.

"Laki ng ngiti natin JF ah?" -Kuya Mark

"Syempre naman. Ikaw ba naman magkaroon ng lovable na kapatid eh." Sabi ko ng puno ng saya.

Ang saya naman kasi talaga. Sana naabutan ko man lang sya para nakapagpasalamat ako sa kanya.

"Nga pala? Ano oras umalis si Chloe?" Tanong ko.

"Kanina pang 6:15am sya umalis. Nakakulot nga yung noo nung umalis eh." -ate Jen

"Ha? Bakit daw?" Tanong ko. Bakit kaya?

"Syempre nagtatampo sa'yo. Ano oras ka na naman kasi umuwi kagabi." -Kuya Mark

Oo nga pala. Nagtatampo sa akin kapag nalaLate ako ng uwi.

Babawi na lang ako mamaya. Promise! Maaga akong uuwi mamaya.

Pagkatapos makipagusap kila ate Jen & kuya Mark. Naligo na ako, nagtoothbrush at nagbihis na.

"Ate Jen, kuya Mark, pasok na ako. Kayo na bahala dito ah?" Sigaw ko.

"Osige JF. Ingat ka na lang" Sabi ni kuya Mark.

"Teka! Hindi ka ba kakain?" Tanong ni ate Jen.

"Hindi na. Dun na lang ako kakain sa school." Sagot ko. Hindi na ako kumain kasi malalate lang ako kapag kumain pa ako.

__________*__________*__________*__________*

Eto na po yung update.

Hope you like it guys :)

Like and comment na lang guys!

Thank You! Mwaaaaa :)

And BTW, Follow on my accounts ♥

https://www.facebook.com/rhinadrew

https://twitter.com/Rhinareffic

http://rhinareffic.tumblr.com/

My step mother is 18 years old?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon