Chapter 3

290 2 0
                                    

Johnford

"Daddy is calling..."

Tumatawag na naman 'tong kupal na 'to.

Hindi ko muna sinagot dahil ayoko syang makausap.

Malaking pagkakamali ang ginawa nya samin ng kapatid ko.

Buti na nga lang kaming tatlo lang ni ate Jen at kuya Mark ang nakakalam.

Hanggang ngayon naitatago pa namin kay Chloe yun.

Naitatago ang pinakagagong ginawa ni Daddy.

At yun ang makipagrelasyon sa 18 years old na babae.

FLASHBACK

"Mahal, mukhang nakakahalata na si Johnford tungkol satin. Pano kapag nahuli tayo?"

May narinig akong nagsasalitang babae sa isang kwarto. Sino kaya yun?

Medyo nakaawang ng onti ang pinto nung kwarto kaya medyo naaaninag ko kung sino ang nasa loob.

Pagkakita ko, nagulat ako sa nakita ko.

Si daddy and ang tuitor ni Chloe na si Mariela.

Sya yung nagsasalita?

Hindi ko muna sila nilapitan para marinig ko yung iba pa nilang usapan.

"Hindi tayo mahuhuli nyan mahal. Basta magtiwala ka lang sakin."

"Eh nakakahalata na si Johnford eh. Syempre kinakabahan din naman ako."

Ang kakapal ng pagmumukha ng mga 'to. Dito pa sa bahay ko naglalandian?

At may tawagan pa? Mahal? Such a weirdo. Pwe!

Sa sobrang gigil ko, pumasok na ako sa kwarto ng hindi kumakatok.

Bakit ba? Bahay ko naman 'to ah? Bakit pa ako kakatok?

Nang pagkabukas ko ng pinto, nakita ko sila na naghahalikan.

Hinuhubad na ni daddy yung damit ni Mariela. Pero hindi na nya natuloy kasi nakita ko sila,

"Anak?!" -Daddy

"Johnford?" -Mariela

"Ang kakapal ng pagmumukha nyong dalawa! Dito pa kayo gumagawa ng milagro sa bahay ko? Sa bahay ni Mommy dad? You two are such a bastard. And you Mariela? You're such a dumb bitch! Bakit nakuha mong pumatol sa Daddy ko? You're eighteen at nakuha mo pang pumatol sa 49 years old? You're such a disgrace. You should a shame to yourself!"

"Johnford! Tama na! Mahiya ka naman sa mga pinagsasabi mo. Bigyan mo kami ng respeto. Nakakatanda kami sayo!" -Daddy

"Ako pa talaga ang mahihiya dad? Kayong dalawa dad? Hindi ba kayo nahihiya at dito nyo pa ginagawa yang kababuyan nyo sa sarili kong pamamahay. Sa bahay ni Mommy dad! Tapos you want a respect from me? Bakit sa tingin nyo ba may rerespeto sa ginagawa nyo? Wala dad! WALA!"

"Yan! Ganyan ba tinuturo sayo ng Mama mo? Ang sumagot ng pabalang? Parehong-pareho kayo ng Mommy nyo. Sa kanya kayo nagmana. Maga bastos kung sumagot!" -Daddy

"Maayos akong pinalaki ni Mommy dad. Pero kung ganito ang makikita ko. Aba, putang ina dad! Hindi na ako kakalma!"

End of convo.

Habang nagsisigawan kami sa taas. Sila ate Jen at kuya Mark nanunuod lang sa baba.

Pagkababa ko sa sala, kinausap ko sila ate Jen.

"Ate Jen, whatever happen kanina, please don't tell Chloe. All about it. Ok?"

"Osige JF, Eh paano kung malaman nya? Eh paano kung sya naman yung makakita?" -Ate Jen

"Hindi ko alam ate Jen. But please, hanggang maari wag muna ngayon. Ayoko syang masaktan. Ayoko syang makitang umiyak ule."

End of Flashback

Kaya malaki ang galit ko sa Daddy ko.

At sa ngayon wala pang tuitor si Chloe.

Pero nagpapatulong sya minsan kila Mammay.

Kapag busy naman si Mammay, kay ate Pin.

Pero ang madalas kay ate Aubrey.

Silang tatlo din ay importante samin. Pati na rin kay Chloe.

Second mom ko si Mammay and si Ate Pin & Aubrey naman ay magkapatid. Magiina sila.

MagBestfriend kasi sila Mommy and Mammay. Kaya naging close na rin namin sila Ate Pin & Aubrey.

Alam rin nila Mammay, Ate pin & Aubrey yung kay Daddy.

Pero sabi ko sa kanila na wag muna sabihin kay Chloe ang lahat.

Tsaka na siguro kapag nasa tamang edad na sya para maintindihan nya ang lahat.

Chloe

Meron akong gift na natanggap galing kay kuya.

And yes! My favorite perfume. Victoria's Secret Blossoming Romance.

Peace offering daw nya?

Well, Ok na yun. Atleast may pabango ule ako. And favorite ko pa.

Pagkatapos kong magaral, umakyat na kami ni kuya sa kwarto namin.

Bago pumasok sa kanya-kanyang kwarto.....

"Good Night Bunso! Sleep well" Sabay kiss sa forehead. Ang sweet talaga ng kuya ko :"3

"Good Night din Kuya! Thank you sa perfume, sa pagaalaga, pagaalala, and especially sa pagmamahal. I love you kuya! You're the best kuya in the whole wide world!" Sabi ko naman.

"Syempre ikaw pa bunso. Kapatid kita eh. Mahal na mahal kaya kita! At hindi lang the best kuya. Ang pinaka-poging kuya pa." Pabirong sinabi ni kuya.

"Haaaay nako kuya! Antok lang yan. Sige na itulog mo na lang yan. Good Night kuya!" Pagkontra ko sa kanya. Pogi daw? WEH?

"Chloe naman oh? Nagmomomment ako dito eh. Sige na. Good Night!"

Pagkatapos namin nagbiruan, pumasok na kami sa kwarto namin.

Kuya ko talaga. Ang lakas mangarap. Hahahaha!

Habang nakahiga ako, biglang sumagi sa isip ko si Mommy. Namimiss ko na sya.

Habang iniisip ko sya, hindi ko namamalayan may pumapatak na palang luha galing sa mga mata ko.

"Namimiss kaya ako ni Mommy? Ok lang ba sya dun? Hindi kaya sya pinapahirapan dun?" Tanong ko sa sarili ko.

"Ayyy Oo nga pala. Na kay God na sya kaya hindi sya mahihirapan dun. And for sure she misses me na." Sabay smile.

Dapat laging ganito. Dapat laging positive. Magagalit si Mommy kapag nakasimangot ako at umiiyak.

__________*__________*__________*__________*

Hey guys! This is the update na.

Hope you like it. :)

Comment, Like and be a fan!

Follow my accounts :)

https://www.facebook.com/rhinadrew

https://twitter.com/Rhinareffic

http://rhinareffic.tumblr.com/

My step mother is 18 years old?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon