08

17 5 0
                                    

I still canʼt accept Jeromeʼs messages. Kung sabihin niya 'yon, parang ang laki kong abala at hindi ko siya nakilala sa pagiging ganoʼn.

It took me a while before I made a decision. Halos tatlong araw akong hindi natulog para pag-isipan ng mabuti kung tama ba ang binabalak kong gawin. Alam kong magmumukha akong tanga pero for the last time, I will try to explain myself. Hindi ako papayag na hindi ko man lang malinaw sa kanila ni Gabriela kung ano ba talaga ang rason ko kaya ko 'yon ginawa. If Jerome canʼt defend me, then Iʼm going to defend myself. I already made up my mind and no one can stop me.

“Bes, ano pa bang hindi mo naiintindihan sa sinabi ni Jerome na ayaw niya ng makausap ka?” pagpigil saʼkin ni Stela na hinahawakan na ngayon ang braso ko para hindi ako tumuloy.

I faced her. Tiningnan ko lang siya ng seryoso habang puno naman ng pag-aalala ang mukha niya.

“Bes, let me do what I want. Hayaan mong linisin ko ang sarili ko sa kanila. Ayoko namang magmukha akong third party sa paningin nila habambuhay. Gusto kong ipaliwanag ang sarili ko for the last time and I promise, pagkatapos noʼn, hinding-hindi na nila ako makikita o kahit maging ang anino ko,” sagot ko. “Isa pa, idea mo 'to, 'di ba? This was all your plan kaya galit na galit saʼkin ngayon si Gabriela at Jerome.”

“So youʼre blaming me?” there was a bit pain on her voice.

Maging ako, hindi rin kaagad nakasagot sa tanong niya. I just feel so frustrated right now that I donʼt even know what Iʼm saying.

“Gem, I already said sorry noʼng araw na magang-maga ang mata mo dahil sa kaiiyak. You know that I really regret na pinayuhan kita ng ganoʼn without thinking about the consequences. Huwag mo naman sanang isumbat saʼkin na parang naging masama akong bestfriend saʼyo,” pahabol niyang sabi.

Nasaktan ako sa sinabi niya pero hindi ko naman siya masisisi. I know that I hurt her dahil masyado akong nagpapadalos-dalos sa mga sinabi ko. I didnʼt think about what can she feel or what would be the impact of my words. Alam ko namang iniisip lang ako ni Stela and it is not her intention to hurt me. Wala namang may gusto na ganoʼn ang mangyari.

“Bes, I am sorry,” sagot ko ng mapansin kong paalis na sana siya. I donʼt want her to leave carrying that baggage. “Ayokong magkaroon rin tayo ng issue dahil sa nangyari. Iʼm sorry for talking that way. Gusto ko lang maintindihan mo ang gusto kong gawin.”

I thought she will leave. I thought she will get mad pero lumingon siya pabalik. Nakita kong umiiyak siya habang nakangiti.

“Iʼm really sorry rin, bes. Nag-aalala lang kasi ako saʼyo kaya kita pinipigilan sa balak mong pagpunta kay Jerome. Trust me, I truly understand your decision kaya lang, natatakot lang ako na baka umuwi ka na naman ng luhaan. Baka mamaya, sa sobrang pagiging broken mo, mag-suicide ka na lang. Kahit naman nakakainis ka minsan, ayokong mawala ka, 'no?” mahabang paliwanag niya habang sumisinghot-singhot pa.

Dapat umiiyak ako but what she said made me laugh. Ang oa niya sa part na iniisip niyang mag-su-suicide ako dahil kay Jerome but somehow, I feel touched because she truly cares about me.

“Dami mong hanash,” pabiro kong sagot. “I know that youʼre only concern but please trust me, bes. Hindi talaga ako matatahimik hanggaʼt hindi ako nakakapagpaliwanag. Kung ano man ang magiging outcome ng desisyon kong 'to, tatanggapin ko.”

Tinanguan niya na lang ako saka ako niyakap bago umalis. Sinamahan niya ako na mag-abang ng taxi at noʼng nakasakay na ako, doon na talaga ako nagsimulang kabahan. Wala na akong balita kay Jerome for the past three days dahil nga naka-block ako sa ig. Even on his other social media accounts, nakablock din ako. Ganoʼn din si Gabriela. Para bang bigla silang nagkasundo na iwasan ako.

Silently Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon