09

19 6 0
                                    

“Gem! Dito!” Kumaway saʼkin si Sai saka itinuro ang katabi niyang upuan.

Napangiti naman ako dahil ipinag-reserve niya talaga ako kahit hindi ko naman sinabi. Dali-dali naman akong naglakad papunta doʼn saka tumabi sa kanya.

“Buti naman at nakahabol ka. Muntik mo ng hindi maabutan ang orientation,” bulong niya saʼkin saka muling itinuon ang tingin sa stage.

Nang ibaling ko rin ang tingin doon, napansin ko na mukhang nagsasalita ang dean tungkol sa rules and regulations ng school. Marami pa siyang na-tackle pero hindi ko na rin naman pinakinggan. Paulit-ulit lang naman ang nagiging speech niya every year.

“Bakit ka ba na-late?” muling bulong ni Sai kaya napatingin ako sa kanya. Binulungan ko na lang din siya ng, “Secret.” para mabaliw siya kakaisip kahit nagising lang naman talaga ako ng tanghali.

Pagkatapos ng orientation, dumiretso kami ng canteen. Nakakagutom din kasi ang mga sermon ng dean na paulit-ulit lang naman. Dapat nga hindi na kami kasali pa sa orientation na 'yan. Fourth year naman na kami at alam na namin ang pasikot-sikot dito sa campus.

“Grabe, Gem, parang dream come true saʼkin na natapos natin ang third year. Ngayon konting kembot na lang, ga-graduate na tayo!” rinig kong wika ni Sai habang kumakain ng inorder niyang chocolate cake.

Napatango naman ako. Parang ang bilis ngang lumipas ng araw. Hindi ko man lang napansin na anim na buwan na kaagad ang lumipas.

Napangiti ako dahil nakikita ko na ang pag-usad ko. After all the failures, pain, and sorrows, somehow, Iʼm starting to make a progress. Talagang naaayos ko na ang sarili. Sa kabila ng mga nangyari, magagawa ko pa rin palang maayos ang buhay ko. I am happy imagining these things pero kaagad na nawala ang ngiti ko nang sumagi siya sa isip ko. Bigla na lang akong napatanong sa sarili kung naging masaya ba siya for the past six months.

After all what happened, I was thinking, are they still okay? Have they already moved on from the previous issue?

Hindi ko na kasi sila na-stalk pa sa mga social media accounts dahil nga nakablock ako sa kanila. Kahit si Myles, mukhang nakatunog noon na nang-i-i-stalk ako kaya nangblock na rin. Literal na wala akong balita and their life for the past six months for me was unknown. Hindi na rin kami nagkasalubong pa noʼn sa mall o sa kahit saan. Mukhang nakisabay rin si tadhana at hindi na talaga kami pinagtagpo.

“O, naaalala mo na naman,” sambit ni Sai nang makita akong malalim ang iniisip. “Nakalipas na 'yon. Sigurado naman akong masaya na sila ngayon kaya dapat maging masaya ka na rin.”

Ngumiti lang ako ng tipid. Kahit naman kasi sabihing nakalipas na, a part of me still feels guilty. I feel like I ruined their relationship kahit hindi ko naman intensyon 'yon. Muntik ko ng masira ang magandang bond nila sa isaʼt-isa dahil lang sa pag-chat ko.

Isa pa, nasasaktan pa rin ako kapag naaalala ko 'yong sinabi ni Jerome. Until now, gumugulo pa rin sa isip ko how he carelessly said that without even thinking what would be the impact to me. Para niya akong sinampal sa katotohanan na kahit anong gawin ko, hindi na talaga. Naiiyak ako kapag naiisip ko 'yon but I guess, that was the sign that God gave me. That was a sign for me to move on and breakfree from my fantasies.

“Try mo na lang kaya 'tong strawberry cake, masarap 'to,” pag-iiba ko ng usapan. Isinubo ko naman sa bibig niya 'yon para magtigil na siya sa kasasalita.

“Masarap nga!” natutuwa niyang sambit matapos 'yong nguyain. “Kaya pala 'yan ang madalas mong orderin.”

“Paborito niya nga rin 'to, e! Naalala ko dati, sabay kaming nagpupunta ng canteen para bumili nito. Palagi kasi 'tong nauubos noʼn—” I stunned when I realized what I said. Sai was shocked with my sudden reaction. Napakunot pa siya ng noo.

Silently Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon