NYEBE PART XV

106 3 7
                                    

NYEBE PART 15

KEN'S POV
___

"Sana gumising na siya....sana maging okay na siya." sabi nung lalaking pamilyar ang boses.

"Eh yung kapatid mo kumusta na ang lagay niya?" sabi nung isang babaeng kaboses nang ate ko.

"Mabuti naman na, buti nalang talaga hindi gaanong malakas yung pagkakabangga sa kanya, kasi nakapag preno agad yung driver." sagot naman nung lalake kanina.

"Ano ba kasing nangyayari? Wala akong idea."
tanong ulit nung babaeng kaboses nang ate ko.

"Sa tingin ko, si Ken lang ang makakasagot nang tanong mo na yan.." sagot ulit nung lalaki.

Nakapikit man ay rinig na rinig ko ang mga taong nag-uusap sa paligid ko...

"Aalis na muna ako, pupuntahan ko muna ang kapatid ko sa room niya." Sabi niya ulit.

Narinig ko ang pagbukas nang pinto at ang pagsara nito..
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at pinisil-pisil iyon..

"Felipe, gumising kana...Isang araw kanang tulog.."

Ate?
Isang araw na akong tulog? Nasan ba ako?

Dahan-dahan kung minulat ang mga mata ko at nakipagtitigan sa kesame, kinurap ko ang mata ko nang dalawang beses at nilibot ko ang paningin ko, kulay puti ang kesame at ang kabuoan nang kwarto..

"Ken? Oh my God! Salamat sa Diyos at gising kana." maluha-luhang sabi ni ate at hinimas-himas yung buhok ko..

Nilibot ko ang paningin ko, at doon ko lang napansin na, naka-dextrose pala ako.

'So nasa hospital ako.'

"Okay ka lang ba? Anong masakit sayo?" agad niyang tanong sakin.

Nagtangka akong gumalaw pero masakit ang likod ko, di ko maigalaw ang katawan ko..

Inalala ko agad ang nangyari..

—FLASHBACK—

Di ko namalayang nasa gitna pala ako nang kalsada at may paparating na sasakyan..

*PEEEP*PEEEP*PEEEP*

*PEEEP*PEEEP*PEEEP*

Bago paman ako mabangga ay may biglang tumulak sakin kaya tumilapon at nagpagulong-gulong ako sa gilid nang kalsada.
Dahil narin siguro sa pagod at lakas nang pagkakatulak sakin ay nawalan ako nang malay..

—END OF FLASHBACK—

Pero sino ang tumulak sakin?

Nagpatulong akong bumangon at umupo kay ate kasi di ko pa kaya, dahil narin siguro masakit ang katawan ko..

"Pano ako napunta dito? Sinong n-nagdala sakin dito?" tanong ko kay ate.

"Hindi mo ba naalala?" tanong ni Ate sakin.

Umiling ako.

"Muntik ka nang masagasaan nang Kotse, pero bago pa man mangyari yun ay dumating si Jah, tinulak ka niya kaya siya yung nabundol nang Kotse." Paliwanag niya.

"Ano?!" Gulat kong tanong.

'Paanong nandun siya? Sinundan niya ako? Pero, ba't niya ginawa yun?'

"Yun ang sabi ni Pablo at Josh, kasi andun sila nang mangayari yun. Sinundan ka daw nila."

"Ano ba talagang nangyayari?" Dagdag niya pa.

Hindi ako nakasagot sa tanong na yun ng ate ko at umiwas ako nang tingin, unti-unti akong kinakain nang konsensya ko..
Sa lahat nang tao, bakit si Jah pa?

"Asan siya? Gusto ko siyang makita Ate.." sabi ko.

"Nasa kabilang room lang siya, wag kang mag-alala okay naman na siya, mas una nga siyang nagising kesa sayo eh."

"Kumusta ang kalagayan niya.?" tanong ko ulit.

"Kaninang umaga nang pumunta ako dun, di pa siya nagising, pero sabi naman ng Kuya niyang si Julian eh  ayos naman daw si Jah kaunting galos lang naman daw ang natamo niya, buti nga hindi malakas ang pagkakabundol sa kanya dahil nakapagpreno agad yung driver..." mahabang paliwanag niya.

"May problema ba? Namamaga yang mata mo alam mo ba yun?" dagdag niya pa.

Hindi ako sumagot sa kanya at tumingin sa Kawalan..

Napayuko ako at hinawakan ko ang mukha ko, hindi ko man nakikita ay talagang namamaga ang mata ko, hindi ko sadyang mahawakan ang benda sa gilid nang noo ko..

'Aray!' napapikit ako sa sakit at hapdi nun.

*KNOCK KNOCK KNOCK*

Pareho kaming napatingin sa pintuan ni Ate at lumapit siya doon para buksan iyon.
Binalik ko naman ang tingin ko sa harap ko which is ang bintana, di ko nakita kung sino yung kumatok sa pinto pero rinig ko ang usapan nila..

"Gusto ko lang po sanang bisitahin si Ken, gising na po ba siya?"

"Ahh, oo kakagising niya lang dali pumasok kayo.." sabi ni ate kasabay nang pagsarado nang pinto.

Hindi parin ako lumilingon pero alam ko kung sino ang pumasok..
Naramdaman kong may lumapit sakin pero nasa kabilang side lang siya nang bed ko, ibig sabihin nasa likod ko siya..

"Maiwan muna namin kayo." sabi ni ate at lumabas nang kwarto, di ako sure kung sino ang kasama niyang lumabas.

"Ba't mo ginawa yun?" kalmadong tanong ko sa kanya habang nakatingin parin sa labas.

"Sana pinabayaan mo nalang ako." dagdag ko.

Rinig ko ang paghinga niya nang malalim.

"Pagpinabayaan ba kitang mabangga dun, sa tingin mo matutuwa si Stell? Sa tingin mo matutuwa siya pag may nangyaring masama sayo?." sagot niya.

Hindi ako sumagot at nilingon ko siya dun ko lang nakita ang kabuuan niya , tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.

Naka-wheel chair siya, tas may nakalagay na supporter sa leeg niya, naka suot nang hospital clothes at may benda siya sa noo kagaya ko, may mga sugat-sugat rin siya sa mukha niya..

Nakakaramdam ako nang awa at konsensya sa loob ko..

Hirap man ay tumayo ako at lumipat sa kanya habang hawak² ang stand kung saan nakasabit ang Dextrose ko.

Nilipat ko ang dextrose ko sa sabitan nang dextrose niya at hinawakan ang handle nang wheelchair at dahan dahang tinulak ito papunta sa kabilang side kung saan naroon ang malaking bintana na kitang kita yung labas at ang dagat sa malayo, palubog na pala ang araw...

Walang nagsalita sa amin habang pinapanuod namin ang papalubog na araw...

"Pero bakit kailangan mo pang gawin yun?" biglang tanong ko habang nakatingin parin sa malayo.

Naramdaman ko ang pag galaw niya at ramdam kong tumingin siya sakin..

Hindi siya nagsalita..
At nanatili kami sa ganoong posisyon nang ilang minuto..

"Wag mo sanang isiping niligtas kita dahil kailangan...ayaw ko lang maging malungkot si Stell pag nalaman niyang may nangyaring masama sayo, pag-gising niya.."

".... Di ko kayang makitang nasasaktan ang taong gusto ko dahil sa taong mahal na mahal niya..."

______

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SB19 AU FANFIC SERIES: NYEBE (KENTELL STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon