Chapter One

0 0 0
                                    

KESAIA POV

6PM na nang makauwi ako sa bahay. Wala namang bago sa school, makikinig ng lesson, kakain, makiki chika.

Nakaramdam ako ng pagod kaya umupo na muna ako sa sofa. Ang hirap ng mag isa walang nag aalaga sayo pag uwi mo galing skwela. Naiingit nga ako sa mga kaklase kong kompleto yong pamilya.

Napahinto ako sa pag iisip ng biglang tumunog ang cellphone ko. Notification sa larong Choice lang pala. Dahil bored naman ako at walang gagawin eh nag laro nalang ako.

Day or Night

Mag gusto ko sa gabi dahil maraming bituin. Kaya Night ang pinili ko.

Breakfast or Lunch

Lunch. Tamad ako kumain minsan ng breakfast hehe.

Ganon lang naman yong mga tanong kaya masaya akong sumasagot.

Pero bigla nalang akong kinabahan sa sunod na tanong.

Alex or Louise

nabigla ako bat pangalan ni alex at Louise ang lumabas. Pero baka naman nagkataon lang. Alex and Louise are my classmates mabait sila sa akin kaya mabait din ako sa kanila. Pero baka ramdom name lang to nong A.I.

I just shrug my shoulder. Mukang random name lang naman kaya pinili ko nalang si alex. Total mas masaya kausap si alex dahil madaldal.

Pagkatapos kong ibigay ang sagot ko bigla na naman siyang na shutdown ang game. Yung kahit anong bukas mo di na nag response. Application doesn't responding lang ang nakalagay.

Binaba ko nalang ang phone ko at sinimulan ng magluto ng hapunan total ako lang naman mag isa.

--------------

Kinabukasan maaga akong pumasok naunahan kopa si cath. Nakaupo lang ako sa upuan ko at nakatanaw sa labas ng bintana.

"Guy! Guys! Guys!"

Napatingin ako sa bagong dating na kaklase namin. Halos mawalan na sya ng hininga dahil sa pag takbo niya. Hingal na hingal sya kaya uminom muna siya ng tubig bago ulit nag salita.

Hindi ko sana papakinggan ang sasabihin niya kasi baka isa na naman tong walang kwenta chismis. Pero para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya.

"Patay na si Louise, nakita siyang duguan sa apartment na tinutuloyan niya, tanggal pa ang isang mata niya, nakakatakot" pagbanalita ni thea. Kita sa mukha niya ang takot ang kilabot.

Kahit ako kinilabutan din sa mga sinasabi niya.

"Grabi naman yung pumatay, walang awa"

"Mabait naman si Louise wala siyang kaaway"

"Walang puso ang gumawa non sa kaniya"

Ilan lang yan sa mga reaksyon nila. Kahit ako ganon din ang iniisip ko walang awa at walang puso ang gumawa nito sa kaniya.

Humupa na ang usupan nila tungkol kay Louise pero nagtataka parin ako bat wala pa si cath e lagi maaga yon ayaw niya ng nalalate.

To be continued.....

CHOICEWhere stories live. Discover now