110

1.3K 27 13
                                    

TWITTER

jer 🔒 @jerlrcks

eto na lang socmed sa phone ko. wala eh saan pa ba ako magra-rant nakakapagod na makipag usap sa iba

jer 🔒 @jerlrcks

isang linggo na pala. isang linggo na din akong walang tulog. nalibing na siya pero sariwa pa din sa'kin ang lahat. bakit ganoon? nawala na si mama sana pati ala-ala niya sa'kin. pakiusap pagod na ako umiyak.

jer 🔒 @jerlrcks

pinipigilan ko na lang umiyak kapag tinatanong ni jerzo "nasaan si mama?" wala na. putangina wala na siya, jerzo. iniwan niya na tayong dalawa.

jer 🔒 @jerlrcks

nasapak ko palabas yung gago kong tatay. wala akong ibang hinayaan na pumunta maliban sa mga nagmahal ng totoo kay mama. ang kapal ng mukha niyang ipakita pagmumukha niya sa'min.

jer 🔒 @jerlrcks

akala ko... akala ko kaya mo pa.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hate Taste (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon