[ short narration ]
Jerick
Hindi ko alam kung bakit kabadong kabado ako ngayon habang naglalakad papunta sa may park. Dito ang sinabi ni Archiella na meet up place namin.
Diba nagmo-move on ka na? Eh bakit kabado ka pa, Jerick? Dapat hindi ka na affected o kung ano pa man. Tandaan mo, iniwan ka niya. Hindi lang isa kundi dalawang beses. Hindi ka pa natututo?
"Kaya mo 'yan." Mahinang bulong ko.
Napatigil ako sa paglalakad noong matanaw ko na si Archiella na nakaupo sa may swing. Nakayuko lamang siya habang tahimik na tinititigan ang paggalaw ng kaniyang paa.
At ito nanaman ang bwesit na tibok ng puso ko. Ilang taon na kami magkasama pero yung epekto niya sa'kin hindi pa din nagbabago. At iyon ang pinaka kinakainisan ko.
"Archiella." Tawag ko sa pangalan niya.
Napa-angat siya ng tingin bago bahagyang napangiti noong nakita ko, "Jerick." Bigkas niya sa pangalan ko. Iba pa din talaga kapag siya.
"Sit beside me." Mahinang bulong niya bago tinapik ang gilid niya. Tumikhim muna ako saglit bago dahan dahang umupo.
Ganoon pa din ang amoy niya. Walang pinagbago.
"How are you?" She asked softly.
Nag-iwas ako ng tingin bago dahan dahang ginalaw ang swing, "Ayos lang." Malamig kong sagot. Ayos lang naman talaga. Kaya ko naman siyang kalimutan bakit pa siya nagpakita ulit?
Kung magiging totoo ako bahagya kong pinagsisisihan yung mga sinabi ko sakaniya sa text message. Pero yung galit at lungkot naghalo hindi ko na alam ano pang dapat sabihin. Siguro tama lang 'yon kasi parang dapat na namin talagang itigil ang lahat. Parang... nakakapagod.
babalik, iiwanan, babalik, tapos iiwanan ulit.
"Condolence ulit kay Tita. I-I..." Narinig ko ang pag-crack ng boses niya tanda na paiyak na siya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi bago tumango tango kaunti.
"Salamat..." Sabi ko. Alam kong close sila ni Mama. Kaya masakit din talaga 'to para kay Archiella.
"I'm sorry, Jerick. I'm sorry for leaving you. I'm sorry for being so coward. I just... got so scared. Na kapag kinausap pa kita bago ako umalis baka di ko na magawa lahat ng plano ko. Baka hayaan ko na lang ang sarili ko na tumakbo sa'yo at talikuran lahat ng problema ko. "
"A-Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong.
She smiled faintly, "Ang plano ko talaga ay ayusin ang business ng tatay ko. He's only doing this because the Zhang empire is on the verge of bankruptcy. He's my father so I can't let him suffer all by himself. And then after that, when I already fix everything, I'm coming home back to you. I'm sorry when I made it look that... I don't love you anymore again. I just couldn't find any reason."
"Pwede mo naman sabihin sa'kin 'yan lahat. Archiella, kayang kaya kita ipaglaban. Sabi ko sa'yo hindi na kita hahayaang lumaban mag-isa ulit. B-Bakit?" Hindi ko na namalayan na nagsimula ng tumulo ang mga luha sa pisngi ko.
Ngumiti siya bago pinunasan ang luha sa pisngi ko, "Stop crying, love. I'm sorry."
"N-Nangako ka kasi na hindi mo ako iiwan tapos-"
"Can we try again?"
Napatigil ako dahil sa narinig. Nilingon ko si Archiella na nakatitig sa'kin, punong puno ng pag-asa at pagmamahal ang mata habang nakatingin sa'kin. Tinanong niya 'yon kasi alam niyang sakaniya pa din ako tatakbo.
Napaka unfair niya talaga.
Ngumiti ako bahagya, "Kahit ilang beses mo pa gustuhin umulit."
BINABASA MO ANG
Hate Taste (Book 2)
RomantiekCouncil For Love Series #1: completed epistolary UNEDITED "I hate the taste." Senior high done, college here I come. Jerick Sulien, a first-year student of culinary arts at the University of Santo Tomas, is striving for the best and attempting to m...