69

63 3 0
                                    

W-wala na si Tita at kung hindi ko haharapin at kakausapin si chino papatayin ako ng konsensya ko.

chino

1:36 PM

hi

chino

pwede ba tayo mag usap?

alam ko mahirap sayo 'yung pagkawala ni tita pero please

kahit ngayon lang

ok.

sa dating place?

2pm hihintayin kita

please take care

Matapos ng usapan namin na 'yun ay nag ayos lang ako at umalis na din, hindi rin naman ako ganon katagal at dumating siya. Nakita ko pa lang siya ay parang nanghina na ako.

He looks different, halata sa mukha niya ang lungkot

"Anong pag uusapan natin?" Agad niyang bungad sa'kin.

Napangiti ako ng mapait. "Chino, sorry kasi nagalit ako sayo, parehas nating nasaktan 'yung isa't isa kung sana nag karoon ka ng lakas ng loob na sabihin sa'kin ang lahat at inalam ko ang nangyari siguro hindi tayo aabot sa ganito." Panimula ko.

"Sa tingin mo ba kung nasabi ko rin sayo kaagad ay tayo pa din?" Tanong niya.

Hinarap ko siya. "Siguro, kaso wala eh mukhang hindi talaga tayo ang itinadhana." Sabi ko. "Pupunta akong canada, siguro for goods na." Dagdag ko kaya naman napatingin siya dahil sa sinabi kong 'yun.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya.

"Hindi ko kaya, Chino. hindi ko na kaya dito ang sakit sakit baka kung hindi ako aalis dito at mag eexplore sa ibang lugar ay may mawala pa ulit na importanteng tao sa'kin." Sabi ko.

Sarkasmo 'tong ngumiti at umiwas ng tingin. "Iiwan mo din ako, wala kang pinag kaiba kay mama, pare pareho lang kayo." Ramdam ko ang kirot sa boses niya.

Napaluha na din ako at humarap sakanya. "Tutuparin ko ang sinabi ko kay Tita, Chino no man after you. Siguro mas pipiliin kong tumanda na lang mag isa kesa naman mag kakabalikan tayo kung 'yung relasyon natin ay may lamat na, mas mahirap 'yun hindi ba?"

Mas lalo akong napahagulgol ng yakapin niya ako. "Tama ka, mas mabuti na ang ganito." Sabi niya at hinalikan niya ako sa noo. "Salamat, caeh. Salamat."

W-wala na ito na 'yung huli, hanggang sa muli Chino.

waves series #3: changeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon