PROLOGUE

265 9 5
                                    

chinoni

1:23 PM

hoy caeh

caeh

magandang caeh!!

wow galit pa din

sorry na idol di na mauulit sana mapatawad mo ang iyong chinoni 😫👉👈

inuutusan mo ba ako?

hindi po

SORRY NA TALAGA

babawi ako promise

diba mag dadate tayo?

sino nag sabing nag agree ako dyan?

ako

wow paladesisyon

sige na pumayag kana

di na talaga mauulit

kapag inulit ko papaputol ko middle finger ni duke

dinamay mo pa kapatid mo

hehehe

bati na pls?

oo na bwisit ka

sinasabi ko talaga sayo chino ulitin mo pa 'yun iiwan na talaga kita

alam mo namang ayoko sa lahat 'yung pinag hihintay ako sa wala tapos gagawin mo pa

opo, hindi na talaga

labyu magandang caeh

heh!

ay wow

mamaya ka sa'kin

👍

mamaya caeh ha

7 pm sudunduin kita

okie

"Ate Maria please help me ano ba magandang suotin? like na pressure ako gusto ko kapag makita niya ako magiging heart 'yung mata niya." Sabi ko habang kausap sa telepono si ate Maria.

Rinig ko ang pagkairita niya dahil sa sinabi ko. "Kahit naman anong suotin mo magugustuhan ni Chino, Caeh kaya chill ka lang okay?" Sabi nito sa'kin.

"Sige na nga babye na nag aayos ka nga din pala ng gamit mo." Sabi ko. Ngayon kasi ang flight nila ate Maria papuntang Canada.

Iiwan na nila ako pero okay lang atleast nandyan pa din sa'kin si Chino hangga't nandyan siya at may nakakapitan pa ako okay na ako doon.

"Oo, Caeh sige na bye bye." Pag papaalam nito sa'kin. Napatingin ako sa orasan mag alas tres na din ng hapon madami pa naman akong oras para makapag handa.

Sa halos dalawang oras ko na nag hahanap ng susuotin ay bumagsak pa din ako sa pink dress na bigay niya sa'kin.

Ilang oras pa ang nakalipas ay nag ayos na ako saktong alas siete ay chinat ko na si Chino.

chinoni

7:00 PM

nasa gate kanaa??

akyat ka nalang here or baba ako??

replyyyyy

or wala kapa sa gate?

okay hintayin kita sa kwarto

7:20 PM

nasan kana??

20 minutes wala kapa din

may ginagawa kaba?

okay hintayin nalang kita ulit :))

7:50 PM

matutuloy pa ba chino?

please sabihin mo na lang kung hindi para diba hindi ako mukhang tanga dito na naghihintay sa wala

fuck

ayoko ba

bahala ka sa buhay mo

pasabi sabi kapa na hindi uulitin pero ayan ka pinag hintay mo na naman ako sa wala

mas okay pa kung nag rereply ka eh

pero hindi

ano para akong tanga dito.

Duke

8:27 PM

duke

kasama mo ba si chino?

please pakisabi mag reply siya sa'kin.

thank you :))

chinoni

8:42 PM

sana hindi mo na lang ako inaya kung hindi ka din naman pala pupunta

sinayang mo lang oras ko sa pag hihintay

Ramdam ko ang sunod sunod na pag tulo ng luha ko at napatingin sa picture namin ni Chino.

Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko pilit ko 'tong nilalabanan pero masyado akong kinakain ng emosyon ko ngayon.

Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan kong tawagan ang number niya pero hindi niya ito sinasagot.

Wala naba talaga Chino? dito naba talaga tayo matatapos?

Kinabukasan ay pumunta ako sa bahay nila at condo niya pero katulad ng inaasahan ko ay walang humarap sa'kin.

Ilang beses ko ulit siyang tinawagan pero wala hindi niya pa din sinasagot habang nag lalakad ay ramdam ko ang paglabo ng paningin ko dahil sa luha ko.

Dumiretso na lamang ako sa bahay kesa naman kung ano pa ang mangyari sa'kin sa daan, ramdam kong mahina ako ngayon masyadong na trigger ang emosyon ko.

Kahit nanginginig ay sinubukan kong tawagan si Ate Maria kahit siya na lang, kahit siya na lang ang dumating.

Pero pati siya ay hindi sumasagot wala na... iniwan na nila akong lahat... kung kailang kailangan ko sila... iniwan nila ako.

***

author's note:
hello po! this scene is 3 years ago pa po sa chapter one present na siya bago kayo magalit kay chino uhm HAHAHA secret no spoiler! enjoy reading luveries :))

waves series #3: changeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon