#3 Her Dream (Thriller)

6 1 0
                                    

Her Dream





"Sabi nila kapag nanaginip ka, kabaligtaran ang mangyayari sa totoong buhay!" Sigaw ko sa mga kaibigan.

"Therefore, hindi ka din magiging artista?" Asar ni Azure.


Ikinwento kasi ni Clarisse saamin ang naging panaginip nya tungkol sa senaryong lahat kami natupad ang mga pangarap. Si Azure na nakatanggap ng isang medalya na hindi nya malaman kung para saan. Ako na nabigyan ng pagkakataon para maging sikat na artista. At si Clarisse... Na nakatanggap ng picture frame... Kasama ang dalawang kamukha nya na hindi nya naman daw kilala.

"Yah! Baka hindi nga sya maging artista... Ang sagwa mo umarte, Nami eh!" Dingas ni Clarisse sa sinabi ni Azure kanina. Sabay silang tumawa ni Azure dahil doon habang ako ay inirapan lang sila.

"Basta. Hindi yan magkakatotoo. Ayoko yang magkatotoo." Walang ganang wika ko. Tinignan ako ng malamlam ni Clarisse Naguguluhan.

"Ayaw mong matupad ang pangarap mo?" Tanong nya. Tahimik lang na nakinig si Azure.

"Gusto. Pero... nakakapagtaka yung part na nakatanggap ka ng picture frame kasama ang dalawang kamukha mo. Pangarap mo ba iyon?" Napaisip din sya sa sinabi kong iyon.

"Malay mo, pangarap nya palang maging triplets sila ng mga kapatid nya." Sabay silang natawa ni Azure. Alam ko kung gaano kaayaw ni Clarisse ang mga kapatid nya kaya natatawa sya sa isiping magiging triplets nya ang mga ito.

Natahimik si Clarisse matapos ang mahabang tawanan.

"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya. Hindi sya tumingin saakin pero hilaw syang ngumiti at tumango.


Nang mag ring ang bell ng eskwelahan ay sabay sabay na kaming umalis ng classroom. Maaga ang dismissal namin kanina pero tumambay muna kami sa room. Nauna na ang mga classmates naming madaling madali sa pag uwi.


Matapos ang araw na yon, hindi nanamin nakakasama si Clarisse. Isang linggo na ang nakakalipas ng huli namin syang makita. Nagpasya kami ni Azure na puntahan sila sa bahay nila. Wala din kasi syang excuse letter na binigay kaya nag aalala kami sa kanya.


Alas kuwatro enpunto ng makarating kami sa kanila.


"Clarisse! Clarisse? Yoohoo!" Tawag ni Azure sa kanya sa labas ng bahay nila.


Isang kapitbahay nila ang napadaan sa tapat namin.


"Anong sadya niyo dyan, ija?" Wika ng may katandaan ng babae.


Kukuba kuba syang lumapit saamin habang bitbit ang isang walis.


"Si Clarisse po. Kaklase nya ho kami. Mag iisang linggo na ho syang hindi pumapasok kaya pinuntahan na po namin sya dito para alamin ang kalagayan nya." Nakangiting wika ko.


Tumingin sa itaas ang matanda na tila nag iisip. Inipit nya ang hawak na walis sa pagitan ng kanyang kilikili at braso.

"Pwede mo ba syang ilarawan? Tatlong babae ang anak ng mag asawang nakatira riyan, noon." Wika ng matanda. Mula sa harap ng gate ay nilapitan syang lalo ni Azure kaya sumunod ako sa kanya. Nasa likod nya ako habang idinidescribe nya ang itsura ni Clarisse.


"Kasing tangkad ko po sya. Medyo may kahabaan ang buhok at maputi din—"


"Ahh... Yung babaeng namatay dalawang linggo na ang nakakalipas?" Putol ng matanda kay Azure. Narinig kong mabuti at klarong klaro ang sinabi nya ngunit hindi tinatanggap ng utak ko iyon.



Baka nasa maling bahay kami?



Pero hindi, nakapunta na kami rito noon! Hindi kami nagkakamali!

Dalawang linggo ng patay?! Baka ibang babae ang tinutukoy nitong matandang 'to dahil kasama pa namin sya nung pumasok kami nung byernes! Isang linggo pa lang ang nakakalipas!


"Ano? H-hindi ko maintindihan..." Gulong gulong tanong ko. Naiwan naman sa ere ang kamay ni Azure na kanina'y inilalarawan kung gaano katangkad si Clarisse.


"Namatay iyon dalawang linggo na ang nakakalipas. Sabi... Nag away daw sila ng mga kapatid nya. Pero ang hula ko, baka nagpatiwakal." Wika ng matandang babae.



"T-two weeks? Nakaraang linggo lang nakausap pa namin sya..." Wika ni Azure. Pinipigilan ang nagbabadyang luha sa mata. Kita ko ang dahan dahang panginginig ng kamay ni Azure habang binababa nya ang kanyang kamay.


"Nung nakaraang linggo sya inilibing. Kaunti lang ang nakakaalam ng sanhi ng pagkamatay nya. Ayaw ipaalam sa iba ng mga magulang nila na ang sarili nyang mga kapatid ang pumaslang sa dalagang iyon. Yun ay hula ng mga ka baryo ko, pero ang hula ko ay nagpatiwakal ang babaeng 'yon." Wika ng matanda.


"H-hindi ko maintindihan! P-paano syang n-namatay? Nagpatiwakal!? Malabo 'yon! Hindi nya 'yon magagawa sa sarili nya!" Nanginginig ang boses ko habang sinasabi iyon.

Umihip ang malakas na hangin at maingay ang naging sipol nito. Nakakapanindig balahibo.

"Dahil siguro sa inggit nila sa kapatid. Idinagan daw ng mag kapatid sa mukha nya ang unan habang natutulog sya, dahilan kung bakit hindi sya nakahinga. Ngunit may nakita akong marka ng lubid roon sa kanyang leeg nung inilabas ang bangkay nya."

Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang pagbulusok ng sakit at kaba.


"Kung may magtanong sainyo kung kanino nyong narinig ang balitang yan, dapat nyong sabihin ay wala akong nalalaman. Pasensya na at mauuna na ako. Marami pa akong kailangang gawin." Wika ng matanda bago naglakad palayo.


Napaupo si Azure sa kalsada. Nanginginig ang buong katawan nya at kitang kita iyon ng yakapin nya ang mga tuhod nya!

"P-patay na sya nang makausap naten sya o-one week ago? Hindi! Hindi, Nami! Hindi ko maintindihan kung bakit... Bakit naten sya nakausap one week ago kung patay na sya!" She cried so loud at namamaos ang kanyang boses sa lakas ng kanyang pag sigaw.

"Siguro isa 'yong pahiwatig..." Lumunok ako. Naagaw ko ang atensyon nya at tumigil sya panandalian sa pag iyak.


"Pahiwatig?"

"May isang manager ako na nakausap sa isang coffee shop noong nakaraan... Inaalok ako maging isang commercial model. Nakausap mo si Ma'am Ramos kanina... Sigurado akong sinabi nyang ikaw ang Valedictorian ng batch natin..." 


I stopped when it strikes me...


"Kinuwento nya saatin ang picture frame sa panaginip nya kung saan naroon ang dalawang kamukha nya... Ang sabi ng Lola ko... Kapag nagpakuha ka ng larawan kasama ang dalawang kamukha mo... Or should I say kakambal... Mamamatay ang nasa gitna. Hindi nya sinabi saatin na sya ang nasa gitna. Sa panaginip nya... Sinasabi nya saating, lahat tayo... Natupad ang pangarap. Pangarap mong maging Valedictorian. Pangarap kong maging artista. At si Clarisse... Pangarap nyang mamatay."


My knees trembled at hindi ko 'yon kinaya. Napaupo ako sa gilid ng kalsada habang nanlalabo ang mga mata nang dahil sa luha.

"Bakit.. bakit, Clarisse! Wala man lang tayong kaalam alam! Ni hindi nya tayo sinabihan!" Her cried got even worse.

Nakalimutan kong sabihin kay Azure...

Ang napag usapan naming dalawa ni Clarisse, bago kami umuwi nung huling araw na 'yon na Kasama namin sya...


"I will be proud of any achievements you will make, Nami. Please, tell Azure that I am also proud of her. I hope you can also be proud of me. For I dreamed of resting in this tiring lifetime." — Clarisse Montesori


I didn't understand you that time, Clarisse... Sana niyakap kita ng mahigpit. Sana hindi ako tumawa at sinabing baliw ka... Patawarin mo ako... I am also proud of you... You've achieved what your heart desire. See you in the next lifetime.








sillyanniee.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 28, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shots Story Compilation Where stories live. Discover now