Chapter 2

6 1 1
                                    

II.

Pinuntahan ko ulit si Dustin at sinamahan ako ni Mike.Umupo siya at pumayag na makipag usap. "Yana, sinabi ko na lahat ng nalalaman ko.Pero ayaw niyong maniwala.Wala akong kasalanan , inosente ako."  Lumapit ako ng maigi kay Dustin , hinawakan ko ang kamay niya at halos ibulong ko na ang mga sinabi ko. "Kung hindi ikaw , sino? Sino ! Dustin? Kasi hindi pwedeng hindi mo alam. Magkakasama kayo nung gabing iyon.At ikaw ang may ari ng bodegang pinuntahan niyo."

Nakita ko sa mukha ni Dustin na magsasalita na siya ng mga nalalaman niya. Buong akala ko makukuha ko na ang sagot na hinihintay ko. "Yana..."  "Ano?" pagtatanong ko. "Hindi ko talaga alam.Pasensya kana , hindi kita matutulungan"  sagot niya.  Unti unti akong nanghina at pumatak ang luha ko. "Hindi ako mapapagod na bumalik dito Dustin, hanggat hindi ka nakikipag tulungan sa amin.Hanggat hindi ko nakukuha ang hustisya para kay George" sabi ko ,saka ako tuluyang umalis. Hinawakan ni Mike ang likod ko. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang pagkadismaya sa mukha niya. "Anong gagawin mo ngayon?" tanong niya.

"Hindi ako titigil Mike, hindi magtatagal lalabas ang totoo" Sagot ko.

********

Sa unang araw ng hearing,kasa kasama ko sina Auntie ,Uncle , Dad pati ang mga magulang ni George. Nag filed ng "not guilty plea" sina Dustin at Erol. Walang witness sa kasong ito.Kaya't ang pagkakahuli sa kanila ng mga pulis sa lumang bodega na iyon kung saan nangyari ang initiation ang matibay na ebidensiyang sila ang huling nakasama ni George. Lumabas din ang finger print nila sa paddle na ginamit.

Paglabas namin ng court room nagpumilit na lumapit sa akin si Dustin pero hindi siya pinayagan ng mga taong nakapaligid sa akin.Niyakap ako ni Dad. Lumapit siya kina Tito Ryan at Tita Jade. "Ma'am , Sir. Nakikiusap po kami inosente kami. Biktima rin! hindi namin pinatay si George."  "Hindi ako naniniwala sayo, pinatay niyo ang anak ko kaya sisiguraduhin naming makukulong kayo at magiging miserable." Matapang na sabi ni Tita Jade.

Nang lumakad kami, ipinagkibit balikat ko ang pagsigaw ni Dustin. Pagod na ako sa pakikinig sa mga pagmamaka awa niya. "Yana! Please, inosente kami!" Tumuloy ako sa paglalakad. "Yana! Buhay pa si George nang iwan namin siya." Natigilan ako sa sinabi ni Erol. Tumigil kaming lahat. Hinawakan nina Auntie at Uncle ang kamay ko pero bumitaw ako.

"Yana, wag mong sabihing maniniwala ka?" sabi sa akin ni Tito Ryan. "Yana, pabayaan na natin sa abogado ang kaso umalis na tayo".Pero lumapit parin ako kay Erol. "Ano bang sinasabi mo?" tanong ni Dustin. "Totoo naman diba? Buhay pa si George, Oo kasama niya tayo pero hindi pa siya patay."  Nagtatalo silang dalawa sa harapan ko.

"Paano mo mapapatunayang totoo ang sinasabi mo?" tanong ko. "Kahit ikulong niyo kami, hindi mababago ang katotohanan.Na Malaya pa ang totoong may kasalanan.Wala kaming balak patayin si George." Hindi malinaw ang mga sinabi niya.Nauubos narin ang pasensya ko sa mga pagpapalusot nila.Mas lalo akong naguguluhan.

"Pwede ba? Utang na loob! Wag niyo na kaming paikutin! Bakit ba hindi mo na lang sabihin?Bakit hindi mo ituro kung sino?" galit kong sabi. "Mahal ko ang pamilya ko Yana, ayokong silang madamay sa totoo lang takot na takot na kami. Kaibigan namin si George at katulad mo gusto rin  namin ng hustisya para sa kanya. Kaya Sana mahanap niyo ang totoong may kasalanan."

Hindi ko naiintindihan sina Erol at Dustin. Pero nararamdaman ko ang takot nila. Kahit nakaposas, pinilit ni Erol na mahawakan ako. "Mag iingat ka Yana.Wag kang basta basta magtititiwala.Kahit sa mga taong kilala mo na."

******

"Sinabi niya iyon?" gulat na tanong ni Mandi. Pumunta sila Mandi ,Crystal at Mike sa bahay ng araw na iyon. "Oo, parang alam mo iyon ? parang gusto niya akong bigyan ng clue.Ang kaso hindi ko alam ang ibig niyang sabihin" sabi ko.  "Baka ang ibig niyang sabihin kilala mo o di kaya nasa paligid lang natin yung taong gumawa ng ganun kay George?" sabi ni Crystal.

Justice for GeorgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon