Last Chapter

6 1 1
                                    

III.

Naniniwala ako kay Mandi.Alam kong hindi niya iyon magagawa kay George. Napangunahan lang ako ng matinding frustration sa paghahanap ng katotohanan.

Bumalik ako ng kulungan, Nang makita ako ni Dustin agad na siyang lumakad pa atras pero pinigilan ko siya. "Dustin , please kausapin mo ako.Sorry kung nasampal kita sorry talaga." Umupo si Dustin at naging kalmado. "Ano pang kailangan mo?" tanong niya. Kinuha ko sa bag ang mga picture na binigay sa amin ng mga pulis.Mga kuhang litrato sa nakitang katawan ni George.

"Tell me anything about this pictures" Nakita ko ang gulat sa mukha niya nang makita ang mga pictures. "Bakit? Wag mong sasabihin na hindi mo din alam yan? Pwede ba Dustin? Magsalita kana?" Kinuha niya ang isang picture at napabuntong hininga siya. "What?" tanong ko.

"Hindi ganito ang itsura niya nung huli ko siyang nakita" bulong niya. "Ang sugat na yan ang dahilan ng pagkamatay niya.Nagka brain hemorrhage siya Dustin.Isang matigas na bagay ang pinalo sa kanya."

*****

Nung araw na iyon , hindi ako mapalagay sa mga nalaman ko.Unti unti ko ng napag dudugtong dugtong ang mga pangyayari. Hanggang mag ring ang phone ko. "Hello Mike?" sagot ko. Nang magkita kami ni Mike, sinabi ko sa kanya ang mga sinabi ni Dustin. Tahimik lang at walang reaksyon.

"Mike naririnig mo ba ako? posibleng sinadyang patayin si George" sabi ko. "Yana, pwede bang itigil mo na yan? Parang napipikon niyang sabi. "Tama ba ang naririnig ko? pinapatigil mo ako sa pag alam ng totoo? Mike! Hindi, lalo pa ngayon? Hindi!"

"Yana, hindi mo ba nakikita? Wala ka ng ibang inatupag kundi si George, ang kaso o kung sinong pumatay sa kanya! Patay na siya pero siya parin ang iniisip mo" matapang niyang sabi. "How dare you Mike! Hindi basta ibang tao lang ang pinatay! Karapatan kong malaman ang totoo. Boyfriend ko siya at ikaw? Bestfriend ka niya di ba? tanong ko. "Yun na nga, Im his bestfriend always in his shadow, at kahit wala na siya. Siya parin ang hinahanap mo. Don't you see? Yana I can be like him" Hindi ako makapaniwala na sinabi niya iyon.Na parang hindi importante sa kanyang malaman kung anong totoong nangyari kay George.

"What are you saying?" tanong ko, "I love you.. in the first place tayo naman talaga diba? Ako ang una mong nakilala inagaw ka lang niya" "Umuwi ka na ! Hindi ko alam bakit ka nagkakaganyan ,ayoko ng marinig ang ano pang sasabihin mo." At nagmamadali akong umalis.

Kinagabihan , halos hindi ako makatulog sa mga sinabi ni Mike sa akin.

Kapag nalaman ni Crystal ang tungkol sa mga sinabi ni Mike siguradong mag aaway sila. Sinabi ni Mike na mahal niya ako, samantalang girlfriend niya si Crystal.

Nagkaroon ng meeting sa SC office para sa gagawing seminar sa school.Ang seminar ay tungkol sa isyu ng mga fraternities inside and outside of the school.Layunin nitong mabuksan ang isip ng lahat ng estudyante sa pagsali sa mga organisasyong hindi sinusuportahan ng school.

Lumapit sa akin si Mandi.Matagal narin kaming hindi nakakapag usap.Kasama ko si Crystal at nagpatuloy kami sa paglalakad. "Yana Im sorry.Im sorry sa paglilihim ko." panimula ni Mandi. "Patawarin mo na siya Yana, magkakaibigan tayo.Dapat magtulungan tayo sa kaso ni George" Nag isip ako at tiningnan ko si Mandi. "Sige na, ok na para kay George tatanggapin ko ang sorry mo.Basta Mandi, ipangako mo wala ng lihiman."

"Thank you talaga , Yana.Pero alam mo naman na nasa likod mo ako.Kami, pagtutulungan natin ang lahat.Teka asan nga pala si Mike?" Hindi ka agad ako nakapagsalita nang hanapin nila si Mike. "Hindi ko alam" sagot ko. "Tal? Hindi mo siya kasama?" tanong ni Mike. "Hindi nga, nitong huling araw nagiging moody siya.Tahimik tapos hindi namamansin." Sagot niya. "Sus! Tahimik? Kailan ba hindi?" at tumawa ng malakas si Mandi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Justice for GeorgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon