Chapter 1

9 1 2
                                    

Habang nakaupo ako at naghihintay, hindi ko magawang maisip kung paano maging kalmado.Nanginginig ang buong katawan ko ,napakalakas ng tibok ng puso ko. Pinipiga ko ang mga palad ko na para bang hindi ako nakararamdam ng sakit. Katabi ko si Mandi at katulad ko hindi rin siya mapakali, maya maya pa'y tumayo siya at sinipa ang trash bin na nasa harapan namin. "Bwisit na buhay ito! Mga hayop sila ! hinding hindi ko sila mapapatawad!" nakakabingi ang pagiingay na iyon ni Mandi .Malalim ang maiiwang sugat nito sa puso ko.At hinding hindi ko mapapatawad ang taong gumawa nito.Hindi.

Ilang oras pa kaming naghintay at dumating sina Uncle Ron at Auntie Mara. "Ano? Nahuli na daw ba? Ilan ba sila?" pagtatanong ni Uncle.Hindi ako makasagot , dahil tulad nila naghihintay lang din kami sa pagdating ng mga pulis."Nahanap na daw ba si George?" tanong ni Auntie. Napa iling at naiyak na lang ako."Sabi ni Dad tatawagan niya ako agad kapag may balita na.Bakit Auntie? Bakit nila ginawa iyon kay George? Hindi ko maintindihan."

Hanggang dumating ang mga pulis hila hila ang dalawang lalaki.Na puno ng putik ang mga damit. "Sir, nakita namin sila sa bodega kung saan nangyari ang sinasabing hazing.Sila ba ang tinutukoy niyo? Nakikilala niyo ba sila?"Pakikipag usap ng isang pulis kay Uncle Ron. Nang tumayo ako at humakbang paatras ang pulis, laking gulat ko nang makita ko si Dustin.Ang isa sa mga kaibigan ni George.

"Kilala ko siya" bulong ko.Hindi nakapagpigil si Mandi at nasuntok niya si Dustin. "Hayop ka! Asan ang mga ka tropa mo? San niyo dinala si George!" namumula si Mandi sa sobrang galit. "Hindi ko alam! Mabilis ang mga pangyayari, pero maniwala kayo pinigilan ko si George.Yana maniwala ka.Biktima rin ako." pagmamakaawa ni Dustin sa akin.Halos lumuhod siya sa harapan ko pero muli nanaman siyang nasuntok ni Mandi damay pati ang isa pang lalaki na kasama niya. "Biktima? Gago ka! Magsabi ka ng totoo! Nasan ngayon si George!"

Lumapit ako ulit kay Dustin. "Maniniwala ako sayo, baka tulungan pa kitang ma abswelto Dustin, sabihin mo lang.Nasaan si George.San niyo siya dinala?" maluha luha kong tanong sa kanya. "Yana, hindi ko talaga alam.Bigla na lang siyang nawala hindi ko alam kung sinong kasama niya."

Hindi ko napigilan ang sarili ko at nasampal ko si Dustin. "Utang na loob Dustin! Wag ka na mang magsinungaling! Alam naman naming kayo ang kasama ni George! Wag mo ng pagtakpan kung sino mang pinagtatakpan mo.Aminin mo na!" "Hindi ko talaga alam.Hindi ko alam" Paulit ulit niyang sabi. Inalalayan ako nina Auntie na makatayo. "Kunin niyo na yan! Wala kaming mapapala sa gagong ito! Ito ang sinasabi ko sayo.Mabubulok ka sa kulungan tandaan mo yan." Galit na sabi ni Mandi.

"Ano nang gagawin natin? Saan natin mahahanap si George."

*****Limang oras bago ang Hazing

Kasama ko pa si George na pumunta sa office ng student council kung saan ako ang president. Nung mga oras na iyon, nahalata ko nang hindi siya mapalagay. Nang tanungin ko siya. "May problema ba? May lakad ka ba?" Agad siyang napalingon sa akin at itinatangging may iniisip siya "Ha? Wala, iniisip ko lang baka gabihin ka sa daan".

Sobra akong naging busy sa mga patong patong kong trabaho para sa mangyayaring school fair.Kasa kasama ko si George na tumutulong sa pag aasikaso. Nang makalabas sa gate , natatandaan ko pa ang sinabi niya sa akin. "Hayyyy, ikaw na talaga ang nagsasara at nagbubukas ng school.Ikaw na si Ms. Responsible!" Hinawakan niya ang kamay ko at nagtawanan kami ng iisway sway niya pa ito sa hangin. "George sorry huh? Kasi konti na lang yung oras na nagba bonding tayo" sabi ko. Tumigil kami ng saglit at tiningnan niya ako. "Ayos lang, sa totoo nga niyan sobra akong proud kasi ikaw ang girlfriend ko.Pinagmamalaki kaya kita sa mga kaibigan ko.Responsible, matalino at sobrang bait."

"Eh paanong hindi ako magiisip ? katulad niyan! Kapag magkasama tayo, ikaw halos marami pang energy samantalang ako sobrang pagod na , Oh paano magiging balance?"

Justice for GeorgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon