pag ibig ko sayo sinta

40 18 11
                                    

Irog ko'y iniibig Kita
Bakit ba kasi ang gwapo mo sinta,
Sa mundo ng pag ibig gusto kang maisama,
Pero sa panaginip lang kita makakasama.

Puso ko'y ikaw ang laman
Ika'y iibigin magpakailanman
Hindi ka mapapalitan nino man
Pero ang pag abot sayo ay suntok sa buwan.

Oh sinta wala na bang pag-asa
Habang buhay na ba ko aasa
Ako'y parang pulubi sa kalsada
Samantalang ika'y prinsipe na nakasakay sa kalesa.

Puso ko'y nanlumo
Isip ko'y nagsusumamo
Puso mo ay nakuha na ng iba
Kaya ako sayo ay parang iba.

Ika'y malayo na sa akin
Kaya ika'y di na mapapa sakin
Pero gusto Kung sabihin sayo na mahal na ata kita
Kaya ika'y pinapalaya ko na sinta.

                 ★---S_joy_L---★

Tala ng LapisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon