humahanga mula sa malayo

6 6 0
                                    

Mula sa malayo,
Ako'y nakatayo
Sinisilayan ang gwapo mong mukha
At puso ko'y puno na ng tuwa.

Pangalan mo sa aking tenga ay isang himig
Damdamin ko'y gustong may ipahiwatig,
Sa puso ko'y ikaw ay makinig
Sinasabing ikaw parin ang iniibig.

Pero pag-ibig ko'y hindi mo pansin
Parang wala lang sayo kung ako'y paasahin,
Alam kong ika'y 'di na mapapaakin,
Kaya kahit masakit ito'y aking tatangapin.

★---S_joy_L---★

Tala ng LapisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon