Kabanata 9

3K 32 9
                                    

Enjoy reading~

Naomi Arin

Balot ng tuwalya ang katawan at ang buhok kong nagkakalkal dito sa kabinet na narito sa kwartong kinaroroonan ko.

Nilabas ko ang isang black na long sleeve polo shirt at kumuha rin ako ng isang boxer short. Nakatayo ako sa harapan nang salamin at kaonti na lang ay lalamunin na ako ng damit na suot.

Hindi ko alam kung kanino sa dalawa itong suot ko, hindi ko pa naman sila nakikitang nakasuot ng ganito e puro pang gym attire.

Nakapaang lumabas ako ng kwarto at palinga-linga sa paligid, hindi ito ang pinagdalhan nila saakin no'ng gabing may nangyari saamin tatlo.

Napahinto ako nang marating ko ang hagdan pababa, parang mahihiya pa akong hawakan ito dahil sa kintab nito. Well, mukha naman silang mayaman dahil hello! Parehas silang mma fighter no!

Pagkababa ko sa hagdan ay nag-ikot-ikot ako hanggang mapadpad ako sa isang pintuan na bahagyang nakaawang.

Sumilip ako ro'n nang makarinig nang paghampas sa isang bagay, bumungad sa paningin ko ang mga gym equipment. Nilibot ko pa ang tingin ko sa loob at napadpad sa isang sulok kung saan may nakasabit na sandbag at nakita roon si Saint na hubad barong sinusuntok at sinisipa ang kawawang sandbag.

Hinanap ko naman si Hellion at nakita itong nagpupush-up naman sa isang tabi, wala sa sariling nakagat ko ang hintuturo dahil sa nakikita.

Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa at talaga namang walang tapon sa dalawa. I bet a lot of girls and gays go gaga just to get the attention of these two.

Mabilis akong nagtago nang tumayo si Hellion muna sa pagkakadapa sa mat.

"Kailangan mo nang umalis Naomi." Bulong ko at nagsimula nang tumalikod paalis do'n.

Bakit ba nila ako dinala rito?
Wala akong maalala sa nangyari kagabi, ang naalala ko lang ay kausap ko ang isang customer pagkatapos wala na. Everything's blurry in my head, and how did they know I'm there?

Wait!! This just confirmed that they do really know I'm working in FunBox. May sinabi ba si mr Rino sakanila o pinilit siya ng dalawa na magsalita?

"Arrghh! Next time mo na lang isipin iyon Naomi, get your things and let's get out of here." Mabilis kong tinahak ang daan pabalik sa kwartong kinaroroonan ko kanina.

"Shït!" Bulalas ko nang maalalang iniwan ko sa dressing room ang bag ko together with my phone.

Mga damit ko na lang ang hinanap ko kaso pati ang mga iyon ay wala, naghanap na lang ako ng flip flop sa cabinet at laking tuwa ko nang may makita ako sa ibaba. Mukhang bago pa ito dahil nakalagay pa sa isang shoe bag.

Bago ko suotin ang flip flop ay naghanap ako ng sweat pants sa cabinet na pwede kong suotin. At nang maayos na ang damit ko ay tahimik akong lumabas ng kwarto at bumabang muli. Tahimik na ang paligid hindi katulad kanina na rinig ang pagsuntok at sipa ni Saint sa sandbag.

Dumiretso ako sa pintuan na alam kong front door, papahatid na lang ako sa taxi sa FunBox dahil ando'n din naman ang kotse ko't mga gamit.

Hawak ko na ang door knob nang makaramdam ng presensya sa likuran ko, ramdam ko rin ang mabigat na paninitig nito saakin kaya hindi ko nagawang pihitin ang seradura ng pinto.

Rinig ko ang mabibigat na yabag palapit saakin at alam kong wala na akong takas dito.

I was pulled away from the door, crashing my back on a hard and warm body. Napapiksi ako nang gumapang ang isang malabakal na braso sa bewang ko at mas hinapit ako.

The Twin's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon