A/N: Hi~ hope you also support my second poly story like how you supported 'Their Spoiled Brat'.
Baka twice a week ako mag-a-update nito pero hindi sure ah lalo na busy ako next week.
Anyway, enjoy reading~Naomi Arin
3 months later
Nakasalukbaba ako rito sa island counter dito sa condo ni Stacey, tamad ko itong pinapanuod magluto ng agahan namin. Dito kasi ako natulog kagabi dahil nagbar kaming dalawa at sobrang nalasing kami kaya pagkarating dito kagabi e knock out kaming pareho. Ni hindi ko na nga nagawang magpalit ng damit o burahin man lang ang make up sa mukha ko.
"You look like shït Naomi." Napakurap ako at inirapan ito.
"Akala mo ikaw hindi no! Times two yung sayo e. Broken hearted ba naman haha." Asar ko na kinasimangot nito.
Paano ba naman kasi nagyaya siya bigla magbar kagabi dahil nakita raw niyang may ibang kahalikan si mr Rino sa loob mismo ng opisina nito.
Ang gaga kasi ay nainlove na ata sa boss namin kaya ayan nasaktan sa nakita kagabi.
Hindi ko naman siya masisisi e ang gwapo kaya ni mr Rino 'tas ang bait pa. Sa ilang taon namin pagtatrabaho sa FunBox e napalapit na kami kay mr Rino. Halos lahat naman kaming nagtatrabaho ro'n e kaclose siya.
Anyway kung tinatanong niyo kung bakit kami nagtatrabaho ro'n at kung bakit ko ginagawa iyon ay hhhmm I will explain na lang later dahil gutom na talaga ako haha.
Basta sasabihin ko sa susunod sa ngayon ay kakain muna kami.
"Alis na ko Stacey, huwag magpadepress kay mr Rino mahal ka no'n." Asar ko sakanya at bago pa ako nito mabato ng unan ay nakalabas na ako ng condo niya.
Tinatali ko ang mahabang buhok ko habang naghihintay bumukas ang elevator.
"Pagupit kaya ako mamaya hhmm." Wika ko habang tinitignan ang sarili sa salamin katabi ng pinto ng elevator.
Ting(elevator's door opens)
Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko sa sling bag ko kaya hindi nakatingin akong pumasok sa elevator.
Tito Ezekiel's calling......
"Hello tito kong pinakagwapo sa balat ng lupa~" bungad ko at natawa nang singhalan ako nito.
"Tumigil ka Naomi, kailan ka ba pupunta rito sa gym? Akala ko ba mag-aaral ka ng self-defense?" Anito
Oo nga pala, magpapaturo ako sakanya ng self-defense dahil no'ng isang araw habang pauwi ako galing sa convenience store at dahil walking distance lang iyon kaya nilakad ko lang, iyon pala hindi ko alam na may bastos na maghihipo saakin do'n.
Kung hindi nga lang sa isang itim na sasakyan na huminto sa gilid namin no'n ay hindi pa aalis ang bastos. Bumusina rin kasi ang sasakyan na iyon kaya naagaw ang atensyon ng ibang tao ng oras na iyon.
I wanted to thank the driver that time pero kaagad din siyang umalis nang tumakbo ang manyak na iyon.
Nakapajama na nga ako no'n at oversize na tshirt pero namanyakan pa rin ako. Geez, wala talaga sa pananamit ng mga babae ang problema.
"Baka bukas siguro tito, may hangover ako ngayon e." Nakangusong tugon ko, tumingin ako sa repleksyon ko sa pinto ng elevator para lang mapatili nang makita ang repleksyon ng dalawang lalaki na parehas na nakasuot ng sumbrero sa likod ko.
Nag-init ang mukha ko sa kahihiyan at mabilis na nagyuko ng ulo.
Putangïna naman Naomi e!!! Nakakahiya!! Singhal sa sarili.
![](https://img.wattpad.com/cover/329982000-288-k769550.jpg)
BINABASA MO ANG
The Twin's Pet
Fiksi Umum[Hiatus] Second Polyandry Story Mature content [R18] ------- Synopsis Naomi Arin Guinto, a kindergarten teacher, only wants to learn basic self defense from her paternal tito who owns a training gym and who's also a coach. But stepping in his train...