Simula

4K 31 5
                                    

Warning: slight espigi~ Read at your own risk!!!!

Simula


"Bye bye miss Arin!!" Pinipigilan ko ang sarili kong panggigilan ang mga cute na batang istudyante ko.

"Bye, see you tomorrow!" I waved back at them while they are walking with their nannies. Sinigurado ko syempre na talagang mga nanny nila ang sumundo sakanila, mahirap na baka may masamang nilalang ang maligaw dito at kidnappin sila.

Hinintay ko munang mawala sila bago ako pumasok ulit sa classroom namin. Nagsimula na akong magligpit para makauwi na ako at makapagpahinga. I still have work tonight so I need to have ALOT of energy dahil mapapagod na naman ako.

Sinigurado kong nakasarang mabuti ang classroom namin bago ako tumulak palabas ng school.

Maaga pa naman lalo na't nauunang lumalabas ang mga kinder sa mga grade school students. Kaya mahaba pa ang oras kong makapagpahinga dahil alas-otso pa ang pasok ko mamaya sa isa ko pang trabaho.

Pagkalapit ko sa sasakyan ko ay kaagad din akong pumasok at pinaandar pauwi, habang naghihintay maggreen ang stoplight ay binuksan ko ang glove box ng sasakyan ko at hinanap ang paborito kong candy.

"Gotcha baby~" anas ko nang makuha ang pack ng sugus green apple na gustong-gusto ko.

Kumuha ako ng isang cube at kinain,
"Hhmm" I moaned when the taste burst on my mouth.

I'm tapping my fingers on the steering wheel when someone calls, tinignan ko sa maliit na screen sa dashboard kung sino ang tumatawag.

Mr Rino is calling.....

I pursed my lips before I answer the call,
"Hi mr Rino" sweet kong bati

He chuckled na talaga naman nakakakilig dahil napakaswabe ng boses nito. Kkuuu kung hindi ko lang boss ito malamang umamin na akong gusto ko siya charing hahaha.

"Hello Naomi" he chuckled again after saying that. Tengene nemen mr Rino why naman napakalambing ng pagkakasabi mo sa name ko kilig tuloy si aketch hehehe.
"Anyway, make sure to come an hour before your shift tonight, 'kay?"

"Bakit po? May vip na naman mamaya?" Tugon ko sabay kabig ng manibela pakanan papasok sa subdivision kung saan ako nakatira.

"Yeah, the usual." Anito

"Oh" nasambit ko


Dahan-dahan kong pinark ang kotse ko sa labas ng isang bungalow type na bahay. Light blue ang kulay ng pader nito kaya mapreskong tignan, I chose bungalow kasi mag-isa lang naman akong nakatira rito. Both of my parents have their own family after they decided to divorce each other. Ni hindi man lang nila naisip na may anak sila at basta na lang ako iniwan kay tito Ezekiel na kapatid ni papa.

Mabuti na lang parehas silang nagbibigay ng pera sa bank account ko, pakunswelo ba nila sa pag-iwan nila saakin. Aba dapat lang no!!! I'm just 15 years old when they seperated, 24 na ako ngayon.

I lost years of parent's loves because of their selfish decision. haaayyssst tama na Naomi, winaglit ko ang masamang alaalang iyon sa isip ko.

Pagpasok ko sa bahay ay basta ko na lang iniwan sa bungad ang mga sapatos ko habang isa-isang tinatanggal ang mga butones ng blouse ko. I wiggled my hips while removing my long pencil skirt, basta ko na lang din binato ang blouse ko at palda bago naglakad papuntang kusina.

The Twin's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon