Chapter 18 revealing the past: Assuming girlfiend vs. bestfriend

459 14 12
                                        

guys its a long update., sana magustuhan ninyo.,vote and comment naman poh dyan wag namang madamot., haha.,aq nga busy sobra update pa din.,

anyways dedicated to kay Marshie Kate q^___^., love you Marshie....

______________________________________

“so kamusta paglandi mo sa boyfriend ko?” tanong agad niya,habang ako nakatingin lang sa kanya kasi naman di ko naman talaga inaasahan na makikita ko siya dito

“wala akong nilalandi” mahinahon kong sagot

“oh talaga, eh anung tawag mo sa ginagawa mo, nagtetake advantage lang sa pagiging mabait ng boyfriend ko sayo” irita niyang sabi

“Mara ayoko ng gulo” mahinahon ko pa ding sagot, oo si Mara nga ang kausap ko, at siguro alam ninyo na kung sino ang boyfriend na tinutukoy niya

“ayaw mo ng gulo pero nilalandi mo na naman ang boyfriend ko” mariin niyang sabi

“Mara please di ko nilalandi si Daniel” talaga bang paglalandi ang ginagawa ko kay Daniel, hindi naman ganun yun diba?? Pero mali ba ako na maging sobrang close kay Daniel dahil may girlfriend na siya

“ Shut up Pat, you’re a b*tch and a sl*t, yun ang totoo nagtatago sa pagiging mahinhin at mabait pero ang katotohanan bitch ka pala” sabi niya na may diin at halong galit sa salitang binibitawan niya

“Mara itigil mo na yang sinasabi mo dahil hindi totoo yan” sagot ko na puno ng pagtitimpi dahil ayoko talaga ng gulo

“hindi totoo, sinong maysabi,ikaw??bakit ito ba ang first time na nakipaglapit ka sa boyfriend ko???at kay James?hindi ba paglalandi ang tawag sa ginawa mo noon???” sa sinabi ni Mara parang bigla akong sinampal at nasaktan at parang gusto ko na ngang aminin na isa akong b*tch, at sl*t

“oh anu di ka makasagot, bakit di mo na ba matandaan yung date???pasalamat ka at sa kabila ng lahat di pa rin kita kayang saktan ng pisikal, pero eto lang ang masasabi ko Patricia Megan Chavez, hindi na ako papayag na sa pangalawang pagkakataon, ikaw na naman, tama na yung date…Kaya please lang layuan mo na si Daniel kung ayaw mong tuluyang magkaron ng matinding kaaway,siguro naman naiintindihan mo ako,GIRLFRIEND ako, at BESTFRIEND ka lang, at lumugar ka sa dapat na ilugar mo” pagdidiin ni Mara sa mga salita niya at umalis na siya

At ako, naiwan akong nag-iisip sa mga salitang binitawan ni Mara, si Mara na may dahilan kung bakit lagi akong binubully, kung bakit ganun na lang ang pakikitungo niya sakin…

Ayoko na sanang isipin pa ang nakaraan na yun, at sa totoo lang nakalimutan ko ng lahat yun,kaya naman di ko naisip na si Mara na naman nga, kahit na siguro simpleng bagay lang ang nakaraan, dapat siguro nadala na ako, dapat nga siguro di ko hinayaang mapasok na naman ako sa ganitong sitwasyon, pero anung gagawin ko?

Matamlay akong bumalik sa music room, pagpasok ko andon din si Mara, katabi na siya ni Daniel, tumngin lang sakin si Mara at umiwas na din ng tingin

“Pat bakit parang natagalan ka, bakit pati parang namumutla ka?okay ka lang ba”  tanong ni Crayon na halata ang  nag-aalala, tapos napatingin silang lahat sakin

“oo nga Pat are you okay” si Daniel na mas halata ang pag-aalala tapos tatayo sana siya para lumapit sakin, pero sumagot na ako kaagad

“naku, okay lang ako, mainit kasi sa labas kaya yun parang sumakit yung ulo ko” sagot ko at pilit ngumiti sa kanila

“okay sabi mo yan ah” si Crayon ulit, tapos umupo na muna ako ulit, pero hindi na sa dating pwesto ko, kundi dun sa upuang malayo kay Daniel

Music and Lyrics^___^ (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon