chapter 26 the courting proposal and Crayon's point of view

290 10 2
                                    

Nagsisimula na akong maglakad pabalik sa upuan ko, ng marinig kong nagsalita si Daniel sa mic…

“Pat” sabi niya, shemay, nagulat ako dun ah, kelangan naman talaga tawagin ang pangalan ko sa mic pa, ang lakas kaya, tapos automatic na napalingon ako, pero bago pa man ako lumingon, nakita ko si mommy katabi sina tita Magne, ngiting ngiti lang sila ah, tapos si Shanna at Che ayun mga bruha,ngiting ngiti dun, tapos may pag wink pa sakin si Shanna…

At ayun nga lumingon na ako ng tuluyan kay Daniel, namumula na naman ako, nakakahiya naman kasi eh, eksena to eh.

“bakit?” I mouthed kasi naman, sa hiya parang walang boses na lalabas sa bibig ko, tapos siya naman ayun namumula yung tenga, tapos di mapakali tapos, yung kamay nasa likod na naman ng batok, kasi naman eh pede naman akong kausapin na lang sa upuan namen diba?

O___O

“Haaaah” anla huminga siya ng malalim tapos sa mic pa ah, at imagine parang ang lalim ng pinaghuhugutan tapos lahat ng nasa paligid namen nagtawanan, ako di ako matawa, parang kinakabahan kasi ako na ewan eh, at oo naestatwa ako dito sa kinakatayuan ko, at isa pa wala akong maintindihan sa ginagawa ni Daniel eh

“Pat...” tawag niya ulit sa pangalan ko at oo sa mic pa din, tapos huminga muna siya ng malalim pero di na kasing lakas ng kanina “ siomai nahihiya ako”  sabi niya pa tapos bigla siyang namula kaya nagtawanan na naman ang mga tao

“go kuya you can do it” sigaw ni Shanna, ako nganga,haha, anu ba kasing meron

“tss…Pat sa harap nina Tito John at Tita Megs, sa harap nina Mommy at Daddy, I want to ask if….

……..if can I formally court you?”

*.* hindi nga????

Parang hindi magsink-in sakin yung sinabi niya eh….

“uy Pat hinhintay niya ang sagot mo oh?” sigaw ni mommy sakin, naman eh bakit kailangan ganito, kahit nahihiya ako, kinikilig ako

“oo na yan” sigaw naman nila

Kaya yun tumango na lang ako, hooooh grabe lang, at narinig ko na lang na nagpalakpakan sila, hanggang sa nakaupo na ulit  kami, at nag-uwian na sila lahat at ng nakahiga na ako, di ko pa rin lubos maisip na magagawa yun ni Daniel, sa totoo lang akala ko, sa mga librong nababasa ko lang may mga ganung pangyayari, sa mga movie, pero ngayon, nangyari na sakin….sa tipo kasi ni Daniel na ayaw masyado na atensiyon ng ibang tao, suplado at ganun kagwapo(kelangan kasali ang gwapo.,hehe) eh di mo maiisip na magagawa niya yun.,pero siyempre masaya ako, kasi sa tagal ko ng pagtatago ng nararamdaman ko sa kanya, di ko rin naisip na dadating yung ganitong pagkakataon para samen…..

Alam ko naman na magiging masama ang tingin sakin ng ibang tao kasi nga kakabreak lang nila ni Mara, kaya lang hindi ko na kayang palampasin ang pagkakataong ito o siguro mas tamang sabihin ko na di ko dapat palampasin ang pagkakataong ito dahil sa isang dahilan….sorry Mara

Crayon’s POV

“Crayon anak, are you ok?” tanong sakin ni dad

“yeah dad, bakit naman hindi” sagot ko

“I know what you feel” tapos umiling iling si Dad “ like it was history repeats itself” dagdag niya

“Its fine dad, ganun lang po talaga, sa gwapo kong ito dad ang dami ko pang makikitang iba dyan” tapos tumawa ako kung saan nakatago ang sakit na nararamdaman ko

Music and Lyrics^___^ (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon