SMMSC: FA II

151 4 1
                                    


NESSA's

The meeting is about to start kaya nag siupo na kameng magkakaibigan sa mahabang lamesa. Maraming familiar faces na sumali ulit sa patimpalak na ito. It is really competetive at sobrang daming engrande kung manamit. Napatingin naman ako sa katabi kong si Farah. She has the simpliest outfit of all of the girls here. Sinabi ko naman kase sa kanya na---

"Miss? Please introduce yourself." Naputol ako sa pag iisip ng may tumapat saaking mikropono. Everyone is already looking at me. I stood up without really knowing what to say.

"Name, age and course babe!" Narinig ko namang bulong ni Farah sa gilid ko. I nodded and look at the girls as if they were my audience.

"Vanessa Curtis. 21 years old. 3rd year representative FINE ARTS!" Confident kong sabi sa mga ito. I heard claps and bulungan after my introduction.

"Woah! Miss Curtis infairness you improved a lot

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Woah! Miss Curtis infairness you improved a lot." Sabi ni Miss Amelia, one of the organizers of the pageant. Napangiti ako sa sinabi nito kahit ramdam ko ang sarcasm sa tono nya.

"Thank you." Sagot ko na lang at ngumiti naman ito at sinenyasan na ako na umupo na.

"I wasn't expecting a good and energetic introduction..." Nakangiti itong bumaling ng tingin saakin. "Thank you for that Miss Nesa..." Sabi pa nito naramdaman ko pa ang pagkantyaw ng mga kaibigan ko pero hindi ako makalingon sa kanila dahil ako pala ang malapit sa inupuan ng mga organizers at producers. "....Since some of you look so tired, lifeless--walang kabuhay buhay and parang napilitan lang kayong sumali sa pageant na to because maybe kailangan ng representative ng course nyo." Naging seryoso naman ito. "Iilan lang ang nakikita kong okay at masaya sa ginagawa nila at mabibilang lang yun sa kamay ko." Dagdag pa nito. Lumapit naman si Miss Amelia sa one of the candidates na nakatulala. Hindi nya nga ata napansin na nasa harap nya na si Miss Amelia. "OUT!" Biglang sigaw ni Miss Amelia na ikinagulat namin maging nung babae kaya nagmadali itong lumabas. "Maganda nga ang style mo kung patulog tulog ka naman." Sabi pa nito at nagsimula ng lumapit sa iba pang aspiring candidates. Madami na syang napalabas at wala pa sa kaibigan ko ang nalalapitan nito.

"Natatae ako." Biglang sabi ni Pez. Mabilis rin naman itong napatakip sa bunganga nya dahil sa disgust na reaction naming apat. "Ang aarte nyo parang di kayo tumatae ah." Pag uulit nya pa ng sasabihin.

"Buti ka pa Nesa tapos ka na." Sabi naman ni Toffi na naka crossed arms pa at halata mong kinakabisado ang sasabihin. Napatingin ako kay Farah na nakaabang at nakamasid lang kay Miss Amelia.

"Malamang ako yung unang napalabas kanina kung hindi lang ako tinulungan ni Farah." Sabi ko sa mga ito. Sabay sabay pa silang napalingon sa gawi ni Farah. Napatingin pa saakin si Farah at kinunot ang noo.

"Ako? Bakit ako?" Tanong nya pa napangiti lang ako sa kanya.

"Thank you Fa!" Sabi ko pa at hahawakan ko pa sana sya ng bigla syang tumayo. Nasa harap na pala naming muli si Miss Amelia at nakatapat na ang miktinig kay Farah.

show me my secret crush | freenbeck • englot Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon