Chapter 5

2.5K 103 0
                                    

Kung ang pang aasar ko lang ang dahilan para mapalapit sayo gagawin ko, para lang maipakita na mahal kita...

Di na ako papayag na laging sumunod sa kanya, kaya kahit sabihin nyang layuan kita ay di ko gagawin dahil ipaglalaban na kita...

♚♔♚♔♚♔♚♔♚♔♚♔♚♔♚♔♚♔♚♔

Whaa paano kaya ako makakalabas ng bahay??? May period ako at natagusan na ako. Wala akong sanitary napkin, Psyche ang bobo mo talaga, pati MT mo nakalimutan mo, nakakahiya.

Sumilip ako sa labas ng pinto ng kwarto ko, walang tao. Baka nasa mga school at trabaho pa ang iba, baka pede akong lumabas sandali at bumili. Akmang lalabas na ako ng makita ko si Iori na lumabas ng kwarto nya, sakto namang nakita ako nito. Ow shoot sa banga.

"Hi Psyche, bakit nakasilip ka dyan?" Tanong nito. Para talaga siyang prinsipe, parang Mr. Perfect.

"Ano kasi, may maliit este malaking problema ako hehe" binuksan ko na din ang pinto ng kwarto ko, naka robe naman ako.

"Anu yon? Baka naman matutulungan kita."

"Haha no need na, girls problem kasi to" nakakahiya naman pag nagpabili ako ng napkin sa kanya argh.

"Pero wala namang ibang babae dito sa pamilya eh, you can trust me. Now tell me what's your problem" tumingin muna ako sa paligid tsaka sya niyaya papasok sa loob ng kwarto ko, "ok lang na pumasok ako dyan?" Tanong pa nito

"Oo, bili" at pumasok na siya. Umupo sya sa kama ko.

"So ano ng problema mo?" Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba o hindi ang problema ko, but its now or never.

"Wag kang maiilang ha" panimula ko, tumango naman ito. "Well japan flag days ko kasi eh" napakunot noo naman ito, mukhang di nito gets.

"What do you mean? Wait! Monthly Period mo?" Sabi nito na ikinapula ng mukha ko, shucks kakahiya. "Oh sorry, so paano kita matutulungan?"

"Wala kasi akong stock ng sanitary napkin, di naman ako makabili kasi nga---" di ko na tapos ang sasabihin ko ng tumayo ito.

"Don't worry ibibili kita"

"Teka hindi ba makaka apekto sa image mo kung may makakakita na nabili ka ng napkin? Nakakahiya naman kasi"

"I don't care, alangan namang pabayaan kita dyan" ngumiti lang ito. "Just wait for me" at lumabas na ito. Hay grabe ang bait talaga niya...

Maya maya pa ay may tumawag sa akin, tiningnan ko ito...

Calling...
Iori

Agad kong sinagot iyon. "Iori?"

"Tanong ko lang, with wings or without wings?" Nawindang naman ako sa tanong nito, argh kelangan talaga itanong.

"With wings na lang"

"Ok, see you later"

"Thanks, ingat ka" at pinutol na nito ang tawag.

So after 20 minutes ay may kumatok na sa kwarto ko, agad kong binuksan iyon at nakita ko si Iori na may dalang plastic bag may iris na color blue pang bulaklak na kasama

"Here" inabot nito iyon sa akin

"Thank you Iori, malaki ang utang na loob ko sayo"

"Welcome, tungkulin ko naman na tulungan ka kasi kapatid kita. Maiwan na muna kita"

"Salamat uli" at mabilis akong naligo, hay fresh na uli ako thanks Iori

IORI'S THOUGTH

Pinagtitinginan pa ako kanina nung mga babae sa super market, narinig ko pa nga ang sinabi ng iba

"Ang swerte naman nung girlfriend nya, ibibili nya ng napkin. Hay"

Napailing na lang ako, kung girlfriend ko nga lang sana sya kaso kapatid ko sya. Pagkauwi ko galing store, pumitas muna ako ng isang iris na blue at nilagay sa binili ko.

It means...Aishiteru

Psyche's POV

Pagkatapos ko sa rituals ko agad akong nagbake ng cookies, ibibigay ko ito kay Iori bilang thank you gift.

Nadatnan naman ako ni Kuya Kaname na inilalagay ko sa isang lunch box ang ilang cookies.

"Wow cookies, para sa akin ba yan?" Tanong nito at itinuturo pa yung nasa lunchbox.

"Hindi Kuya, ito ang inyo" itinuro ko yung nasa jar. Kumuha na ito doon at kinain.

"Masarap hmm, eh kanino yan? Ang dami ata." Anito.

"Kay Iori po, may utang na loob po kasi ako sa kanya. Thank you gift ko na din kasi binigyan nya ako ng Iris" natigil ito sa pagkain at naging seryoso ang mukha.

"Anung kulay ng Iris?"

"Blue, bakit Kuya may meaning ba yun?" Hindi ito umimik, pero ngumiti na din.

"Nah, its just a simple gratitude. Magbibihis muna ako"

Tumango naman ako. Matapos kong maayos ang regalo ko kay Iori ay umakyat na ako at kumatok sa pinto ng kwarto nya. Agad naman nitong binuksan iyon.

"Psyche" bungad nito sa akin

"Naabala ba kita?"

"Hindi naman, bakit?"

"Ano ahm eto nga pala thank you gift ko" inabot ko dito yung lunchbox na may cookies. Tinanggap naman nito iyon.

"Salamat ha, gusto mo bang pumasok sa kwarto ko?" Yaya nito

"Pwede ba?"

"Oo naman para fair nakapasok na din naman ako sa kwarto mo, pati i need your help" pumasok na kami sa kwarto nito, ang linis ng kwarto nito. Puro kulay gray at blue. Ang dami ding libro, well matalino naman talaga sya.

"Anong problema mo?"

"Pwede bang makikialagaan ang mga halaman ko" nagtaka naman ako sa sinabi nito.

"Aalis ka ba?" Tanong ko

"Well pagkagraduate ko ng high school sa states na ako mag aaral ng college. Nakapasa kasi ako sa Harvard University" nalungkot naman ako sa nalaman ko, halos anim na buwan na lang at graduation na.

"Bakit di ka na lang dito? Kami nga ni Yusuke di pa kami nakakakuha ng exam sa university na gusto namin"

"Oportunity na din kasi yun, wag muna sanang sabihin sa iba, ikaw si Kuya Masaomi at Kuya Ukyo pa lang ang may alam" napatango na lang ako.

"Congrats Iori, sana ako din makapasok sa magandang University"

"Try mo sa Meiji University"

"Diba dun napasok si Subaru?"

"Oo, maganda din dun. Try nyo ni Yusuke dun."

"Sige, thanks sa payo" tumayo na ako "mauna ako sa baba ha, magluluto pa kasi ako" lalabas na sana ako ng yakapin ang nito.

"Alam mo ba kung anung meaning ng Blue Iris?" Tanong nito, umiling naman ako "It means...take care" humiwalay na ito sa yakap sa akin. "Mag ingat ka palagi"

"Thanks Iori" lumabas na ako ng kwarto nito. Bakit ganun? Pakiramdam ko mali ang meaning nun ah bahala na magluluto pa ako

.....

"Hindi ko nasabi sa kanya ang totoong meaning ni blue iris"

"Bakit nya binigyan ng blue iris si Psyche? It means I Love You..."

My Brother'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon