Chapter 8

2.4K 102 1
                                    

Nalilito na ako sa mga nangyayari sa bawat araw ng buhay ko...sino ba talaga ako at bakit iba ang pagmamahal ng mga kapatid ko...

★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆

After ng long holiday vacation balik school and work kami. Nakakatamad pa nga kasi nasanay ako na tanghali gumising.

Kaya eto tamad na tamad ako sa klase. Buti na lang at mabilis na lumipas ang oras, inintay ko lang ng saglit si Yusuke para sabay na kaming makauwi may bibilin din kasi kaming dalawa para sa project namin.

"Nga pala Psyche, nasabi ba sayo ni Kuya Masaomi yung tungkol sa pagbisita ng mga pinsan namin?" Napatingin naman ako kay Yusuke.

"Oo, yung mga Sakamaki yun diba?"

"Oo, anak sila ng twin sister ni Mama na si Tita Yuri. Mag ingat ka sa mga anak niya, ang balita ko masasama ang ugali ng mga yun"

"Salamat sa paalala, saan naman kaya sila titira pansamantala?"

"May bahay din naman sila dito sa Japan" nagpasok na kami sa isang bookstore.

"Yusuke, anong kukunin mong book?" Tanong ko habang naghahanap ng witch craft book

"Super naturals na lang siguro" sabi nito, tumango ako at kumuha ng libro, pagtayo ko may nabangga ako, agad akong humingi ng sorry.

"Be careful next time" kinilabutan naman ako sa sagot nung nakabangga ko, napatitig ako dito. Nakakatakot ang kulay berde nitong mata, para bang sinasabi nito na kamatayan. Yay

"Psyche anong--- Ayato?!" Gulat na sabi ni Yusuke, magkakilala sila?

"Yusuke, long time no see ah. Tumangkad ka na. " bigla namang yumakap yung lalaki kay Yusuke.

"Teka, kelan pa kayo karating dito? Andito na din ba si Raito?"

"Oo naman, andito na kami lahat. Dumating lang kami kahapon" tumingin naman ito sa akin at ngumiti ng nakakaloko, "Girlfriend mo?" Anito na ang tinutukoy ay ako, agad nanlaki ang mata ko

"O-oy Ayato, k-kapatid ko yan. Anak siya nung bagong asawa ni Mama" tiningnan lang ako nito.

"Cute. Nice to meet you. Im Ayato Sakamaki, 4th son, ka age ko si Iori "

"Nice to meet you din po, ako po si Psyche Daidouiji"

"Well mauna na ako, inaantay pa ako ni Shuu sa Mall, Ciao" at iniwan na kami ni Yusuke

"Nakakatakot siya " nasabi ko na lang habang pauwi na kami.

"Ganun talaga ang mga yun parang galit sa mundo. Actually anim lang silang magkakapatid"

"Talaga? Parang ayoko ng makilala yung lima, natatako ako"

"Haha no choice ka, kapatid ka na namin. Pero sasabihin ko na din yung pangalan nung iba."

"Hay, sige na nga"

"Ang eldest sa kanila ay si Shuu at ka age nya sina Tsubaki, tahimik ang isang iyon at laging inaantok. Second si Reiji, 24 na sya pero hilig nya icounter part si Azusa masungit naman ang isang yun"

"Remind me na wag lapitan ang Reiji na yun"

"Third ay si Subaru"

"Subaru? Kapangalan nya si Subaru?"

"Oo, nagpromise kasi si Mama at Tita Yuri na magkakaron sila ng anak na magkapangalan, magka age din sila ni Subaru halos pareho din sila ng ugali. Pang apat ng si Ayato, playboy yun ang lagi naman nyang kaaway sa bahay ay si Iori, well ingit sya sa famous image ni Iori."

"Parang Dark Prince si Ayato at Light Prince naman si Iori, ganun yun diba?"

"Ganun na nga, Pang lima si Raito ka age ko siya at masakit magsalita ang isang yun. At ang bunso sa kanila ay si Kanato na ka age ni Fuuto, kung masama na ang ugali ng kapatid kong iyon doble nun ang ugali ni Kanato na isip bata pa. Sa China sila nakatira"

Nawindang na ako sa mga nalaman ko, parang ayoko na tuloy makikilala ang magkakapatid na yun.

Pagdating namin sa bahay ay nag aral na ako dahil madami akong quiz at exams. Gagawa pa ako ng project. Argh ang dami naman.

Pagkatapos naming kumain ay nagpatuloy pa uli sa pag aaral, kailangan ko na din kasing pag handaan ang pagkuha ko ng exam sa Meiji University. Napatigil naman ako sa pagbabasa ng ng may kumatok sa kwarto ko agad ko namang binuksan at nakita ko si Kuya Ukyo na may dalang isang baso ng gatas.

"Naabala ba kita?" Tanong agad nito

"Hindi naman po, ano Kuya pede humingi ng tulong?" Tinanggap ko naman ang gatas na bigay nito.

"Oo naman, ano ba yon?" Pinapasok ko na siya sa kwarto ko.

"Nahihirapan kasi akong magmemorise at mag review, may technique ka ba para mapadali?" Tiningnan naman nito ang mga notes ko.

"Pag mga enumeration tandaan mo ang mga first letter, para di ka malito. Then sa math tandaan mo ang mga numeric numbers, signs, powers and coefficients. Sa english ang mga prounounciation, level, parts and figure of speech ang alamin mo. Dapat sa basic ka muna para mas madali mong makuha ang mahirap" namangha naman ako sa explanation nya.

"Thank you Kuya, pinadali mo ang pag aaral ko" at yumakap pa ako sa kanya na ikinagulat nito.

"Welcome, basta pag may problema ka sa studies tawagin mo lang ako" lumayo na ako sa pagkakayakap dito, tumayo na ito at naglakad palabas "Good Night"

"Good night Kuya" napangiti naman ako. Ang sarap magkaron ng Kuya na matalino.

◇◆♚◆◇♚◆◇♚◆◇♚◆◇♔◆◇♚◆◇♚◆◇♚◆◇♚

Kinabukasan nagulat kami ni Yusuke ng makita si Azusa sa school registar. May problema kaya?

"Bakit andito ka Kuya?" Tanong ni Yusuke, ang pormal pati ngayon nito.

"Busy kasi si Kuya Masaomi, Ukyo, Kaname at Hikaru. Si Tsubaki naman walang interest sa pag aayos ng files ng pagtatransfer" paliwanag nito habang inaadjust ang salamin sa mata.

Nagkatinginan naman kami ni Yusuke, transfer?

"Teka si Iori ba ang matatransfer? Pero nasa private school na sya at gagraduate na---" dina natapos ni Yusuke ang sasabihin

"Hindi si Iori ang magtatransfer kundi si--" bigla namang may tumigil na kotse sa tapat namin at bumaba dun si...

"FUUTO?!" gulat na tanong namin ni Yusuke. Naka uniform na din ito gaya sa school namin kaso pang junior yung kanya. Nagtitinginan na din ang ibang studyante, bakit nga naman hindi eh sikat na music idol ang batang ito

"Anong ginagawa mo dito?!!!!!!" Sigaw ni Yusuke dito

"Mag aaral na ako dito Kuya" mabait na sagot nito, syempre hindi ito pedeng umaktong masama ang ugali dahil may mga fans na nakatingin.

"Pero hindi ba't nasa same school kayo ni Iori? May privacy ka dun bilang artista, bakit biglaan ang paglipat mo sa public school? " tanong ko, tiningnan naman ako nito at ngumiti, lumapit pa nga ito.

"Nag aalala ka ba Ate? Gusto ko din kasing maranasan ang buhay dito. At ipagtatanggol nyo naman ako sa manghaharas sa akin" tapos may binulong pa ito sa akin. "Para lagi kitang nababantayan, baka may katangahan ka pa kasing gawin" at ngumiti uli ito. "Maiwan ko na kayo, may klase na din kasi ako, bye"

Naiwan kami ni Azusa at Yusuke na tulala, totoo ba to? Klaseng bago ako mag graduate magiging magulo ang high school life ko, argh.

My Brother'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon