With any part you play, there is a certain amount of yourself in it. There has to be, otherwise it's just not acting. It's lying...
♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚
Tuluyan ng lumakas ang ulan at lahat kami ay nasa sala para alamin ang balita tungkol sa bagyo. 8:57 na ng gabi at konting oras na lang ay tatama na ang bagyo, pero wala pa din si Louis.
Nasa bahay din si Kuya Hikaru at Kuya Natsume, pinilit sila ni Kuya Masaomi na doon dumiretso para makasiguradong ligtas sa bagyo.
Kinakabahan na ako para kay Louis, kanina pa namin ito tinanatawagan pero dahil sa lakas ng bagyo ay wala ng signal , kahit nga kuryente wala na tanging generator na ang nagpapailaw ng bahay namin.
"Kuya hahanapin ko na si Louis" sabi ko kay Kuya Masaomi.
"Ano bang pinagsasabi mo Psyche? Ang lakas na ng ulan at baka mapahamak ka lang" sabi sa akin ni Yusuke, tama ito baka makadagdag lang siya sa problema.
"Tama naman siya, kailangan na nating hanapin si Louis, malakas na ang bagyo at baka mapahamak siya. Pero Psyche di ka kasama sa maghahanap" sagot ni Kuya Masaomi at tumayo na. "Kaname, Hikaru, Natsume, Azusa at Tsubaki, sumama kayo sa akin sa paghahanap kay Louis. At Ukyo ikaw ng bahala sa iba" nagsipag tayuan na ang mga ito.
"Mag iingat lahat kayong lahat" sabi ko at tumango lang ang mga ito.
Napalingon ako kay Wataru na pinipigilang umiyak. Agad ko itong nilapitan at niyakap.
"Wag kang matakot, hahanapin nina Kuya si Louis" sabi ko dito. Yumakap lang din ito at tumango. Napatingin naman kami kay Kuya Ukyo ng tumayo ito.
"Magluluto lang ako para pagdating nila eh mainitan sila"
"Tulungan na kita Kuya "sabi ni Subaru at nagderetso na sa kusina ang mga ito.
Tahimik lang kaming mga natira sa sala, si Wataru ay tulog na sa kandungan ko. Samantalang si Fuuto ay tulala lang sa tabi ko.
"Magpahinga ka muna, sumandal ka sa akin" natigilan pa ito ng sandali pero agad na sumunod
"Ngayon ko lang gagawin to pero salamat." Sabi nito at nagumpisa ng pumikit. Umakyat naman sa kwarto nya si Iori, pero agad din namang bumalik at may dalang mga kumot at unan.
"Yusuke ilipat mo sa kabilang sofa si Wataru" utos ni Iori sa kapatid na agd namang sumunod. Binuhat nito ang kapatid at inihiga sa sofa at tsaka kinumutan, tumabi na din ito sa batang kapatid. Samantalang kinumutan ni Iori si Futo at tsaka tumabi sa akin at kinumutan din ako. Inayos ko naman ang higa ni Futo at inihiga ko sa kandungan ko.
"Alam kong natatakot ka din" sabi ni Iori, isinandal nito ang ulo ko sa balikat nito.
"Salamat Iori. Sana maging ligtas silang lahat" tumango naman ito, ako naman ay unti unti ng nakatulog.
Nagising ako ng marinig ang malakas na ulan, napatingin ako kay Iori na nakayakap sa akin at tahimik na natutulog. Napatingin ako sa orasan, 10:08 na ng gabi at kasagsagan na ng bagyo. Tumingin ako sa paligid at wala pang bakas na nagbalik na ang mga ito o kahit si Louis.
Dahan dahan akong umalis sa pagkayakap ni Iori pero nagising din ito.
"Saan ka pupunta?" Tanong nito.
"Magbabanyo lang ako. Ikaw muna ang pumwesto dito para kay Futo" kumilos naman agad ito.
Pagpasok ko ng banyo ay nag isip ako ng paraan kung paano makakatulong. Napatingin ako sa bintana. Sorry, pero kailangan ko ng tumulong.
Agad akong lumabas ng bahay gamit ang bintana. Wala man lang akong dalang payong, kaya heto basang basa ako. Napatigil naman ako sa paghahanap at nag isip kung saan maaring andun si Louis. Siguro wala na ito sa salon nito, baka tumuloy ito sa lugar na pede nitong silungan ng abutan ito ng ulan. Teka, nasabi nga pala nito sa akin na madalas itong pumunta ng park para alagaan ang mga squirel doon. Agad akong nagpunta ng park at madami ng puno ang napuputol. Mahamog na din kaya mahirap ng makita ang daan.
"Louis?! Asan ka?!" Sigaw ko, ang lakas na ng hangin at ulan. Napapunta na ako sa part kung asan nakatayo ang swing. Kaya nanlalabong kapaligiran ay nakita ko si Louis na nadaganan ng sanga ng puno. "Louis?!" Agad akong lumapit dito at pilit inaalis ang sanga, buong lakas kong inalis yun hanggang sa madulas pa ako at puro putik na ang katawan ko, pero sa awa naman ni Lord natanggal ko ang kahoy. "Hey Louis wake up." Tinampal tampal ko pa ang mukha nito, ohmygosh paano na to?! "Uy gising ka na please, Louis" pero di pa din ito nagising argh. Naghanap muna ako ng pede naming silungan. At tanging ang ilalim ng slide ang pede. Agad kong itinayo ito at hinila papunta doon.
"Gosh what to do now?!" Natatarantang sabi ko, niyakap ko agad si Louis ng humangin ng malakas at bumagsak ang mga puno sa lugar namin at naipit ang paa ko ng isang malaking sanga dina ako nakasigaw dahil sa sobrang takot, nastock na kami dito. Naiiyak na ako, madilim at nakakatakot ngayon. Naramdaman ko naman ang pag galaw ni Louis kaya tumingin ako dito.
"Chi? Anung ginagawa mo dito? Teka ang paa mo, aray" Agad na tanong nito, napahawak ito sa balikat nito na daganan kanina ng kahoy. Pinigilan ko itong kumilos.
"Hinanap ka syempre. Nag alala kaya ako ng sobra. May bagyo tapos wala ka pa. Wag mong alalahanin ang paa ko, ayos lang yan" ngumiti naman ito at ginulo ang buhok ko, pilit kong itinago ang sakit sa paa ko
"Masaya akong malaman na nag aalala ka sa akin. Akala ko yung ibang kapatid ko lang ang kaya mong pansinin" tapos may kinuha ito sa bulsa nito na maliit na device. "Tracker ito, pinagawa ito ni Natsume para sa aming lahat incase of emergency" pinindot nito ang pulang button dun.
"Ano ka ba naman, mahalaga kayong lahat sa akin." At hinalkan ko ulo nito.
"Pangako Chi, poprotektahan kita kahit saan. Ayokong masasaktan ka"tumango naman ako.
"Ipahinga mo muna ang sarili mo Louis. Intayin na lang natin sila" at ipinatong ko ang ulo nya sa lap ko. Kaagad naman itong nakatulog. Sana dumating na sila bago pa tuluyang mabali ang paa ko.
SOMEONE'S POV
"What?! Nawawala din si Psyche? Paanong nangyari yon?" Sigaw ni Kaname
"Magba-banyo lang kasi sya. Hindi ko naman akalain na tumakas sya." Sagot ni Iori habang nakatungo.
Kadadating lang ng mga naghahanap kay Louis pero di nila ito mahanap. Kaso di nila akalain na pati si Psyche ay nawala.
"Kumalma kayo, walang maitutulong ang pag aaway ngayon" sabi ni Masaomi.
"Teka Kuya, yung tracker ni Louis nahanap ko na" nagmamadaling lumapit si Natsume kay Masaomi. "I think sa park ang exact location"
"Tara na, kami na lang dalawa ni Natsume ang hahanap kay Louis at Psyche. And please wala ng aalis ng bahay" umalis na ang magkapatid. At walang nagawa ang ibang naiwan sa bahay kundi ang magdasal.
Pagdating ng dalawa sa park ay agad nilang hinanap ang kapatid.
"LOUIS?!" sigaw nila.
"Kuya!!! Andito kami sa slide" nagtaka naman ang dalawa ng boses ng dalaga ang sumagot. Pero tumakbo na sila papunta dun. Tinanggal nila ang mga sanga na na taob dun. Nakita nila si Louis na walang malay at si Psyche na nadaganan ng kahoy ang paa.
"Psyche, hold on" sabi ni Masaomi at tinanggal ang kahoy. Isinakay naman ni Natsume sa likod niya si Louis.
"B-buti dumating na kayo bago pa ak-- ma--" dina nito naituloy ang pagsasalita, binuhat na ni Masaomi ang dalaga at umalis na sa lugar...
BINABASA MO ANG
My Brother's
Fanfictionstory of 13 brother who fell in love with their step sisters.