Chapter12

496 11 0
                                    

ALMIRA

Sumakay ako ng taxi papuntang Address na ibinigay sakin ni Lena Noon. Address niya dito sa CA sa Daly City.

329 Lakeshire Drive Daly City.

Kaya kong mabuhay na wala si Anthon sakin, kaya ko.

****

Nakarating ako sa bahay niya. Ang laki pala nito. Wag na kayong mag taka na Si lena ang pinuntahan ko rito.

Madumi ang trabaho niya kaya Yumaman sa loob lang ng ilang.

Nga pala. 3 years na kaming kasal na ganun ang trato niya sakin pero hindi ko parin nagawang layasan siya noon, pero ngayon nagawa ko na. Mabubuhay ako ng Mag isa, mabubuhay ako na Nasa loob ko parin ang pag mamahal na yun. Pag mamahal na kahit kailan hindi niya pinahalagahan at sinuklian.

Nakakaramdam ako ng galit sa kanilang dalawa. Lolokohin ko lang ang sarili ko kung sabihin ko na hindi ako galit.

Mahirap intindihin, Para sakin ginawa niya lang akong permanenteng para-usan. Hindi niya ako mahal at tanggap ko yun.
...
Nag doorbell ako at agad naman na may nag bukas. Isang katulong na pilipina.

"Amm. Nanjan ba si Lena?"

"Si ma'am Magdalena po?"

Tumango ako.

"Saglit lang ho. Ano po bang pangalan niyo?"

"A-almira.. Almira Perez"

Pumasok siya sa loob. Maya maya pa ay may lumabas na babae na sobrang daming alahas.
Palagay ko ito na si Lena.

"Almira? Is that you?"

Maarte niyang sabi. Tumango naman ako. Tapos dinamba niya ako ng Yakap.

"O.m.g. buti at napadalaw ka. Bakit may maleta ka?"

Tanong niya.

"Umalis na kasi ako..."

"Dito kana tumira. Pasok ka"

Magiliw niyang sabi.

Nag kwentuhan lang kami sa konting bagay, Medyo iwas din ako tungkol kay Anthon at kung bakit.

Tinuro niya sakin yung kwarto na pansamantala kong tutulugan habang nasa kanila ako.

Sinabi niya din sakin na Patay na daw ang Asa-asawa niya at pinamanahan siya nito ng Maliit na bar sa Pilipinas at isa ding maliit na Kompanya dito.
Swerte siya kasi pinamanahan siya na walang kaagaw. Patay na daw yung dati nun asawa at wala silang anak. Walang ibang mag mamana kaya sakanya pinamana.

Inoferan niya din ako ng trabaho sa Maliit niyang kompanya bilang isang secretary at mag uumpisa na daw ako bukas.

....

Humiga ako at tumitig sa kisame.

Ano na kayang ginagawa ni Anthon ngayon? Hinahanap niya kaya ako?
Nag aalala ba siya sakin?
Sana 'Oo' sana hinahanap niya ko, sana inaalala niya ko, sana Mahal niya rin ako.

....

KINABUKASAN nag punta kami sa sinasabi niyang Kompanya. Medyo malaki naman ang kompanya niya, May mga stock holders na nag rereklamo daw sa pag papatakbo niya.
Food Industries pala kaso palugi na daw dahil hindi daw siya marunong gumawa ng pera at ang alam niya lang ay Gumasta.

Buti na lang at Tapos ako sa kursong Business Ad. Kaya medyo kaya pa.

Ang problema sakanila ay Yung mga product na hindi na mabili.
Kaya sinuggest ko kay lena na mag Bago na siya ng Product. Puro lang kasi Can goods , kaya pina try ko sakanya yung ibang Products like Chocolates,Instant Foods,and other na may kinalaman sa Pag kain.

Pag uwi namin.

"Grabe ka, buti naisip mo yun"

"Jusme ,Lena. May kinalaman sa Pagkain ang Kompanya mo noh, At tyaka hindi lang Can goods ang pagkain. Ikaw naman kasi."

"Oo na. Buti na lang at nanjan ka. Ang hirap pala talaga gumawa ng Pera." Lena

"Lena . Lahat pinag hihirapan"

"Pati sa pag limot sa Hayop mong asawa?"

Hindi ko siya sinagot. Siguro nga. Siguro pag hihirapan ko pa tanggalin ang lahat ng sakit at lahat ng sugat na ginawa niya sakin .

Lust not Love (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon