Umalis na ako Baka Kung Ano pang gawin Nila. Delikado na..Napalinga linga nama ako sa paligid.
Saka napakamot ng ulo.
"Awit. Hindi ko alam Kung saan ang daan palabas dito." Mahinang wika ko ng malalang Hindi ko pala alam ang daanan dito sa palasyo ng Pandora.
Hinihiling ko naman na Sana ay May dumaan na katulong para naman may matanungan ako.
At Mukhang napakabait talaga sakin ni lord Dahil Habang naglalakad at patingin tingin sa gilid ay may natamaan akong katulong na nag pupunas ng mga antique na naka display sa mga corridor.
Nilapitan ko naman Ito saka ako tumikhim.
Napabuntong naman Ito saka dahan dahang lumingon sa gilid niy aking saan naroroon ako.
Napa atras naman Ito saka napahawak sa dibdib Habang gulat na nakatingin sakin.
"Ma-mahal na prinsesa!" Gulat na wika niya ng makita ang mukha ko.
Nginitian ko naman Ito ng mahinhin.
"Hi! Pwede po bang magtanong?" Mabagal Kong wika, para naman mag mukha akong mahinhin.
Tumayo naman ang katulong saka pinagpagan ang palda na lagpas sakanyang tuhod saka Ito yumuko.
"Pwede ho mahal na prinsesa." Magalang niyang wika.
Napangiti naman ako.
Goods..
"Well... I think nawawala po ako. I don't know where to go. Hinahanap ko po kasi si renren." Mahinhin Kong wika.
Napakurap naman ang katulong sa sinabi ko.
"Close po kayo ni renren? Mahal na prinsesa?" Tumango naman ako sakanya Habang nakangiti.
"Opo." Magalang Kong sagot.
Napakagat naman siya ng labi saka ako nginitian.
"Hali po kayo mahal na prinsesa. Ihahatid ko po kayo." Suhestyo niya na tinanguan ko naman.
"Thank you." Masaya Kong pasasalamat.
Nginitian naman niya ako saka nahihiyang Napa ayos sa suot Dahil medyo marumi at lukot lukot na iyon.
"Walang anuman po mahal na prinsesa." I chuckled.
Gulat naman ako nitong tinignan.
"You can call me. Elliza po. What's your name by the way?" Kunot noo ko ng tanong.
Tumikhim naman siya saka ngumiti sakin.
"Ta-talaga po? Pwede? Hindi po ba bawal?" Nautal niyang wika bahagya pang Napangiti ang labi nito.
Masaya naman akong ngumiti at tumango.
"Pwedeng pwede po. I am giving you the rights to call me by my name." Wika ko.
Napatalon naman siya saka masaya akong tinignan.
"Naku mahal na-- ay elliza hija! Napakabait mo talaga! Ako nga pala si ate glen!" Masaya niyang wika,
Napangiti naman ako,saka inabot ang kamay niyang medyo,madumi saka Ito shineyk.
Gulat namang tinignan ni ate glen ang kamay Kong naka hawak sa kamay niya saka ako nag angat ng tingin sakin.
"Elliza! Naku marumi ang kamay ko!" Taranta nitong wika saka marahan na tinanggal ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
Napatawa naman ako.
"It's fine ate glen. Hindi naman po ako maarte e." Wika ko.
Napangiti naman siya uli.
"Anyway lead the way po ate glen." Wika ko.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As The Two King's Fiancé (ON-GOING)
AbenteuerWARNING! Read IF YOU WANT POLY STORY BE WARE! AND BE READY HAKHAKHAK! Also don't try to comment some toxic words I won't tolerate it. Kung magbabasa. Go.. Kung May sasabihin ka na baka ma misunderstand ko manahimik ka nalang. If u are disgust on my...