K A B A N A T A 1 ( P H I L I P P I N E S )

355 7 0
                                    

Kabanata 1

S O M E O N E   P O I N T  O F  V I E W

NANG inanunsiyo ng piloto na lalapag na ang eroplanong sinasakyan ko ay kinuha ko na ang bag ko.

Honestly, ayaw kong umuwi ng Pilipinas.

Sa tuwing nandito ako ay naalala ko lang si daddy. Pinilit ako ni mom na umuwi. Miss na miss na kasi niya ako. Kaya napapayag niya akong umuwi.

Natanaw ko sila mommy and Tito Leo outside the airport.  Kumaway si mom ng makita ako. Hindi na ito makapagpigil at siya na mismo ang lumapit sa akin.

"Sweetie. I miss you so much!" Sabik na sabik na wika ni mommy ng yumakap siya saakin.

I hug her back.

I missed this hug of her.

"I miss you too, mom." Bahagya niyang niluwagan ang pagkakayakap sakin pero hindi parin siya bumibitaw.

"Dalaga na ang baby Dianne ko." Malambing na sabi nito, hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"Mommy. I'm not a baby anymore." I said.

Natawa siya sa sinabi ko. She knows that I hate calling me a baby. It feels me cringe.

"Namiss talaga kita, sweetie." Emosyonal na wika uli nito.

Tipid akong napangiti. Lumipat ang tingin ko kay Tito Leo na pinagmasdan lang kaming mag-ina.

He smiled at me when he saw me looking at him.

"Hi Tito. How are you?" I said.

"I'm good hija. How's your study abroad?" He asked with a smile on his face.

"As usual Tito. Tired and stressed from studying just to maintain my grades. Pinagsabay pa ng work."

"Sinabi ko naman saiyo sweetie na kami na ang bahala sa financial needs mo." Si mommy.

Nahihiya ako sa kanila ni Tito humingi.

"Mom I can do it myself." Tugon ko.

Hindi na sila nagsalita. They know na hindi nila ako mapipilit.

Tito Leo is a businessman and also a good husband to my mother. He's a gentleman and also caring. Bonus na ang good looking niya. I heard he have a child, ang kaniyang asawa ay matagal nang pumanaw. Like my mom, iniwan narin kami ni daddy because of car accident. Walong gulang ako ng namatay siya.

Hindi ako tutol sa relasyon nila mom and Tito Leonardo because I saw my mom happy with him and they truly love each other.

"Let's go home na honey para makapahinga na to si Dianne, alam kong pagod ito sa byahe" baling ni mom kay Tito Leonardo.

Lumapit si Tito sa compartment para ilagay ang mga maleta ko at sumakay na kami ni mommy sa sasakyan.

Dahil siguro sa pagod ay kusa ng pumikit ang mga mata ko.

Naalimpungatan ako nang maramdaman na may humaplos sa pisngi ko. Paunti-unti kong minulat ang mga mata at bumungad sa akin ang nakangiti na si mommy.

"Wake up sweetie! nandito na tayo sa bahay ng Tito Leo mo." Malambing na wika ni mommy.

Inalayan pa ako ni mom palabas ng sasakyan. Napatingin ako sa bahay ni Tito. Namangha ako sa laki. Hindi ito bahay lang, isang malaking mansion na parang pang maharlika.

Mas malaki pa ito sa bahay namin dati. Ang ganda rin ng nasa paligid.

"Welcome to our home hija," nakangiting Sabi ni Tito. " Let's go inside and I want you meet your soon to be siblings."

Pumasok na kami, I was amazed ng makita ang loob ng mansion kung gaano kagada sa labas ay sobra naman kaganda at kakintab ng kagamitan sa loob.

Maraming nakahilerang nakayukong mga katulong at sabay na bumati saamin.

T H I R D  P E R S O N P O I N T O F V I E W

Hindi maiwasan ng mga katulong ang mamangha sa angking ganda ng anak ng kanilang amo na babae. Parang Sinalo na nito ang kaputian at kagandahan.

'Ang ganda nya'


'Para syang anghel'


'Dyosa'


'Kyaaaaa!! Ang puti'



Ilan lang iyan sa mga isip ng katulong.

D I A N N E P O I N T O F V I E W

"Manang silya!" Tawag ni Tito Leonardo. Lumapit saamin ang isang matandang babae sa pustora palang ay mukhang siya ang mayordoma ng mansion.

"Umuwi na ba dito si luthor?" Tanong ni Tito sa matanda.

Luthor? Isa sa mga anak siguro ni Tito.

"Hindi pa umuwi dito si señorito" sagot ng matanda. bumuntong hininga nalang si tito Leonardo.

"By the way manang. Ito pala si Dianne Reese De Cervantes." Ipinakilala ako ni Tito sa matanda. Tipid akong ngumiti sa kaniya.

"Kay gandang bata. Mana sa ina." Usal nito.

Napatawa si mommy sa tabi ko.

"Ako nga pala si manang silya ang mayordoma dito sa mansion." Pakilala niya saakin.

Hindi nga ako nagkamali na siya ay mayordoma.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Masaya kaming nagkwekwentuhan nila mom at Tito. Kinwento ko sakanila ang karanasan na mag isa sa states.

Nahinto lang ang pag-uusap namin ng may lumapit na magkambal na bata, isang babae at lalaki. Sa tingin ko nasa 5 or 6 years old sila. Kasama nito ang yaya. Yumakap sila pareho kila mom and Tito.

"Mommy!! Daddy!!" Masayang bati nila.

"Hello babies! How's your day? Hindi ba kayo nagpapasaway dito" malambing na wika ni mom. Umiling sila at ngumuso. Ang cute! Bumaling sila sa akin.

"Who is she mommy ?" Tanong ng batang babae.

"Mga babies, she is the daughter of your tita mom" saad ni tito sa kanyang mga anak. Yumuko ako sa kanila.

"Hello! I'm Dianne Reese you can call me ate anne." Malambing na pakilala ko."ano name niyo?" nakangiti kong tanong sa kanila.

Ang umunang nagpakilala sakanila ay ang batang lalaki.

"My name is Laurence. I'm six years old." Bibong pakilala nito habang ipinakita niya pa saakin ang mga daliri.

"Your so cute " Hindi ko napigilan na kurutin ang pisngi niya, bumungisngis sya. Kaya napatawa ako. Tumingin ako sa batang babae.

"I'm Lorraine Gail" pakilala nya. Na hindi makatingin sa akin.

Sinamahan ako ng katulong ni Tito sa magiging kwarto ko. We stopped walking infront in the door.

"Dito na po ang magiging kwarto nyo senorita, kung may kailangan po kayo tawagan nyo nalang po kami" magalang na sabi ng katulong. 

siya na ang nagbukas ng pintuan, pagkatapos ay nagpaalam na sya saakin. pumasok na ako. Bumungad sa akin ang kulay purple na mga wall na may design pa na Galaxy sa kisame.

Namangha naman ako nang makitang paborito kong kulay ang pintura nito.May queen-size bed, mayroon ring lampshade at mini table. Halos lahat ng kailangan ko ay meron na sa kwartong to. Nandito narin ang mga luggage ko.

Nagpalit mo na ako ng damit pantulog, pagkatapos ay humiga sa kama. Nakatingin lang ako sa kisame.

I pray first bago ako matulog, pinikit ko na ang aking mata at unti unti nako nilamon  ng antok.

Date published: August 16, 2024

Please follow, vote and comment😊

My Step Brother ObsessionWhere stories live. Discover now