Ex ni Bestfriend

350 18 3
                                    

Masakit pa lang maipit sa isang sitwasyon na parehong mahalaga sayo yung mga taong involve.

Ano nga bang dapat kong gawin?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
May 1, 2014

Ang araw kung saan ko siya nakita. Nung una pa lang kakaiba na talaga yung naramdaman ko, it something new sa'kin. Naglaro lang kami sa ilog hanggang sa matapos ang tromba.

Ilang araw simulan nun nabalitaan ko na lang na niligawan niya yung bestfriend ko, syempre as bestfriend sinupport ko na lang sila. Naging magkaibigan kaming dalawa at masasabing mabait at maalaga talaga siya.

Ilang buwan pa yung lumipas nalaman ko na lang na wala na sila ng bestfriend ko, nagulat nga ko ng hindi man lang umiyak bestfriend ko eh yun pala may bago na siya.

Nang dahil dun mas naging close pa kaming dalawa ni James (ex ni Bestfriend) kasi nagkakaintindihan kami sa mga bagay-bagay hanggang sa isang beses nun umamin siya sa kin na gusto niya ko. Ewan ko pero sobrang saya ko nun tinanong niya ko kung pwede daw manligaw papayag na dapat ako kaso naisip ko yung bestfriend ko kaya hindi ko inentertain.

May 1, 2015

Kagaya ng nakagawian sa ilog kami para manuod ng Tromba. Dahil nga sa close kami ni James ay ako lang yung kinakausap niya kaya medyo inasar kaming dalawa inaamin kong kinilig ako nun pero naalala ko na naman si Bestfriend andyan nga lang pala siya sa tabi namin.

Ilang araw after nung sa ilog nalaman ko kay Bestfriend na nakikipagbalikan sa kanya si James, hindi man lang ako nainform ni James para naman nahanda ko yung puso ko. Masakit kasi akala ko ako na tapos naalala ko si Bestfriend siya nga pala talaga.

May 23, 2015

Kahapon lang naglaro sila James ng basketball syempre nanuod kami bilang ever supportive na kaibigan at kasama ko si Bestfriend. Todo cheer ako hanggang mapaos ako kaso naalala ko nandito nga pala si bestfriend.

Masakit, sobrang sakit. Mahal ko si James eh kaso mahal ko din si bestfriend. Anong gagawin ko? Ngayon lang ako nagmahal ng ganto, ngayon ko lang naramdaman yung gantong feeling.

Paano kung nagkabalikan Sila? Paano na Ako?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sorry putol yung ending kasi kahit ako hindi ko alam ang sagot. Masakit kasi eh! ~Ate Dhanie

Comment kayo ng pwede kong gawin. XD Salamat! :D

InLove Ako sa Ex ni Bestfriend (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon