Chapter 1

122 30 3
                                    

Jessica Vailarie Louisville Point Of View

Ilang buwan na ang makalipas simula ng maghiwalay kami ng ex kong si Zach pero hindi parin mawala sa isip ko ang huli nyang sinabi bago siya umalis.

"You'll regret it, I'll make sure that you're only mine". Huling sabi nito bago tumalikod at umalis.

Nagising ako sa ulirat ng biglang nag ring phone ko at sinagot ko ito. "Oy, Jess, Sama ka overnight, please?" Saad nito sa kabilang linya.

Nakahinga ako ng malalim dahil si Vienna lang pala ito. "Oo naman, ligo lang ako saglit." Saad ko. Agad kong kinuha ang towel ko at pumasok sa banyo.

Pagkatapos kong maligo ay dali dali na akong nagbihis at sumakay ng taxi papunta sa bahay nila Vienna.

Pagkarating ko sa bahay nila Vienna ay nandun din pala ang isa pa naming kaibigan na si Janeth. "Uy bes tara pasok ka" Saad ni Vienna.

Nandun din ang nanay ni Vienna at binigyan na kami ng hapunan habang kumakain kami ay may nag text sa akin kaya tinignan ko muna ito.

"Unknown?" Tanong ko sa isip ko, wala naman akong magawa kaya tinap ko ito at binasa.

"I can see you" Nagulat naman ako at nag palingon-lingon habang kinakabahan ngunit wala naman akong makita.

"Bes? Ayos ka lang ba?" Biglaang tanong sa akin ni Janeth. "Ah, oo naman, ayos lang ako" Saad ko.

At pag katapos naming kumain ay pumunta na kami sa kwarto ni Vienna dahil dun kami matutulog.

"Bes nood tayo horror!" Excited na aya sa amin ni Janeth. "S-sege ba" pagsang-ayon ko. Shit! Nautal pa!

"Kuha lang ako ng popcorn para feel naman nating nasa cinema tayo!" Pagpresenta ni Vienna habang natatawa. Napailing-iling naman akong nakangiti dahil sa kalukuhan ng dalawa.

Habang nanood kami ay di'ko namalayang alas dos na pala ng madaling araw at mukang ang himbing na ng tulog nung dalawa kaya naman bumangon ako at bumaba dahil nasa baba ang cr nila Vienna dahil kanina pa ako naiihi pagkababa ko ay nakapatay ang ilaw kaya binuksan ko ito pero bigla akong nagulat ng makita ko si...

REPUBLISHED.

Maxwell's Obsession Series 2: My Ex Boyfriend Is Obsessed On MeWhere stories live. Discover now