kabanata 3

0 0 0
                                    

Sorry

"Rowan bilisan mo ang pagiinsayo mo" sigaw ng couch ko sa running, tinapos ko ang jumping jacks at paunang practice

ramdam kong may iilang mga katungkalik akong seryuso na agad sa practice makuha lang ang posisyon na iyon at makabingwit ng medalya... kaya naman sa susunod na araw ay magaganap na yung pinakahihintay namin ni mace

penosisyon ko ang katawan ko sa pagtakbo para sa insayo para sa gaganapin sa intramurals, huminga ako ng malalim at ang kaliwang paa nasa guhit ng finish line maging ang aking kamay ay nakaposisyon iyon sa hangin

Ng tumonog ang pito ay dali dali akong tumakbo sa daan

May iilang nag che-cheer sa amin, may nadaan akong mga estudyante na nakatayo sa patway at kumakain sila ng snacks

May mga teacher na nakapayong para tingnan kami

"Booo" mga sigaw ng iilang estudyante

"Talo na yan"

"Go.. Rowan, kaya mo yan" rinig kong sigaw ni mace sa akin

Mabilis akong tumakbo at posisyon ng kamay ko sa hangin at binilisan pa lalo ang paghakbang ng mga paa at lumiko ako sa pa oblong na hugis ng takbohan namin

May lalaking naunahan ako pero sinikap kong maabutan siya

sa isang bench may naaninag ang mata ko doon, isang lalaking mariin ang tingin sa akin at nakakross ang mga kamay nito sa dibdib, medyo mahingin kaya Sumabay na gumalaw ang buhok niya doon, naka tree fourth siya at khaki pants at may salamin na parisukat sa mata niya

Napatayo siya ng tuwid at kumunot ang noo niya

"Rowan bilis" sigaw ni mace sa malayo

"Talo kana rowan" pangungotya ng isang babaeng naunahan ako sa pagtakbo

binalik ko ang tingin ko kay suhan na naabutan kong umiiling sa banda ko at umalis

hindi na ako tumakbo ng mabilis at lakad takbo na lang ang ginawa ko para makarating muli sa finish line

"Ayus lang yan, practice pa lang naman, bawi kayo kapag nasa intrams games na" saad ng couch namin at umalis na sa oval

huminga ako ng malalim bago na upo sa bermuda grass

"Rowan" tawag ng isang lalaki

Nilingon ko iyon kumunot ang noo ko bago bumaba ang tingin ko sa panyo na nasa ere habang inaabot niya

"Baka kailangan mo" aniya at ngumiti ito

"hmm? Kanino galing?" Tanong ko

Kumonot ang noo niya bago ako sinagot "sa akin" ngumiti siya ng pilit
Isang chinitong lalaki ang umaabot sa akin ng panyo

tinanggap ko iyon at "sino ka nga pala?" humakbang siya at nilapitan ako

"Ako nga pala si Henry" pakilala niya sa akin bago inabot ang kamay niya sa akin

"Rowan" nagkamayan kami

Hindi ko siya kilala.. oo.. lahat ng estudyante na lalaki dito hindi ko talaga kilala

"Sowan" sigaw ni mace habang tumatakbo palapit sa amin kaya bumitaw na ako

tumigil siya ng nasa tapat na namin at inabotan ako ng isang mineral water, tinanggap ko iyon ng walang pagaalinlangan

"Sino yan? Bago mong kaibigan?" Aniya umiling ako

tumawa lang si Henry at napakamot ito sa ulo

"Kung pwede sana, kay rowan at sayo mace, bakit hindi" nahihiyang tumatawa si henry sa amin

I LOVE YOU, KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon