Good
tumagilid ang ulo ko sabay din ang ulo ni mace sa hamba ng pintuan namin habang tanaw tanaw namin sina kuya sa kalsada kausap iyong lalaking naliligaw
hindi ko naman alam ang pinaguusapan nila dahil ang layo nila sa amin mga labing lima pang hakbang ng paa para makaabot kami sa kanilang dalawa
Pinaalis kasi kami ni kuya kanina at siya na raw ang kakausap rito alam kong aapela doon si mace sa sinabi ni kuya pero hinila kona papasok muli sa bahay namin
Nakita kong tumango iyong lalaki at may tinuro si kuya banda sa may kabahayan, malimit lang kasing dumadaan ang jeep dito sa amin madalas ay trcycle lang, nakita ko ang paparating na trcycle at tumango at tinapik nong lalaki ang balikat ni kuya habang dahang dahan naman nong lalaking hinihila niya ang kanyang maleta
Pinasok nong lalaki ang luggage niya sa loob at lumabas muli para doon maupo sa likod ng driver, hanggan sa tuloyan na itong umalis sa harap ni kuya
nagkatingin kami ni mace bago lumabas sa pintong nakabukas at sinasalubong siyang pabalik sa bahay namin
"Ano kaya ang pinagusapan nila?" tanong ni mace
nagkibit ako ng balikat at tiningnan ko kong paano ni kuyang sarhan iyong tarangkahan habang nakatayo kami ni mace sa teraplen
"Ano kuya?" natigilan si kuyang ihakbang ang paa niya sa hagdan
"Anong pinagusapan ninyo?"
"Bakit daw hinahanap iyong hacienda?" Sabat ni mace
Pabalik balik ang mata ni kuya sa amin ni mace
"he's not available—" natigilan siya ng makita niyang kumunot ang noo ko "what?" aniya sa akin at humakbang na siya ng dahang dahan at nilapag sa tabi ng rattan table ang piko sa gilid non at malapit sa pinto
"Ano raw ang ipinunta niyon dito? Bakit? niya hinahanap iyong hacienda?"
"Bakit? Sino raw iyon Iñigo?" Si mace
"Kuya hindi Iñigo lang" sa mababang boses nito at tinitingnan si mace
"Ano nga kasi iyon? Sino naman iyon? Mukhang anak mayaman ah, sarap maging suggar daddy—"
"Macedonia" siniko ko siya, ngumisi lang siya doon na parang aso
"May hinahanap siyang hacienda doon daw nakatira ang kaibigan niya" anito
kumunot ang noo ko may itatanong pa sana ako sa kanya pero pumasok na siya sa kabahayan ng dire-diretso
"Nagtatanong pa nga e pumasok agad akala mo naman lalandiin natin" utal utal ni mace sa gilid ko
Umiling ako bago pumasok kaya lang pinigil niya ako
"Bakit?"
"Mukhang may tinatago ang kuya mo" bulong niya sa akin
"Paano mo naman na sabi na may tinatago? Doon ba sa lalaki?"
tumango siya ng dahan dahang
"Alam mong may feeling akong hindi niya sa atin sinasabi"
Kaya bago ako natulog sa gabing iyon ay kinumporta ko si kuya agad dahil hindi ako mapakali sa sinabi ni mace sa akin
Kumatok ako ng isang beses sa pinto niya at umawang iyon agad sa maliit na bukas na pinto
pumasok ako at
"Kuya?" tawag ko sa kaniya pero walang sumagot kaya isang hakbang pa at tawag kay "kuya" kaya lang walang sumagot kundi' ay mga tunog tubig ng gripo ang naririnig ko sa loob ng kanyang banyo
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU, Kuya
Ficțiune adolescențiThis is still on going story, please wait till my update ends..#graciaseveryone:)