Miracle Katherine’s Point of View
I am wearing our school uniform while standing in front of my human-sized mirror inside of my room. Nakalipas na ang kahapon at papasok na ulit kami sa school. Today’s also our long quiz and I’m prepared for it since nag-review naman na ako kagabi.I made sure last night that I have reviewed everything as I also did take it for a few times. Inulit-ulit ‘ko pa ang pagbabasa at pag-intindi sa mga aralin namin after I’ve decided na ayusin na ang mga gamit ‘ko.
I don’t want to be punished again kaya naman inayos ‘ko na ng mabuti ang mga gamit ‘ko miski na ang mga damit ‘ko. My mother checks my room everyday para malaman kung ano na bang ginagawa ‘ko rito sa kwarto ‘ko. She’ll say her opinion and I’ll follow what she wants me to do with my room.
Minsan pinapaayos nya ang pagsalansan ‘ko ng mga libro ‘ko. Sometimes pinapaayos nya ang mga damit ‘ko sa closet ‘cause sometimes I didn’t noticed na nawawala na pala sa ayos ang mga nasa closet ‘ko. Ganyan si Mommy para masiguro na nasa maayos ang lahat at sinusunod ‘ko ang mga itinuturo nila sa akin.
After I look at the mirror, nakita ‘ko namang maayos na nakasuot sa akin ang uniform namin. It’s a white shirt with a black big thin ribbon in it and a gray skirt above the knee. It is partnered with a long black socks up to the knee with a three white stripes in its top. May logo rin ito ng school namin sa may left part ng shirt.
It looks cute though masyadong maiksi ‘yung skirt namin. Pero sa tagal ‘ko naman na, na nag-aaral sa Emerson University ay sanay na ako sa ganitong uniform. My Mommy also buy me clothes that is too short or let’s say na medyo maikli talaga. She says that it looks good on me pero minsan ay naiilang ako magsuot ng ganon.
Little did they know that I have my secret clothes here na tanging si Kuya at Apple lang ang nakakaalam. I have my secret place here na syang pinagtataguan ‘ko ng mga damit na binibili namin nina Kuya at Apple. Though I can’t wear it often even I’m just in our house dahil magagalit si Mommy once na makita nya ako na nakasuot ng ganon.
The clothes I’m referring to is mga oversized shirts and shorts. I preferred those kinds of clothes kaysa sa mga binibili nina Mommy. Pero, hindi ‘ko rin naman sinasabi sa kanila dahil baka magtampo si Mommy sa akin.
“Miracle? Tara na” Napalingon ako sa may pintuan at nakita si Kuya Arnold na nakasandal sa hamba nito
He’s wearing also our uniform. A white shirt and a necktie, partnered with a gray colored pants tulad ng kulay ng palda ‘ko. Bagay sa kanya ‘yung suot nya since matangkad din naman si Kuya.
“Kukunin ‘ko nalang ‘yung bag ‘ko” Paalam ‘ko sa kanya na tinanguan naman nya
Naglakad na ako papalapit sa bag ‘ko na nasa kama ‘ko at sinakbit na ito. Diretso school na kami after naming lumabas ng kwarto ‘ko dahil nakakain naman na kami kanina. But, I think I’m hungry again. Maybe I’ll just buy at the cafeteria later after we got to arrive in school.
“Kuya may—”
*brizz*
Naputol ang dapat ay sasabihin ‘ko kay Kuya nang marinig ‘kong mag-vibrate ang cellphone ‘ko. Napakunot-noo naman ako at nagtaka dahil wala naman akong inaasahan na magme-message sa’kin ngayon. I don’t think it’s Apple since sigurado namang nasa school na ‘yon ngayon at hinihintay ako.Apple knows my schedule of when to arrive in school dahil palagi naman syang nauuna sa akin. She’ll be surely waiting at the bench behind the hall. ‘Yung lugar na pinuntahan ‘ko noong gabi ng party.
“Sino ‘yun?” Tanong ni Kuya na narinig din siguro ang pag-vibrate ng cellphone ‘ko dahil medyo malakas ‘yon
“Hmm, mamaya ‘ko na titignan. Baka si Apple lang ‘yon” I answered him and started to walk pass him
![](https://img.wattpad.com/cover/334392634-288-k239354.jpg)
BINABASA MO ANG
Making Mistakes
TienerfictiePeoples tend to make some mistakes, but for Miracle Katherine, it symbolizes her death. A maiden who grew up in a perfectionist family met this oh-so-famous guitarist of their school band. A maiden who acts like royal princess and a guy who loves mu...