Prologue:
“Miracle!” Rinig ‘ko ang boses ni Apple mula sa malayo na nanggagaling sa kumpulan ng mga tao
“Apple!” Sigaw ‘ko para naman marinig nya na hinahanap ‘ko sya
Well, if ever she heard of my voice dahil sa sobrang ingay dito sa hall ngayon. Kanina ‘ko pa kasi hinahanap ‘yung kaibigan ‘ko na ‘yon. Usapan kasi namin ay magkikita kami sa entrance nitong school namin kaso ang sabi nya sa text nya kanina ay nauna na daw sya dito sa loob ng hall.
Sinubukan ‘ko pa syang tawagan kanina na sinagot naman nya, kaso hindi naman kami magkarinigang dalawa. Napagdesisyunan ‘ko nalang na hanapin sya kaso heto at sobrang dami na pala ng tao dito. Buti na nga lang at kasama ‘ko si Kuya ‘ko ngayon kaso bigla nalang nawala sa tabi ‘ko.
“Kuya?” Pagtawag ‘ko sa kanya pero wala akong narinig na sagot dahil siguro sa mga tao
Halos hindi na nga rin ako makagalaw sa pwesto ‘ko dahil siksikan nga ang mga tao at nabubunggo nila ako. Puro pa sila nagsisigawan at sumasabay sa tugtog ng banda ng school namin na tumutugtog ngayon.
May event kasi ang school namin ngayon. Nangyayari ang ganito everytime na mananalo ang school namin sa mga contests na sinasalihan namin. It’ like a celebration for winning at para na rin makapagsaya ang mga estudyante.
My plan for tonight isn’t this kind of stuff. My plan really is to stay at our quite home, read my books at my room, and study my lessons for tomorrow like what I usually do. Kaso, my plan was ruined nang tawagan ako ni Apple at niyaya akong pumunta dito para kahit saglit lang naman daw ay makapagpahinga ako sa pag-aaral.
What’s wrong in studying eh nakakatulong naman ‘yon sa akin. Kaso pumayag na rin ako kesa magtampo pa sya sa’kin dahil ilang beses na daw akong tumatanggi sa kanya, well always pala.
Actually, hindi rin dapat ako makakapunta ngayong gabi if my brother wasn’t there to help me. Nagpaalam ako kina Mommy at Daddy a while ago and they said ‘no’ with finality. Pero, bilang andyan si Kuya ay pinayagan nila ako just to promise na mape-perfect ‘ko ang long quiz namin for the next day after tomorrow. Bukod do’n, dapat ay hindi din ako gagawa ng kahit na anong kahihiyan.
Wala naman pati kasi kaming pasok bukas kaya naman malakas ang loob ng mga estudyant na magpuyat ngayong gabi, except me that I should be asleep by this time of the night. Kaso, heto naman ako sa school to enjoy na magagawa ‘ko naman kaya?
“Miracle, andyan ka pala” Napalingon ako sa gilid ‘ko nang may biglang sumulpot at napangiti nalang ako ng kusa nang makitang si Kuya Arnold ito
“Kuya, bigla ka nalang nawawala” Reklamo ‘ko sa kanya
“Ano?” Medyo malakas nyang sabi dahil sa lakas ng sounds
“Wala, sabi ‘ko bigla kang nawawala” Lumapit pa ako sa may tenga nya para sabihin ‘yan
My voice couldn’t be heard dahil sa lakas ng sounds. Hindi rin naman kasi malakas ang boses ‘ko dahil pangit naman kung sisigaw ako tulad nila. I don’t want to embarrass my family na ganito ang anak nila.
“Oh, sorry. May mga humarang kasi kaya ‘di kita nakita” Paliwanag nya, “By the way, stay here para hindi ka na mawala. Hahanapin ‘ko nalang si Apple, okay?” Tumango nalang ako sa kanya nang sabihin nya ‘yon
I watched how Kuya Arnold vanished to the crowd. Nang makaalis na si Kuya ay umupo muna ako doon sa may gilid medyo malayo sa mga tao. Masyado na kasi silang maingay at magulo. Para na silang mga hindi naturuan ng manners, parang mga nakawala sa hawla na mga hayop.
Ganun ba talaga kapagka malaya ka? I mean ganito ba talaga ang paraan para magsaya? They are all like wild party people. Mga nagwawala, sumisigaw, nagsisiksikan, at nagtutulakan pa. Aren’t they supposed to be more better than this?
I mean, aren’t celebrations like this should be more peaceful and calm? Lahat ng parties na napuntahan ‘ko ay mga kalmado ang mga tao. There are musics too but not this too loud. Wala nga ring mga tao na kung magsuot ay parang nasa bahay lang. This party is way too far than yhe parties that I attended and I know.
Napabuntong-hininga nalang ako at pinagmasdan ang mga tao sa paligid ‘ko. Maybe this is how they relax, a way too far than how I relax. Maybe this is how they do celebrations and parties, a way too far than I know.
“Mircale!” I heard Apple’s voice not so far from me
Nilingon-lingon ‘ko ang paligid ‘ko at kusa akong napangiti nang matanaw ‘ko na si Apple kasa si Kuya Arnold.
“Bakit mo naman ako hindi inintay sa may entrance?” Bungad ‘kong tanong sa kanya pagkalapit nya sa pwesto ‘ko
“Kasama mo naman si Kuya mo, tsaka kyaaah!” Agad syang kumapit sa braso ‘ko at inalog-alog pa ako matapos nyang magpaliwanag at tumili
“Apple, baka naman mahilo na si Miracle nyan!” Natatawa pero suway ni Kuya Arnold kay Apple
“Hala, sorry!” Bigla namang napabitaw si Apple sa’kin, natauhan na ata
Natawa na rin ako sa kanya sabay hawak sa may ulo ‘ko. Tama si Kuya, medyo nahilo nga ako don.
“Dahan-dahan ka naman, Apple. My sister isn’t fond of interactions like that” Malumanay na sambit ni Kuya saka dahan-dahang hinilot ang sintido ‘ko
Medyo nawala-wala naman ‘yung hilo ‘ko sa ginawa ni Kuya. Iniling-iling ‘ko naman ang ulo ‘ko para mawala-wala ‘yung hilo ‘ko pero mukhang masyado atang nadagdagan.
“Miracle naman! Mas lalo kang mahihilo nyan!” Sita sa’kin ni Apple saka pinirmi ang ulo ‘ko
“Inaantok ka na ba? Medyo mapungay na ang mga mata mo, Mika?” Tanong naman ni Kuya kaya medyo napansin ‘ko nga na hindi lang pala ako nahilo sa pag-alog sa’kin ni Apple
Napabuntong-hininga nalang ako at biglang napahikab. Napatakip pa ako ng bibig ‘ko nang maalala na hindi nga pala ako mag-isa.
“Sorry..” Nahihiyang ngiti ‘ko kina Kuya at Apple
“Okay lang, wala ka naman sa bahay, Mika” Nakangiting sambit ni Kuya
Hindi kasi talaga ako sanay na humihikab sa harap ng tao. Tinuruan ako nina Mommy at Daddy na hindi daw tamang pag-uugali ‘yon. I should avoid those kinds of things kasi nakakabastos daw at nakakahiya sa ibang tao na makakakita.
I should act like a well-mannered and educated lady, hindi ‘yung basta lang makakilos. That’s how my parents want me to do, kaya naman ginagawa ‘ko lahat ng sinasabi nila dahil alam nila kung anong tama para sa akin.
“Tara, isasama kita don para naman hindi ka antukin!” Magrereklamo pa dapat ako kay Apple pero wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya nang bigla nya akong hilahin paalis
Sumunod naman si Kuya sa amin habang nakapamulsa. I guess I’ll be joining Apple in this too loud party.
*****
Nandito ako ngayon sa may likod ng hall. I managed to escape from Apple and Kuya Arnold na nasa loob pa ng hall at nakikihalubilo sa ibang mga estudyante. Nandito ako sa likuran ng hall kung saan may benches dito na nakaharap sa mga puno at sa field.
This serves as the place wherein you could relax. Ito ang relax na hinahanap ‘ko, at ito ang gusto ‘ko. I don’t want to go back to that crowded hall. Ilang beses na nga rin nila akong natapakan at madumi na ang puti ‘kong sapatos.
Medyo nagusot na rin ang suot ‘kong dress na si Mommy pa mismo ang namili. Ayaw nya kasi akong payagan na hindi ganito ang suot eh pwede naman pala na naka-freestyle na pantalon at t-shirt pwede na. Pero, sabi nya na ganito daw dapat kasi party ang pupuntahan namin. Kaya heto at nakasuot sa akin ang jacket ni Kuya Arnold kasi nilalamig na ako at inaantok.
*yawns*
Napapikit-pikit ako matapos ‘kong humikab. It’s maybe because this hour is my sleep time. But, since we are here at the party, I can’t leave alone at iwan nalang si Kuya rito. Mukhang nagsasaya pa naman sya so why would I cut his happiness.
Tumayo nalang ako at minasahe ang leeg ‘ko para naman mahimasmasan ako kahit na kaunti. Nagsimula akong maglakad habang nakapikit kaya naman hindi ‘ko namalayan na may iba pa palang tao dito bukod sa akin.
“Aw!” Biglaang sambit ‘ko matapos makabungguan ‘yung lalaking kasalubong ‘ko
“Sorry, Miss, ayos ka lang ba?” Tanong nya sa’kin na tinanguan ‘ko lang sabay hawak sa may noo ‘ko para mahimasmasan naman ako
“Sorry din, hindi kasi kita napansin” Paghingi ‘ko ng paumanhin saka sya hinarap
“A-ah, uhm...Okay lang” Ngumiti pa sya na tila nahihiya saka napakamot sa ulo nya
Tinagilid ‘ko ng kaunti ang ulo ‘ko nang marinig ‘kong may ibinubulong sya sa sarili nya pero hindi ‘ko naman marinig ng malinaw.
“I need to go now, bye” I bid my goodbye to him by making a wave and smiling at him
Nag-umpisa na akong maglakad palayo doon nang magsalita sya.
“Anong pangalan mo? Ako si Kane Sean, ikaw?” Tanong nya sa’kin kaya naman napahinto ako sa paglalakad
Nilingon ‘ko sya ng bahagya dahil medyo nakalagpas na ako sa kanya.
“Miracle, Miracle Katherine” Ngumiti pa ako sa kanya sa huling pagkakataon bago muling maglakad papasok sa hall
What a coincidence, I bet he’s the guy that Apple is talking about...
BINABASA MO ANG
Making Mistakes
Ficção AdolescentePeoples tend to make some mistakes, but for Miracle Katherine, it symbolizes her death. A maiden who grew up in a perfectionist family met this oh-so-famous guitarist of their school band. A maiden who acts like royal princess and a guy who loves mu...
